CHAPTER 1

235 1 0
                                    

-CHAPTER 1


Nag aayos na ko ng gamit at mga damit  ko na dadahilhin ko sa maynila,
dun na kasi ako mag aaral.



kailangan kasi nila mama at papa na ilipat muna ako sa maynila dahil nahihirapan sila dahil may sakit ang kapatid ni papa na si tita Malou, Dito kasi muna tumira sila tita Malou pati ang mga anak nya sa bahay namin.



Dun muna ako sa kapatid ni mama na si Tita Wilma, siya daw muna ang mag papa aral sakin dahil alam nya ang sitwasyon namin at gusto niyang tulungan sila mama.


Habang inaayos ko ang mga gamit ko biglang pumasok si mama sa kwarto ko.


"Anak, gusto mo ba talaga dun? gusto mo ba talaga mag aral dun?"tanong ni mama sakin.


"Opo mama kasi kailangan po, tsaka para na din po mabawasan ang problema nyo, at alam ko po kasi na baon na tayo sa utang at nagastos nyo na po ang mga ipon nyo tsaka ang pang puhunan nyo."malungkot na sabi ko kay mama.


Sa totoo lang ayoko naman talaga umalis e, pero kailangan kasi lalo lang sila mahihirapan at magigipit at mababon sa utang kapag dito pako nag aral, kaya naiintindihan ko.


"Kaya naman namin anak e, medyo hirap lang tayo ngayon kasi diba may problema tayo."malungkot na sabi ni mama.


"Mama naman napag usapan na po natin to diba? Ok lang naman po ma, alam ko po pagod na pagod na po kayo sa trabaho nyo, tas si papa pagod na pagod na kaka lako ng tinda natin, gusto ko po mabawasan po ung poproblemahin nyo, tsaka gusto ko din po mag trabaho dun habang nag aaral."sabi ko kay mama, malungkot na tumango naman sakin si mama.


"Salamat anak, nakapa swerte ko naman sayo, dahil handa ka tulungan kami. Sige na at mag pahinga kana, maaga tayo aalis bukas dahil mag eenrol kapa dun, may konti pakong natira na pera dito para mapasahe natin at pambili ng gamit mo, gusto ko naman na gastusan ka kahit pambili lang ng gamit mo sa eskwela, matagal na din kita di nagagastusan anak."Malungkot na sabi ni mama sakin.


"Ok lang naman po mama kahit wag napo may ipon po ako dito yun nalang po ang ipambibili ko ng gamit ko, itabi nyo nalang po yan, ipandagdag nyo sa puhunan nyo ni papa." nakangiting sabi ko.


"Matagal na kita di nabibilhan Marie sige na, simula ng magkasakit ang tita malou mo ay di nakita nabilhan." pilit ni mama sakin.



Simula kasi nag mag kasakit si tita Malou na kapatid  ni papa ay di na nila ako nabibilhan kagaya ng dati ng mga gusto ko, ok lang naman sakin yun, hindi naman ako maluho, at alam ko na mas kailangan ni mama at papa ng pera kaya di ako nang hihingi ng pera sakanila.



"Ok lang po mama please po, itabi nyo nalang po yan. Ok lang naman po talaga hindi nyo po ako pinalaki na maluho kaya di ako nang hihingi sa inyo diba."nakangiting sabi ko kay mama.


"Osya sige na nga, basta wag ka mag boboyfriend dun ha? bata kapa Scarlet Mariecxz, kukurutin talaga kita sa singit kapag nalaman ko may boyfriend kana dun ha! 16 kapalang ha!!"pambabanta na sabi ni mama sakin. Tumawa lang ako sa sinabi ni mama.

MANILEÑOS SERIES 1: Rae Eziekel AlfonzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon