Chapter 29: Another Loss

36 7 0
                                    

Kat's POV

Nag-aalin-langan man ay pinili ko nalang ang hindi mag-salita habang patuloy ang palipat-lipat na ginagawa namin para lang makarating sa exit ng building na ito. Sinigurado ko pang walang naiiwan sa pamamagitan ng pagpapauna sa kanila habang si Yasu ay sinasabayan rin ako. Nakalipat na kame sa isa pang room non nang biglang may marinig akong kung anong tunog sa bintana malapit sa akin ngunit bago pa man ako makalingon para sumilip ay tinawag na ako ni Yasu.

"We should head out now. Para makaalis na agad tayo dito," Aniya na sinang-ayunan ko naman at ng mga kaibigan namin kaya di ko na nagawang bumalik pa sa may bintana para tignan kung ano ba 'yung narinig ko.

Ilang minuto lamang ang lumipas mula nung lumabas kame nang makita namin ang exit na kanina pa namin hinahanap, sinigurado ko munang tignan ang bawat direksyong tatahakin namin bago ko sila hinayaang magpatuloy papunta sa nakabukas na mga pintuan. Panay ako tingin sa kaliwa, kanan ko, harap, at likod sa takot na baka may bigla nalang matake sa 'ming zombie sa amin out of nowhere pero agad ko iyong pinagsisihan ng pinagpatuloy ko iyon sa labas ng gusali.

Nagtungo kame sa isang dulo ng eskinita ngunit imbes na magpatuloy sa pagsunod sa kanila ay napahinto ako nang paglingon ko sa may likuran namin ay may nakita akong nakahandusay na bangkay sa lupa, ilang yabag ang layo mula sa kinatatayuan ko. 

Para bang nadikit ang mga paa ko sa lupa dahil hindi ako makakilos habang sinusubukang hulaan kung kilala ko ba kung sino ang nakahigang iyon. I shouldn't have been surprised na makakakita ako ng bangkay sa lagay na 'to but I felt anxiety rising through may body, kinakabahan ako at natatakot, at that moment, halo-halo ang emosyong naramdaman ko at pati ang isipan ko ay hindi nakikisama—

"Kat!" Nahinto lamang ang utak ko nang maramdaman ko ang biglaang hawak sa akin ni Yasu na sinubukan akong hilahin ng marahan para magpatuloy na pero hindi ko siya tinignan at natigil rin sya nang mapagtanto kung ano ang tinitignan ko.

It was quiet for a while but that was quickly broken when a familiar voice cut through the silence.

"Russell!"

Nung nakita ko si Nigel na nagmamadaling-tumakbo sa bangkay at agarang lumuhod para akayin ang kanyang kaibigan ay muling nag-balik ang halo-halong emosyon na kaninang naramdaman ko. I didn't know exactly what to feel, it was overwhelming and I was confused, ni-hindi ko nga namalayang unti-unti na palang gumalaw ang mga paa ko para lumapit sa kanila and at the same time, lumitaw rin sina Kavi at Ciaran na mukhang naunahan lang yata ni Nigel.

"Anong nangyare?" Yasu was the first to ask at non lang rin yata napagtanto ng tatlo na nandito rin kame. Pero imbes na makasagot ay hindi sya nakapag-salita dahil sa biglaang angal ng mga zombie na narinig namin sa di kalayuan. Hindi magandang nandito lang kame sa labas baka mamaya'y maatake pa kame dito ng biglaan but Nigel refused to move from his position.

"Sorry, sorry, sorry," Iyon ang sunod-sunod na mga salitang binibitawan nya habang hawak ang ulo ng aming kaibigan na ngayo'y wala nang buhay. Di ko nagawang tignan sila ng matagal kaya agad akong napaiwas ng tingin at napapikit na lamang habang walang nagawa kundi pakinggan ang paghikbi ni Nigel.

