CHAPTER 2

4.8K 180 22
                                    




Napatulala ako kay Dyky bago nito kunin ang shirt sa akin at agad tinalikuran, does he don't want me to watch their game tomorrow? Tanong ko sa aking sarili bago ako natauhan.

"Ahm, thank you couch, I have to go." I said, nodding to other players. Mabilis akong tumalikod at tumakbo pabalik kung saan naroon ang mga student council na busy sa pagbuo ng mga booths.

Tumigil ako sa tapat ng wedding booth, at hinihingal na panasandal sa poste na katabi nito. "Oh, bakit parang hinabol ka ng sampung kabayo Naivy?" tanong ni William habang binubuo ang logo na para sa booth na ito.

Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang aking puso, sobrang bilis ng tibok nito. "T-tubig," kapos hininga kong sambit. Naintindihan naman iyon agad ni William, kaya mabilis niyang inabot sa aking ang bottled water na katabi ng boxes sa table.

Tinungga ko ito at halos maubos ko ng isang inuman lang dahil sa sobrang hingal ko, hindi naman ganun kalayo ang soccer field dito sa kinatatayuan ko pero pakiramdan ko parang inikot ko ng sampung beses ang field dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Nagpahinga ako sandali, at nagsimula na 'ring tumulong pagkatapos. Buong araw kaming excuse sa classes dahil kami ang naka assign sa booths para bukas at sa dami ng booths na itatayo siguradong aabutin kami ng gabi nito.

Good thing I already informed my parents about this.

"Naivs," napalingon ako kila Bunny at Olivia ng tawagin nila ako, I was busy cutting the flowers for the wedding booth when they arrived, "Oh?" Sambit ko.

"Hindi ka sasabay sa amin mag lunch?" umiling ako at tinuro ang food na bigay ng provided ng school para sa amin. Naintindihan naman agad iyon nila Bunny kaya tumango sila. "Ok, we'll go ahead, mamayang pag-uwi are you going with us?" Bunny asks.

"Hindi siguro, marami pa kaming gagawin eh. Mauna na kayo papasundo na lang ako kay Mama mamaya."

"Ok, bye." sa pag-alis nila nag-aya na din si Mico for lunch, sabay-sabay kaming kumain mga student council student sa table na nilagay nila sa tabi ng handcuffs booth.

We had a short lunch break and back to work after, sa sobrang daming ginagawa, hindi ko napansin na hapon na pala at unti-unti nang nagsisiuwian ang mga estudyante.

Tapos na namin itayo ang wedding booth, tanging yung mga decorations, props at mga flowers na lang ang tinatapos namin. "Cr lang ako saglit girls, bakit ako mamaya!" paalam ni William, sobrang bilis nitong tumakbo sa senior high building.

Naiwan kami nila Kara at Joey dito sa booth, "Guys," sabay sabay kaming tumingon sa sa likod ng makita si Mico na hawak na ang tarpaulin for the wedding booth na ilalagay sa labas ng tent.

"Ito na yung ilalagay dito sa labas, here, ididistribute ko lang itong iba sa kabilang booths. Pakilagay na, ok." he said and handed us the tarpaulin then left. Nagkatinginan kami nila Kara at Joey. "Sinong maglalagay nito? Takot ako sa heights," Kara said.

"Ako din," sambit ni Joey, then tiningnan nila akong dalawa. Isang malalim na pag buntong hininga ang aking pinakawalan bago sinabi, "Ako na ang gagawa," mahina kong sambit. Ngumiti silang dalawa at tinulungan aking akong dalhin sa labas ang hagdanan na gagamitin ko sa pagkabit nito sa itaas.

Hinubad ko ang aking sapatos, at umakyat ako sa hagdan hanggang sa maabot ko na ang pagsasabitan nito na ginawa ni William kanina. "Akin na yung tarpaulin," inabot ito ni Kara at nagsimula na akong ikabit ito ng maayos sa itaas.

"Oh my gosh," napatingin ako kay Kara sa ibaba ng bigla siyang magsalita, when I look at her, she was looking on the right, kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin at agad ko ding pinagsisihan na ginawa ko iyon.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora