4

12 1 0
                                    

Shannen Aireeze


"Hays, nasaan na ba kasi 'yon..." Tahimik na naghanap ako sa drawer, iniiwasang magising si Rienne na mukhang puyat na puyat. Ano kayang pinaggagawa ng babaeng 'to kaninang madaling-araw?

Sinilip ko ang ilalim ng kama kung naroon pero wala rin naman, kahit sa kasuluk-sulukan wala rin. Naisipan ko na lang na lumabas. Nakita ko si Tita na paakyat, makakasalubong ko pa. May hawak siyang walis at dustpan, mukhang maglilinis pa ata siya sa kwarto nila ni Tito.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa'kin at sinipat ako. Naka-plain dress lang naman ako na light blue at white na sling bag pati sandals.

"Wala po, may hinahanap po kasi ako, e." Napakagat ako ng labi at hindi napigilan ang bibig na mag-tanong. "May nakita ka po bang plastic sa kwarto namin ni Rienne?" Kumunot ang noo niya tila nag-iisip pa.

"Wala akong nakita, e hindi pa nga 'ko pumapasok diyan simula kahapon. Bakit? Ano ba'ng hinahanap mo?" Umiling na lamang ako at ngumiti.

"Sige, 'ta, labas lang po muna ako saglit." Paalam ko. Tumango siya't sinabing mag-iingat akoat tuluyan na nga siyang umakyat patungo sa kwarto nila. Naglakad na rin ako papunta sa sakayan habang malalim ang iniisip.

Nang makarating sa mall ay pumunta ako sa grocery at bumili na rin ako ng snacks dahil minsan sabay na kaming nagpupuyat ni Rienne at... hindi ko dapat makalimutang bumili ng pregnancy test.

Ramdam ko ang mga tingin nila sa'kin ngunit hindi ko na lang binigyang pansin ang mga taong nasa paligid ko na napapatingin sa hawak ko. Tila ba mabagal ang oras para sa'kin ang pag-i-scan ng mga binili ko nang mabayaran ko na agad at makaalis na.

Nang matapos naman ay nakayuko kong nilagpasan ang mga tao palabas ro'n. Bigla akong nag-sisi na dito pa ako bumili dahil sa malapit lang. Dapat kang mag-ingat, Shan.

Nag ikot-ikot ako at iisang damit lang ang nabili ko sa haba ng nilakad at inikot ko, mga hindi kasi pasok sa taste ko ang mga nakikita ko.

Nang magutom naman ay napag-desisyunan kong kumain na lang ng street foods sa labas kaya naman lumakad na ako papunta sa exit nitong mall. Hindi ko sinasadyang makita ang pamilyar na pigura ng katawan na ayaw na ayaw ko pa naman sanang makita.

Naka-uniform siya ng pang-nursing student at may nakasabit na ID sa leeg, may kasama rin siyang isang babae't lalaki na mukhang katatapos lang sa school kahit sabado? Meron ba silang pasok ng sabado? Ewan. Wala dapat akong pakialam.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at hindi maiwasang tingnan ulit siya dahil agaw-pansin naman talaga ang tangkad at ang awra niya. Malakas ang appeal, e. Head turner talaga ang lalaking 'to na bukod sa tangkad at moreno ay gwapo naman talaga.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang magkasalubong ang mga tingin naming dalawa. Glassdoor lamang ang pagitan namin at iilang hakbang lang ang layo sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya na parang tumatagos maging sa kaluluwa ko.

Iniwas ko na ang tingin at mabilis na naglakad palayo habang hawak ang dibdib ko, kinakabahan. Ang plano kong pag-kain dapat ng street foods ay hindi na natuloy dahil dumiretso na ako sa pag-uwi.

Napigil ko ang pag-hinga nang makita si Mama na kalalabas lang ng kotse kasabay si Papa, sakay rin doon ay si Tito. Siguradong galing sila sa kumpanyang kagagawa lang nila last year.

If Tommorow You and I Where stories live. Discover now