CHAPT 19 (Wait)

5 1 2
                                    

*MANAMI's POV*

Nilalaro ko sa daliri ang ballpen ko habang nag iisip.

Kung sino mang nanakit sakaniya ay sasamain talaga saakin.

Wala siyang karapatang saktan si Taru.

Nagbell na hudyat na tapos na ang klase.

Hinintay ko muna silang maglabasan bago ako lumabas.

Paglabas ko ay kakaiba ang tinging ipinupukol saakin ni Lulu.

Gawain narin niyang maghintay sa labas ng classroom ko para maihatid ako sa bahay.

"May problema ba?"
Tanong ko. Ngumiti lang siya sabay iling.

Hmm...

"Kumusta si Taru?" Habang naglalakad kami patungo sa mga bike namin.

"Medyo bumaba na ang sakit niya.." Tinanguan ko na lamang ito.

"P..Pwede ko ba siyang bisitahin?"

"Sure.."

--------

Malaya kong tinititigan ang mukha ni Taru na natutulog..

"Uuwi na po ako.." Paalam ko pagkaraan ng ilang oras kong pag sstay duon.

Marami pa pala akong aasikasuhin..

"N-Nam.." Napatingin ako kay Taru ng bigla siyang nagsalita.

Napatingin kaming lahat sa nakapikit na si Taru.

Bakit niya binanggit ang pangalan ko?.

"T-Taru?" Tawag ko pabalik.

Dumilat siya ng kaunti.

"Please stay.." At muling pumikit.

Tumingin ako kina Lulu.

"Can..i?" Tanong ko. Nagtanguan lang sila na ang ibig sabihin ay inaaprubahan ako.

Hindi ko alam ang gagawin habang nakatitig lang sa mukha ni Taru.

Magdadalawang oras na akong nakatingin sakaniya pero parang wala manlang pumasok sa utak ko.

Sobrang nabablanko ako, pero kahit ganun hindi ko naramdaman ang pagkabagot sa pag titig sa mukha niya.

Bakit ba hindi ka nag sasabi Taru?.

Hindi ba kami makakatulong sayo? Hindi mo ba kayang sabihin?..

Awang awa na ako sa sitwasyon mo, at wala akong magawa..

Kung may idea lang sana ako kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon.

hays Taru...

Kahit lagi mo akong tinatarayan, hindi pa rin maikakailang marami kang iniisip.

"Kung may maitutulong ako, please mag sabi ka...ayoko ng nakikita kang nahihirapan," Hindi ko alam kung masyado na ba akong eksaherada sa sinabi ko, pero alam ko, kitang kita sa mukha niya 'yung pagod at sakit.

"Bakit ba ang tigas tigas mo sa harap namin? Pero marami ka na pa lang iniisip? Hindi naman masamang bawasan 'di ba? Hindi naman masamang magkwento..." Parang 'pag nasa ganitong sitwasyon siya, nanghihina din ako.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon