6

11 1 0
                                    

Athena Rienne


Na-te-tense ako habang naglalakad nang dahan-dahan papunta sa kinaroroonan ni Chelle. Nanlalaki pa ang mga mata ko at hawak ang bibig dahil may kasama siyang lalaki't nakaakbay pa sa kaniya. OA ko na naman, e. Wala lang, gusto ko lang mag-react ng ganito bakit ba haha.

Sinubukan kong tingnan ang lalaki pero hindi ko talaga makita ang mukha, nkatalikod sila mula sa akin at mukhang nagkukwentuhan. Inabangan kong mawala ang lalaki bago lumapit sa babaita.

"Sino 'yon?" Napahawak siya sa dibdib nang makita ako.

"Ikaw lang pala 'yan, siraulo ka..." Mahinang sambit niya bumuga ng hangin dahil sa gulat sa'kin.

"Awch..." Humawak din ako sa dibdib ko kahit wala ako no'n, kunwaring nasaktan. Hinampas niya naman ako sa likod ko at totoong nasaktan na talaga 'ko. "Aray ko, ha! — Uy! Pero sino 'yon? Ha? Akala ko ba si Kazen lang?"

"Pinsan ko 'yon." Tiningnan pa niya ulit kung saan naglakad ang lalaki kanina, sinundan ko rin siya ng tingin at nakasakay na pala sa taxi. Napakunot ang noo ko nang mag-sink in sa'kin ang sinabi niya.

"Akala ko ba wala ka ng ibang kamag-anak?" Takang-taka na tanong ko. Binalingan niya na 'ko ng tingin at umiling lang.

"Tara na nga, punta tayo sa bagong shop. Libre ko na." Na-excite naman ako bigla. Nasarapan ako sa burger doon, e." Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na 'ko na may ngiti sa'king mukha.

Sa malapit na counter kami pumwesto at hinintay ang order namin. Nakita pa namin sa labas ng shop sa gilid namin si Jenine at Seryne na naglalakad, mukhang pauwi pa lang. Masayang kinawayan ko sila para mapansin nila at buti nakita nila kami. Kumaway pa sa amin si Seryne samantalang si Jen ay hinila na siya, akala ko ay uuwi na sila pero pumasok pa pala talaga dito sa loob. Mga dora.

Tumabi si Jen kay Chelle at si Seryne naman ay sa kanan ko. Buti pala pang-animan itong table at may humabol pa ngang dalawa... ayun at nasa entrance, mukhang nag-uusap pa kung anong bibilhin nila habang nasa menu sa itaas ng counter ang tingin ni Zam habang nagsasalita at si Claude ay naglalabas na ng pera.

Napatingin ako kay Jen nang tumayo siya at lumapit sa dalawa. Nakipag-usap pa at tinuro ang pwesto namin, napayuko naman si Seryne at mukhang nahihiya. Napatawa ako dahil doon at the same time ay kinikilig kasi nakatingin si Claude sa kaniya pero hindi niya lang alam. Iniwas lang niya ang tingin kay Seryne nang mag-salubong ang tingin namin.

Tss. Torpe.

Namalayan ko na lang na nakaupo na si Claude sa katabing upuan ni Jenine, 'di bale may space sa pagitan nila ni Chelle. Pabirong kinurot-kurot ko naman ang hita ni Seryne. Pinanlakihan niya lang ako ng mata na ikinatawa namin ni Chelle. Tumikhim ako para pigilan na ang pagtawa ko dahil halatang na-a-awkward si Claude sa'min.

"Nasaan pala si Kazen?" tanong ko dito.

"Ah, umuwi na." Nahihiyang ngumiti siya at sa sobrang nakakahawa ng ngiti ay nahawa na rin ako.

"Ah... ang cute mo." Daig pa ang serial killer kung makatingin sa'kin  'tong katabi ko, e. "Hehe... joke," bulong ko sa kaniya.

Naging tahimik na kaming lahat at nag-ce-cellphone maliban kay Chelle na panay tingin sa paligid. Yung dalawa naman ay may sariling mundo't hinintay na talaga sa counter ang order nilang apat. Dumating na nga rin yung order namin ni Chelle, e kaso sinabi niyang hintayin na rin namin sila.

If Tommorow You and I Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