CHAPTER ONE

10 1 0
                                    

CHAPTER ONE

Mag aalaskwarto na nung magising si Althea. Nakaipon na naman ito ng lakas at paniguradong magpupuyat na naman siya. Tinignan niya ang kanyang cellphone at naka tanggap ng 3 missed calls galing sa kanyang kapatid. Tatawagan sana nito pabalik ang kapatid ngunit wala siyang load kaya hihintayin niya na tumawag muli ito.

Nung makarinig nag tunog si Althea galing sa kusina agad itong lumabas  upang tignan kung nakauwi na ang kanyang ama at kapatid.

"Gising kana pala" saad ng kanyang kapatid

"Kanina pa kayo?" tanong nito

"Hindi, kakauwi lang namin" sagot ng kapatid habang nag titimpla ng milo.

Nagkibit balikat na lamang si Althea bilang sagot at saka ibinaling ang tingin sa mga hugasin. Napa iling nalang siya at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Sorry ate napagod kasi ako kanina kaya di ako naka hugas ng pinggan" sambit ng kapatid

"Its okay," sagot naman nito saka kinuha na ang huhugasan upang maghugas "Nasampay mo ba yung mga nalabhan kanina?" tanong nito sa kapatid

"Ah oo ate yun lang yung nagawa ko kanina, nakuha ko na din at natupi na" sagot ng kapatid.

Napangiti na lamang si Althea dahil kahit gaano kapagod ang kanyang kapatid nagagawa padin nitong tulungan sa mga gawaing bahay.

Habang nag huhugas siya ng pinag kainan, tumunog ang cellphone nito dahil tumatawag ang kanyang kapatid.

"Mark, sagutin mo nga yung tawag baka si ate yun" utos sa kapatid at dali dali naman itong sinunod ng kanyang kapatid.

Nang matapos na ni Althea ang hugasin inihanda na nito ang lulutuin para sa hapunan.

"Oh kakausapin ka daw ng ate mo" sambit sa kanya ng ama saka ibinigay ang cellphone.

Agad naman nitong pinunasan ang kamay at kinuha ang cellphone. "Hello?" bati nito

Kamusta kayo jan? Tanong ng kanyang kapatid na nasa kabilang linya

"Okay naman" simpleng sagot ni Althea

Nakausap ko na si Dada, pupunta kami jan sa makalawa.

"Naku wag mo akong pinag loloko jan Niña Guerero" sabi sa kapatid

Oo nga sabi at kanina pa kita tinatawagan upang sabihin dika naman sumasagot

"Eto parang di kapatid, di kana nasanay" saad niya

Kukutusan talaga kita pag nakauwi kami jan Althea

"Yes Niña aantayin ko yang kutos na sinasabi mo" pabirong sambit sa kapatid at saka binaba na ang telepono dahil magluluto pa ito.

It just a normal day for Althea. Same routine, same responsibilities. Alas otso na ng gabi nung nakaligpit ito ng pinag kainan nila. Naghugas narin ng plato para wala na siyang gagawin bukas pag gising.

Tinanong nito ang kanyang ama at kapatid kung may kailangan pa sila dahil paniguradong pag pumasok na siya sa kwarto niya hindi na ito lalabas hanggang bukas ng tanghalian upang magluto.

"May kailangan pa kayo?" tanong nito sa kanila na nagnonood ng tv

"Wala na" sagot naman ng kanyang ama at tumango nalang si Althea saka pumasok sa kwarto niya.

Our Untold Love StoryWhere stories live. Discover now