Chapter 91

289 17 1
                                    

Assurance.

AICE’S POINT OF VIEW

“Yes, it’s true that you were receiving Death Threats from my father.”

Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ng puso ko at binalot ito ng takot at pangamba dahil sa sinabi niya.

Napahawak ako sa railings at nahigit ang paghinga ko.

Nabalot ng pag-aalala ang mukha ni Deive at agad na lumapit sa akin at inalalayan ako.

“B-bakit, D-Deive? A-anong kasalanan ko sa t-tatay mo?” nanginginig labing tanong ko.

Niyakap niya ako. “Wala, wala kang kasalanan. . .” bulong niya. “Dahil ako, Aice. Ako ang may kasalanan at nadamay ka lang.”

Tuluyan nang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak.

Dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya.

Mukhang naramdaman niya ang pag-iyak ko sa dibdib niya kaya mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit na tila ba takot siya na mawala ako.

“I-I’m sorry, Aice. Nang dahil sa akin nanganganib ang buhay mo.”

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at pinakatitigan siya. “Kasalanan mo naman talaga eh! E’di hindi na ako makakabili sa 7/11 tuwing gabi dahil sa death threats ng tatay mong hilaw?!” ngulngol ko.

Pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Nakita ko rin ang pagdaan ng guilt sa mata niya dahil para mapatikhim ako.

Maling word nagamit ko.

“I-I mean hindi mo n-naman kasalanan. Wala kang kasalanan dahil hindi naman ikaw ang nagpapadala ng death threats sa akin,” pagtatama ko.

Umangat ang kamay niya at humaplos sa pisngi ko, marahang hinawi ang hilam na luha sa pisngi ko.

“But still, it’s my fault. Kung pinirmahan ko lang siguro---”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong pipirmahan?! Bugok ka ba? Sa’yo ‘yun kaya bakit mo ibibigay sa tatay mo?” singhal ko sa kaniya. “At saka tigilan mo ‘yang self blaming mo ah! Wala kang kasalanan at kasalanan lahat ‘yun ng tatay mo!”

Dahan-dahan siyang napangiti sa sinabi ko. Pero nagulat na lang ako ng pitikin niya bigla ang noo ko.

“Aray ha?! Bakit ka namimitik?” reklamo ko at hinimas ang noo.

Tumawa siya. “Silly, masiyado ka kasing galit na galit. Kalma ka lang, baka ma-highblood ka.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Pero Deive, paano ‘yan e’di hindi na ako makakapunta sa 7/11 tuwing gabi? Paano na kapag nagutom ako at wala akong makain tapos pumunta ako sa 7/11 mag isa tapos biglang akong kidnapin ng tatay mo sa daan---,” natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumawa. “Bakit ka natawa?”

“Stop imagining things and don’t worry, hindi mo na kailangang lumabas pa para bumili sa 7/11. Just call me at padadalhan kita ng pagkain,” biglang seryosong aniya. “Bibilhin ko na rin ang 7/11 sa inyo para sa’yo and also I will hire some bodyguards to protect you kapag lalabas ka ng inyo.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Seryoso ka diyan?”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Kailan ba ako nagbiro?”

Napatakip ako sa bibig ko. Shuta, seryoso pala siya eh nagbibiro lang naman ako!

“Just tell me whatever you want. Foods and everything that makes you happy. As long as you’re with me, I’m willing to give you everything that makes you happy,” nakangiting aniya. Masuyo niyang hinalikan ang noo ko. “I love you.”

BNDASD: The Painful Secrets [Part II] On GoingWhere stories live. Discover now