2

24 2 1
                                    

Seryne Madeline


Todo nganga ako at medyo nanginginig pa ang kalamnan ko. E, pa'no nakikita ko si crush ngayon na nasa isang table at mukhang inip na. Napahawak ako sa braso ko nang itulak 'yon ni Jen. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Ha?"

"Umupo ka do'n," sabi niya't nginisihan ako. Agad namang na-excite ang puso ko pero hindi, e! Nakakakaba pa rin! Hindi ko keri! "Bilisan mo na. Papabol na ang nagpapakita, ayaw mo pang kunin yung chance. Minsan lang 'yan 'no! Shunga ka rin, e."

"Ihh, n-nahihiya ako." Frustrated niyang hinilamos ang mukha niya at siya na ang naupo doon at kumuha pa ng... burger! Nanlaki ang mata ko ro'n at wala na 'kong nagawa pa kun'di awkward na tumabi sa baklang makapal ang pesssss — peste talaga!

"Crush ka nga pala neto," panimula niya na mas ikinalaki pa ng mata ko kaysa sa kanina. Reaksyon lang naman ni Claude ay nakanganga habang painom na sa straw ng drinks niya.

Napapikit ako nang mariin. Hays! Bruha talagaaaaa!!! Gusto ko nang tumakbo pabalik sa room! Pahamak talaga 'to!

"Sorry kung nakiupo rin ako, ah? E, kasi nagugutom na 'ko," dugtong pa niya. Tiningnan lang niya kami na nalilito ang mukha.

"Ah, ano... 'wag mo na lang pansinin yung sinabi niya, ah?" sabi ko pero wala siyang naging reaksyon kaya dumoble ang tibok ng puso ko. "C-Claude... tama? Hehe." Hinintay ko ang sagot niya, pero wala. Handa na sana akong tumakbo pabalik pero dahan-dahan siyang tumango.

"Right." Tapos ngumiti siya ng alanganin. Anong isasagot ko diyan gagsti? Left? Waaaaah! Kinausap ako ni crush! I mean, hindi naman 'to first time pero napakalaking improvement este dagdag achievement 'to!

Napatingin ako sa paligid at nakita ang fries sa harap ko. Kumuha ako ng tatlong piraso at pinasok sa bibig ko kahit may mahaba pa ro'n, kahit matusok na no'n hanggang lalamunan ko ay okay lang! Basta, bastaaaa ayoko na lang magsalita ulit huhu.

Napansin ko naman si Jen na pigil ang pagtawa. Dahan-dahan kong binaba ang kaliwang kamay para kurutin siya, habang ang kanan ay nakatakip sa bibig ko dahil na-co-concious ako maging sa pag-nguya ko. Umirap lang siya nang maramdaman ang pagkurot ko.

Nakakainis talaga!

Tumingin ako sa gilid ko at parating na sila Rienne kaya umayos na ako ng upo, kunwaring walang nangyari. Mamaya talaga susuntukin ko sarili ko pag-uwi. Nakakahiya yung moment na 'yon! Tsaka right? Anong right? Right na mapasaiyo? Hihi. Malandutay ka!

Nang-aasar na ngumiti si Chelle habang si Rienne naupo lang habang kinakausap si Zam na parang pinagbabantaan nito ang buhay. Inirapan siya ni Zam at do'n lang ni Rienne binati si Claude.

"Kuya!" Napalingon kaming lahat kay Zam. "'Wag mo ngang tabihan 'yan," sabi nito sa mahinang boses na.

"Bakit?" tanong ni Claude habang saglit na tumingin kay Jenine na abala sa pagkain. Si Chelle rin kumakain na nang bigyan siya ni Kazen ng makakain. Parang alagang-alaga niya ito. Parang baby, sus.

"Basta!" Tumingin ako sa pagkain ko at napanguso. Sana ako rin.

Kumuha na lang ako ng fries at napilitang kainin kahit hindi naman ako mahilig sa gulay. Matapos ang isang oras na bakante ng klase ay pagbalik namin pinapagalitan na ng next subject teacher namin ang section namin. Lagot kami!

Sumilip si Chelle at grabe ang kaba ko nang tignan kami ni Miss Montesa isa-isa. Napalunok ako.

"I'm sorry we're late, Miss Montesa." Yumuko kaming tatlo habang si Jen ay palihim pang tumatawa. Gusto ko siyang sikuhin kaso baka mamaya mapagalitan lalo kami.

If Tommorow You and I Where stories live. Discover now