"Kelangan na nating umalis! Nigel! Ano ba??" Ciaran was starting to get frustrated, ni-hindi manlang sya pinapansin kaya wala kaming naging choice kundi pwersahang hilahin siya. Tatanggalin ko na sana 'yung pagkakahawak ni Nigel nang makita ko ang isang kagat sa braso ni Russel and that gave me answers to questions I've yet to even let out. Despite not budging though, wala siyang ginawa para kumawala sa hawak namin at hinayaan lang magpadala sa panibagong building na pinuntahan ng iba.

May ilan kaming nakitang grupo ng mga halimaw sa labas kaya pinili muna naming magtago ulet. No one was saying anything, we were very quiet except for Nigel who was silently crying to himself. Dahil dito ay hindi naiwasan ng ibang maguluhan sa kung bakit sya ganon pero walang may lakas ng loob na mag-salita.

"Nigel!" Not being able to stay silent anymore, tumayo ako sa kinauupuan ko at tinawag sya, taking everybody's attention. "Panong nangyare 'yon? Nakita ko 'yung sugat ni Russell. Anong nangyare? Paano sya nakagat?"

Pero mas lalo lang syang umiyak dahil dito, walang tigil sya sa pagpunas sa agos ng kanyang luha habang iniiling-iling ang kanyang ulo, "I don't—I'm not e-even sure! I d-don't know what the hell happened!"

"He—Nakita ko nalang na m-muntik syang mahulog! I-I tried to get him back up but I had to let go!" Dagdag nya pa habang hawak-hawak ng mahigpit ang kanyang buhok at medyo hinihila pa ito. "TANGENA! Kelan ba 'to matatapos?! Una si kuya Eld tas ngayon si Russell?! MAMAMATAY LANG YATA TAYO LAHAT DITO EH!"

"Eld?" Nalipat naman ang atensyon ko kay Yasu dahil sa pag-ulit nya sa pangalan na 'yon, kahit hindi ako nakatingin ay nakinig ako sa kanya. "Did you say Eld? As in Eldridge Esguerra?"

Hindi ko alam kung baket pero emosyon na hindi ko matukoy sa pagbanggit nya sa pangalang 'yon. Para bang may mabigat para sa kanya dito o kung anong hindi ko maintindihan.

"Yeah, do you know him?" Tanong ko pa matapos syang tanguan and at that moment, it was like life was suddenly drained out of Yasu's eyes. Napansin ko ang biglaang pagputla ng kanyang mukha at ang agarang pagdugo ng kanyang labi matapos nyang kagatin ito. 

"He was..my half-brother," Muli kaming nabalot ng katahimikan dahil sa bagong impormasyong nalaman namin. That explains how he reacted. Was that also why he was around this place? Did he intend to head for our school?

Dahil sa panibagong pagkawala ng kaibigan naman, we took the time to stay and be quiet to process our own thoughts. Ilang minuto maya-maya non nang biglang basagin ni Kalel ang katahimikan dahil sa may nakita daw syang kung anong poster just as we were slowly losing hope in surviving.

"Safe quaranting zone," Pagbasa nya sa mga salitang nakalagay dito. The moment na narinig namin 'yon, para bang may muling nabuhay sa loob namin at napatingin sa kanya, agarang lumapit para inspektuhan kung ano ba talaga ang nakalagay doon.

It was indeed a flyer about a safe quarantine zone, nakalagay ren dito ang meet-up places na dapat puntahan, one of which is a stadium na malapit lang daw dito sa kasalukuyan naming location according to Yasu and Ciaran. But instead of getting ready to go out, I stayed unmoving in my position.

"Di pa tayo kumpleto," Sambit ko kay Yasu na naging dahilan ng pag-hinto nya. Right. He realized that the others aren't there yet. So how could we leave without them? 

"Mauna nalang kayo," Biglaang suhestiyon ni Yasu, as if he didn't look so dead earlier. "Ciaran, i-lead mo nalang sila. Hihinayin nalang namin ni Kat 'yung isa, alam ko naman kung saan 'yung location kaya susunod nalang ako."

There was hesitance but after an agreement, with that plan in mind. They got ready to leave.



Glimpse Of The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon