Kat's POV
"Follow me!"
Tagaktak ang mga pawis sa aming mga mukha habang patuloy na tumatakbo pataas ng mga hagdan, halos hindi na kami makahinga dahil sa walang tigil naming pagkilos, hindi rin naman kami pwedeng tumigil dahil nga maraming zombies na ang nakasunod sa amin.
Nang marating ang last floor ay agad kong nilapitan ang pinto papunta sa rooftop at agad na pinihit ang doorknob, agad naman itong bumukas at agad ko silang pinapasok.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinara agad ito nang makapasok na kaming lahat, pag-sara nito ay hindi na namin napigilan ang mapabagsak sa sahig para habulin ang aming pag-hinga.
Ngunit mataas lamang ng ilang segundo ay muli akong tumayo at lumapit sa gilid ng rooftop para hanapin ang ladder pababa ng building.
Eto na lamang ang naisip kong paraan para makaalis ng building na 'to, kaya dito ko naisipang pumunta, lagi rin akong tumatambot dito kaya alam ko ang bawat sulok ng rooftop na 'to at sa tuwing naka-lock naman ang pinto papunta dito ay 'yung ladder ang ginagamit ko para makaakyat dito.
Agad na nagliwanag ang aking mukha nang makita ko ang hinahanap ko pero mabilis ring bumagsak sng maliit na ngiti na nagpakita sa mukha ko nang makita ko ang kumpulan ng mga zombies na malapit sa baba ng ladder.
Napakagat na lamang ako ng labi at napabuntong-hininga, agad na inikot ko ang mata ko at nag-isip ng paraan kung paano mapapaalis ang mga zombie na 'yun.
Napahawak na lamang ako ng aking ulo at napapikit ng mata dahil sa hindi alam ang gagawin nang biglang makarinig kami ng malakas na tili dahilan para maibukas ko ang aking mga mata at mapalingon, sa di kalayuan ay nakita ko ang tumatakbong dalaga habang may mga zombie na nakasunod sa kanya at dahil nga sa tumitili sya ay nakuha nya rin ang atensyon ng ibang zombie na malapit at pumunta rin sa direksyon nya.
Parang bigla na lamang bumalik ang mga nangyari kanina sa isipan ko, everything flashed before my eyes habang pinanood ko ang ilang zombie na malapit sa baba ng ladder na magtungo sa direksyon ng babaeng tumatakbo.
Zombies are sensitive to sounds so we could use this as a chance to get rid of the zombies, I just need to find a way para mapaalis 'yung mga natitirang zombies.
Agad na napalingon ako sa mga kasama ako at bumaba ang patingin ko sa mga panglinis na hawak nila na ginagamit namin bilang panglaban sa mga zombies.
Agad kong pinulot ang ilan sa mga ito at tinignan naman nila ako ng nagtataka.
"Teka, Kat, ano gagawin mo dyan? Weapon natin 'yan," Sambit pa ni Russell pero hindi ko sya pinansin at lumapit ulit sa mga railings para humanap ng lugar para gumawa ng tunog.
"Are you planning to lure them away?" Tanong naman ni Kavi nang nakalapit rin sya at tumango naman ako, nang marinig ng iba ang pinag-uusapan namin ay lumapit din sila.
"Are we going down the ladder?" Tanong ni Eya habang nakatingin rin sa amin, her face was full of doubts and I knew she was scared but I just ignored it. "Sigurado ka bang makakababa tayo dyan, agad? What if biglang dumating 'yung mga zombies habang bumababa pa 'yung iba?"
"Eya's right. It's risky," Pagsang-ayon naman ni Tris. "Dun mo nalang itapon, in between these two buildings."
Tinuro nya ang daan sa pagitan ng dalawang building sa likuran nitong main building kaya napatingin rin ako.
"I don't think it will work kung itatapon ko lang dyan ng basta.." Mahinang sambit ko at itinaas ang isa sa mga map. "But let's try."
At tulad nga ng sinabi ko ay hindi ito masyado lumikha ng masyadong tunog kaya hindi nito nakuha ang atensyon ng mga zombies.
BINABASA MO ANG
Glimpse Of The Apocalypse
HorrorEpizó, Katsuko #1 All they wanted was to go back home to their grandparents, but after an accident, Kat ends up in a never ending nightmare. *** Waking up in the school's clinic, Kat was greeted by the blinding light and pain which coursed through h...