Chapter 2: Music Club

35 7 1
                                    

REI'S POV

"Napaka-tagal naman ng key holder niyo." Angal ko habang naghihintay pa rin sa key holder namin, isang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng classroom, paparating na ang first subject teacher namin pero wala pa rin siya.

"Oh nandiyan na pala eh!" Aning ni Kyla, "Ikaw naman kasi hindi ka makapaghintay." Dagdag niya pa bago niya hawakan ang balikat ko.

Ngumisi na lang ako.

"Kailan ka pa natutong maggitara. Ha, Rei?" Kyla aniya noong makita niya ang gitara ko sa kabilang silya.

"Hindi naman sa'kin 'yan, iniwan lang sa'kin nang kung sino kanina habang papasok ako." I answered.

"Iniwan? Bakit? Para saan?" Tanong niya uli.

Sinara ko ang notebook ko at nilapit ang mukha sakan'ya, "Pwede bang 'wag maraming tanong?"

Ngumuso siya at tumalikod sa akin.

Dumating na ang professor namin sa first subject.

"Good morning class. Before we start our class I just want to say something connected to your finals requirements."

Nangunot naman ang noo ko. Sa pagkadami dami ng plates at iba pang pinapagawa nila, kulang pa ba 'yon?

"This is your last requirement for you to comply with your finals and iyon ay ang sumali kayo sa kahit anong organization na gusto ninyo o interesado kayo."

After sabihin ni Miss iyon ay napuno ng bulungan ang classroom namin, maraming umaangal at marami rin naman ang pabor.

"Iza, sa Cheerleading tayo ha? Crush ko isang junior doon eh!" Rinig kong aya ni Kyla kay Iza.

Tinadyakan ko naman ang silya niya dahil nasa harap ko lang naman sila,
"Hoy. Grabe ka, junior mo pinagnanasaan mo?"

"Hindi kasi snob 'yon, 'di tulad mo. Dzuh!" Angil naman ni Kyla sa akin at nginisian ko na lang siya.

"Tsk."

"Cooking Club, Cheerleading Club, Dancer's Club, and Music Club are open now starting mamayang lunch break, you can go at their assigned faculties to apply." Dagdag pa ni Miss.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi naman ako masarap magluto, hindi rin magaling sumayaw, hindi magaling sa kahit ano. Wala rin naman akong talento sa pagkanta.

Pagkatapos ng klase ay umalis na si Miss at naiwan kami rito sa classroom upang pag-isipan daw kung ano ang sasalihan naming organization.

May natitira pa naman kasi kaming 30 minutes sakaniya bago kami pumunta sa susunod naming klase.

"Rei! Sa Cheerleading tayo ha?" Aya sa akin ni Iza na nagp-puppy eyes pa sa akin ngayon.

"Tumigil ka nga, ang laswa mo." Bulyaw ko.

Saktong paglingon ko sa katabi kong silya, nandoon ang gitara na inabot sa akin kanina sa gate ng campus.

Hindi naman ako marunong kumanta pero may alam naman ako sa pagtugtog ng gitara kahit papaano.

Paano ako magiging heart throb nito sa university kung hindi ako matututong kumanta 'di ba?

Agad akong pumunta sa silya nina Kyla at Iza.

Kinalampag ko ang table nila, "Alam ko na kung saan ako sasali." Angil ko pagkatapos ay kinindatan sila. Kinuha ko ang bag ko at sinukbit iyon pati na rin ang gitara. Bine-baby ko pa iyon na para akong baliw kung titignan ng iba.

Lunch break na rin at tapos na ang tatlo naming magkakasunod na classes, tapos na rin akong kumain kaya didiretso na ako sa faculty ng Music Club para magpalista.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Sep 16, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Confession Note (Girls Love Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang