Chapt 5 (Water Drinker)

6 2 2
                                    

*MANAMI's POV*

Kasalukuyang akong nagsusulat.
Sa circle ng school.

May anim kase na pabilog na mesa dito na nakapwesto pabilog kaya tinawag na circle.

Nagsusulat ako ng notes, nanghiram pa ako kay Kai para lang makumpleto ang notes ko.

Wala e, 'di ko gawaing magsulat HAHA.

Tinignan ko ang taong naglapag ng isang bottled water sa mesa ko.

Si...

...Roi.

"Ano tapos ka na?"

"Hindi pa nga eh." Kinuha ko ang bottled water at uminom.

"Ba't nandito ka? Ba't 'di ka nalang sa room magsulat?" Tinignan niya ang sinusulat ko.

"Bukod sa presko dito, masyadong maingay si Crion, aasarin lang ako ng aasarin nu'n, 'di ako matatapos." Tinignan ko ang sinusulat ko. Isang pahina nalang tapos na ako.

Okay time to write again.

"Sige sige."

"Una na ako? 3:30 balik ka na sa room ah? May teacher na tayo."

"Okay."

Tinignan ko ang relo ko. 2:10.

May oras pa ako.

Ilang letra nalang ay matatapos na ako.

Okays.

Umunat ako. Tapos narin sa wakas!.

Uminom ako.

"Hi?"

Nahinto ako at tumingin sa nagsalita.

Nagulat ako ng makita siya pero 'di ko pinahalata.

D-Diba siya 'yung crush ko du'n sa Mall?.

'Yung singkit na mukhang japanese?.

S-Si...Luigi...oo si Luigi nga!.

"Hi?" Kumaway pa siya sa harap ko para maagaw ang atensyon ko.

"H-Hi.."

"Kanina pa kita nakikitang nagsusulat since..." Tumingin siya sa oras ng phone niya.

"...1:25?" Nabilang niya pa 'yun?.

'Di kaya...kanina niya pa ako tinitignan?.

"P-Pano mo nalaman?"

"Kanina pa kita pinapanuod."

T.V lang ang peg?.

"Bakit?"

Umupo siya sa tabi ko.

Shet ang bango.

Hindi ko alam na dito pala siya nag aaral.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Where stories live. Discover now