Chapt 26(Luigi)

8 0 0
                                    

*MANAMI's POV*

Ayoko na sanang makipag usap kay Lulu dahil kinain na rin ako ng pag iisip ko na magagalit nanaman 'yun sa'kin, hindi naman sa duwag ako pero baka kasi maibuntong nito kay Taru ang galit niya sa'kin.

Tulad nalang nitong nakaraan na nainis siya sa'kin dahil nangungulit akong may bibilhin at 'wag na akong hintayin pero ginawa niya pa rin, may nakabangga siyang lalaki sa grocery na pinagbibilhan ko at muntikan pa silang mag pang abot dahil sa pangungwelyo niya.

Pero sana naman maintindihan niya kung anong tinutukoy ko sa parte na gusto ko lang naman na maging sensitibo siya, tangina pala niya eh siya na nga nakagulo sa bahay namin ta's siya pa may ganang lumayo layo na naging dahilan din kung bakit napabayaan niya pa ang sarili niyang kapatid.

"Palabas na sila any time soon." Pabalik balik ang tingin niya sa relos niya at sa bukana ng building nila Luigi.

Tinext ni Taru kanina si Lulu na pumunta dito sa kung saan kami mismo nakapwesto dahil may pag uusapan sila.

Pumayag naman siya, buti nalang kamo at pumayag siya dahil kung hindi baka sugurin ko pa sila sa bahay nila at duon ko isisiwalat lahat ng kabauhan ng ugali nito.

Hindi ata nila alam kung gaano kahirap pakisamahan ang ugali niya, kung alam lang talaga nila kung gaano ako nagtitiis sa kaniya at the same time ay ayoko na rin siyang mawala sa'kin.

Hindi naman sa pagiging tanga pero may pagkakataon naman na maayos ang ugali niya na doble pa sa inaasahan ko kaya gusto ko na rin na gawan ng paraan na magbago siya in a good way dahil siya lang din naman ang nag iisang lalaki na lubos kong nakilala ng ganito.

Ayoko ng kumilala pa ng iba, marami nanamang eklavu 'yan sa talking stage e, pagod na pa naman akong magpabebe tulad nung una kaming nagkakilala.

"'Yan na siya," Hindi na ako umalis sa pagkakasandal ko sa pader samantalang tumayo naman si Taru para kawayan siya.

Bahagya akong yumuko at itinago ang mukha sa hoodie na suot ko, sinadya kong gawin dahil baka mag back out pa siya kung makita ako na nandito rin.

"Bakit nandito ka pa? 'Di ba uwian niyo na? Dapat kanina ka pa nakauwi ah," Totoo ang sinabi niyang dapat nakauwi na si Taru, ako rin dapat ay nakauwi na. Naghintay pa nga kami ng 1 hour and half sa paghihintay sakaniya.

"I-Ikaw.." Pansin ko sa mukha ni Taru ang pag aalinlangan na magsalita, palihim pa itong tumingin sa'kin na wari bang humihingi ng tulong kaya pasimple akong lumakad palapit sakanila.

"Bakit hindi ka nag break kanina?" Paunang tanong ko, naghahanda pa ako sa susunod pang tanong pero talagang pinili kong unahin muna ang pinakamababaw para makapaghanda pa siya.

"N-Nam..nandito ka pala," Bakas ang pagtataka at kaba sa mukha niya pero nanatili lang akong nakatitig sakaniya habang nakasuksok ang kamay sa mga bulsa ko.

"Sagutin mo ang tanong ko,"

"Hindi ako nagugutom, naghintay ba kayo?" Gusto kong matawa pero parang wala na akong lakas para gawin pa 'yun.

"Hindi ako naghintay pero 'yung kapatid mo oo, alam mo ba na siya lang mag isa kanina?" Hindi naman nagbago ang hagod ng mukha niya.

"Akala ko ba sabi mo sa Mama mo na hindi mo papabayaan na walang kain 'tong kapatid mo? Sinabi mo rin na babantayan mo siya ng maigi dahil nasa iisang paaralan lang naman kayo," Duon ay parang nagkaroon siya ng kaunting emosyon, nangunot ang nuo niya na tumingin kay Taru.

"Hindi ka kumain?"

"Huli ka na Luigi, napakain ko na siya kanina kung hindi lang sana kami maagang nagbreak ay hindi ko siya maabutan at ang magiging labas ay wala rin siyang magiging kain," Hindi lang naman ang walang kain ang problema ko eh, ewan ko ba parang may iba pa akong pinaghuhugutan ng sama ng loob.

"Dapat hindi mo na ako hinintay pa." Hindi niya magawang tumingin sa'kin at na kay Taru lang ang tingin niya. Nilipat ko rin ang tingin ko sa kapatid niya na ipinapahiwatig na magsalita siya.

Pero mukhang nilamon na ata siya ng takot dahil hindi siya nagsasalita ni kahit pag buka ng bibig ay hirap ito.

Kung hindi niya magagawang magsalita para sa sarili niya ay ako ang gagawa para sakaniya, pero hindi na sa harap ni Luigi lang, kasama na pati ang pamilya niya.

"Hinintay niya tayong dalawa, alam mo sa sarili mo kung anong nagawa mo Luigi, kaya hindi ako makakasabay sainyo, sana manlang nag inform ka, nung pumunta nga si Taru kanina ay hindi mo pinansin kaya 'wag kang umastang may pakealam ka ngayon," Hindi siya nakaimik. Parang gusto ko nalang siyang sapakin kasi mukhang wala siya sa hulog magbigay ng malasakit.

"Sasagot ka o busted ka sa'kin?" Saka lang siya nag angat ng tingin ng marinig ang mahinang bulong ko sapat na para kami lang dalawa ang makarinig.

"Pasensya, sorry bunso kung hindi kita nasagot kanina, wala lang talaga ako sa tamang kondisyon, sorry rin sa nangyari kanina Manami," Napakunot ang nuo ko nang marinig ang itinawag niya sa'kin, hindi na kasi ako nasanay na matawag ng ganiyan ni Luigi, pero mas maganda na rin 'yun, mas maiinis ako kung tatawagin niya akong Nana, kahit na alam naman niyang hindi pa kami nagkakabati.

"Ihatid mo na 'yang kapatid mo." Tuloy tuloy akong naglakad ng hindi tumitingin sakanila, 'yun lang naman ang hinihintay ko, ang humingi siya ng tawad, ngunit hindi pa sapat.

Napansin ko naman na hindi na rin nila ako sinundan kaya nakampante na akong maglakad ng mabagal. I gathered my keys inside of my pocket and unlocked the padlock of my bike.

Nang inaayos ko na siyang paandarin, naramdaman ko na parang may mali, sa sobrang pag katulala ko hindi ko napansin na naputol pala ang kadena ng bike ko, o ang mas magandang gamitin, may nag putol.

Paanong mapuputol 'yon eh bagong bago 'to, kakabili lang 'to nitong nakaraang buwan. Tarantado talaga kung sinong may kagagawan nito, malilintikan sa'kin 'yon.

Hindi ko alam kung bakit pabalik ako kila Lulu imbis na ayusin ang napigtas kong kadena, alam ko na may kinalaman siya dito.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon