CHAPTER 15

3.3K 134 5
                                    



"Good morning!" masiglang bati ni Cameron paglabas ko ng condo kasama ang mga aso. "Good mor—-

Agad nanlaki ang aking mga mata ng makita si Cameron na walang suot na costume ngayong araw, tiningnan ko ang kanyang likuran pati na 'rin ang laman ng doctor's bag niya pero wala akong nakitang kahit anong costume na maaari niyang suotin ngayong araw.

"What are you doing?" he asked.

"This is impossible," I whisper with disbelief. Natatawa niya akong tiningnan at kinuha ang suot kong sling bag bago kinuha sila Doofy at Toffie sa akin.

"Anong sinasabi mo d'yan?" sambit nito sabay lakad, sinundan ko siya at hindi talaga ako makapaniwala na wala ngayong araw.

He never forgets to wear even the smallest costume that could represent animals. "Cameron, ok ka lang ba?" tanong ko at sinabayan siya sa paglalakad.

"Yeah, I'm great, bakit ba ganyan ka makareact?"

"Impossible kasing hindi ka nakasuot ng costume, patingin nga," ani ko at sinilip ang loob ng kanyang polo, wala siyang doble. "Hey, wala akong suot ngayon, I decided to be normal for today, just for you, mukah kasing pagod na pagod ka na sa akin," inakbayan ako nito at hinila na papasok sa elevator kasama ang mga aso bago tumuloy sa parking.

"We can just use my car today, since wala ka naman pupuntahan na iba maliban sa clinic today, right?" I nodded.

"Let's just use mine and save money for gas, ang taas ng gas ngayon." he said and brought the dogs inside his montero sport.

Pinagbuksan ako ng pinto dito sa passenger seat bago umikot at sumakay sa driver seat, sinilip niya ang mga aso sa likuran bago binuksan ang makita at tinahak na ang daan papunta sa vet clinic.

"Where do you want to eat lunch today, libre ko na," napangiti at agad akong namili ng gusto kong kainin for lunch.

"Gusto kong kumain ng lasagna, sa greenwich!" I said.

"Noted," anong nakain nito at biglang nanlilibre? Binuksan ko ang phone ko at nakita ang isang notification mula sa instagram. I open it and stiff when I saw Dyky like my graduation picture.

Talaga bang tiningnan niya ang account ko? Baka naman napindot lang Naivy, he won't do that. Or baka dahil pinafollow back ka niya nakita niya ikaw sa pag scroll niya kaya na nilike niya. No, baka napindot lang.

Tila naparanoid ako dahil sa ginawa niya, kaya imbis na pansinin at usisain pa ito. Agad ko na lang iun-install ang Instagram app ko.

Huminga ako ng malalim at ibinalik ito sa aking bulsa, "Are you ok?" tanong ni Cameron sa akin, tiningnan ko siya at ngumiti. "Yeah, ok lang ako, libre mo mamaya ah, tatlong orders akin with pizza."

"Yes, boss."

We arrived at the clinic at the right time, and opened it at 9:00 in the morning. I choose to forget my thoughts about that and focus on work.

"Ok, let's get to work!!!" Cameron shouted, I smiled and nodded. Yes, Let's get to work!!!

Masigla akong nag ayos ng mga gamit dito sa front desk ng clinic habang inaayos naman ni Cameron ang mga vitamins sa gilid.

The door opens, kaya nakangiti akong humarap sa first patient namin ngayon, "Good Mornin—--" hindi ko natapos ang aking sasabihin at tila nawalan ako ng balanse ng makita si Dyky na papasok sa clinic.

Anong ginagawa niya dito? He covers his nose using his hand and look at me, agad kong hinila si Cameron papalapit sa aking tabi at siya ang pinabati ko. "Batiin mo," bulong ko.

Obsessive Demand (LOA 2 #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora