Chapt 9 (SPG -///-)

8 2 1
                                    

*ISHINTARU's POV*

Kumuha ako ng palangganang maliit, nilagyan ko ito ng maligamgam na tubig at alcohol.

Kinuha ko ang bimpo na nakalublob dito at maingat 'yun na pinunas sa mukha ni Manami.

"Uhmmm." Ungol niya sabay iba ng position ng higa.

~_~

Ang gulo naman neto. At dahil nakatagilid na siya sakin ay masyado akong nahirapang punasan siya ng maayos.

Tinignan ko ang damit niya...malinis pa naman okay na yan.

Tatanggalin ko lang ang jacket niya at yun okay na.

Nahirapan akong tanggalin ang jacket niya pero successful ko naman itong natanggal ng hindi siya nagigising.

Biglang pumasok si Mama sa loob ng kwarto.

"Oh, tamang tama, napunasan mo na pala, palitan mo na ng damit yan, pahiramin mo muna."

"Pero..Ma, malinis pa naman ang damit niya." Kinotongan ako ni Mama.

"Anong malinis! Kahit na! Mahiya ka nga baka pinagpawisan na yan. Mukha pa namang mayaman yang kaibigan mo tapos gigising siya na yan parin ang suot! Palitan mo yan!" Pasigaw si Mama niyan pero ginagawa niya ang lahat hindi lang magising si Manami.

"Opo, Ma." Ano pa bang magagawa ko..eh si Mama kalaban ko eh.

Lumabas si Mama at sinabihan ako na wag kakalimutang ilock ang pinto dahil baka pumasok sila Kuya.

At ginawa ko naman.

Tumingin ako sa blouse na suot niya.

Pasalamat nalang talaga ako at nakablouse siya, pwedeng pwede ko lang tanggalin ang pagkakabutones at mahuhubad ko na ang suot nito.

Mukhang masyado atang bastos ang iniisip ko.

Okay naman ang pakiramdam ko kanina pero ng gagawin ko na ay nag umpisa ng namamasa ang mga kamay ko at pinagpapawisan na rin.

B-Bakit nanginginig ako ~_~

1...2...3..pikit.

Ehhhh first time kong magtanggal ng saplot ng kapwa ko.

Nasanay ako na sarili ko lang damit ang tinatanggal ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakabutones ng blouse niya.

*tok*tok*tok*

Ay! Pusang tubol!.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

Ano ba yan!.

"Sino yan?"

"Ako 'to. Kakain na." Boses ni Kuya Luigi.

"Mamaya na ko!"

Wala pa kong ganang kumain. Narinig ko naman ang bagsak ng paa niya na paalis.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Where stories live. Discover now