Dapit Hapon

5 0 0
                                    

'

Paano bibitawan ang pag-ibig na hindi kailanma'y pinahintulan ng panahon,
Ang imahinasyong liham na isinaisip na galing sa iyo, akin nang titiklupi't itatapon,
Bawat patak ng luha'y rumaragasang parang alon, ikinubli sa likod ng ngiti't kislap ng dapit hapon,
Paghinga ay unti unting bumibigat, pusong nagmamahal tila ba'y nawawasak.

Aking ipipikit matang ninanais na ikaw lang ang siyang tanging gustong pagmasdan,
Aking igagapos kamay na patulo'y ka pa ring hinahaplos at inaabot,
Aking ititikom bibig na tila pangalan mo lang ang nais sambitin,
Akin nang tatapusin, tatalikuran itong pagmamahal na malamyos ngunit pighati ang dulot.

— August

Fb: Cello Poets
Page: Poets Paradise (Admin Sigrid)

Rhythm of Poemsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن