CHAPTER 6

3.6K 134 2
                                    


"Itadakimasu!!!" I whisper and start eating this tuna sandwich I grab from the kitchen, kinuha ko ito sa baba as a midnight snack since Dyky said that he's gonna call.

Pero ang ipinagtataka ko, ay hindi pa 'rin siya tumatawag hanggang ngayon, I'm sure ganitong oras nakarating na siya sa bahay nila. As I took a bite from my sandwich, kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang ichat.

To DK:

Home already?

Hinintay kong mag online siya pero lumipas na ang sampung minuto ay wala pa rin, hindi pa 'rin siya nag online, normally this guy is always online when he's in their house.

"Baka nalowbat ang phone niya," I whispered, inabot ko muna ang laptop ko upang manood ng movie habang hinihintay siya. I decided to watch Reign on Netflix while eating my tuna sandwich.

Halos natapos ko na ang buong season one, at 2:45 am na hindi pa 'rin siya nag online, dahil 'don niligpit ko na ang laptop ko, at lumabas ng kwarto upang kumuha ng tubig at iligpit ang plate na ginamit ko para sa sandwich ko kanina.

Pababa ko sa kusina, agad akong kumuha ng maiinom at hinugasan ko na 'rin yung plate na ginamit ko. Lumabas ako ng kusina at paakyat na sana ako sa itaas ng marinig ko ang boses ni Mama na tumatawa.

Nanggagaling ang ingay sa garden sa likod ng bahay, kaya dahan-dahan akong pumunta doon at sumilip sa sliding door papunta sa garden. My heart melted when I saw my mother and father standing in the middle of the garden while hugging each other.

I could hear dad making some corny jokes that made my mom laugh, I purse my lips, nibble the bottom of my lip before I slowly step away from the door and walk back into my room.

Those two deserve their own time together.

I lay on my bed and sent a message to Dyky before I went to sleep.

To DK:

Why didn't you call? I'm going to sleep now; I'll see you tomorrow.

The next day, I woke up early expecting his reply but I didn't get one. I was so occupied by so many thoughts inside my mind because of him. He's not like this.

I prepare for school and eat breakfast with my mother, late na akong nagising kaya nauna ng umalis sila Dad at Nathalia, "Are you sure you don't want me to drive you off to school?" tanong ni mama habang inaayos ko na ang aking bag at naghahanda na aking pag-alis.

Nilapitan ko siya, sinuot ang aking bag at niyakap ito, "I can go on my own ma, wag ka na pong mag alala," she kissed my forehead before he nodded and let me go.

Lumabas na ako ng bahay at pagputloy ko sa gate nagulat ako ng makita si Dyky sa mismon tapat ng gate namin, kinabahan talaga ako kaagad kaya patakbo ko siyang nilapitan at hinila sa kabilang kanto.

"Anong ginagawa mo?!" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya, pero imbis na ako ay sagutin nagulat ako ng hilain niya ang aking kamay at agad niyakap.

Hindi ako agad nakaimik dahil sa gulat, he tightened his grip before he slowly let go and look at me with those gloomy eyes. "I broke my phone, I'm sorry I didn't call you last night." parang bata na nagsosorry nitong sambit.

Nawala ang pangamba sa aking dibdib dahil sa ginawa niya, I cupped his face and smile. "It's ok, I understand," he stared at me before he hugged me once again and we stayed like that for a few seconds before we both decided to walk, sa second gate kami dumaan para wala masyadong makapansin na magkasama kami.

"Bye," I whisper and try to slowly move away from him, but he secretly won't let my hand go. Kaya kinailangan ko pa itong itulak papalayo at tumakbo para makalayo sa kanya. Bago ako pumasok sa classroom, I glance at him and ask him to smile using my fingers.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon