04

1K 27 38
                                    


"Pst, short hair! Paabot ng bola, please!"

Natigil ako sa pagkekwentuhan kay Esme nang narinig ang sigaw ng isang basketball player sa court. Pinulot ko ang bola sa may paanan ko bago nilingon ko ang lalake.

"Uy, Cali! Ikaw pala!" Natawa si Echo habang bumabagal ang takbo papunta sa akin para kuhanin ang bola. "Thanks, ha... Uy, sophomore," bati niya nang napansin si Esme na nakaupo sa tabi ko.

Hindi siya pinansin ni Esme at nagpatuloy lang sa pag-ipit ng buhok niya. Nalaglag ang panga ni Echo, kasabay ng paghawak niya sa dibdib niya, hindi-makapaniwala.

"You're welcome!" Tinapik ko ang balikat niya para matauhan siya.

He let out a laugh and dribbled, running back to the court. May practice sila for intrams. Naroon din si Kito.

"It's club day again tomorrow! Why am I even the secretary?" Esme messed her hair, annoyed, before pointing at Echo. "That guy with curly hair, palaging late so I need to rewrite the attendance para alphabetical," nakasimangot niyang sabi.

Humagikgik ako. "Gwapo 'no?" I tried to ask. By now alam ko na sobrang patay na patay ni Jericho kay Esme. Palagi kasi siyang tinutukso nila Kito.

"Not really," she replied in a bored tone, not interested at all.

The bell rang, meaning we were allowed to go out of the campus. Esme encircled her hand around my arm as we walked out of the gate. Mamaya pa ang tapos nila Kito sa practice kaya hindi ko na siya hinintay. Pupunta pa kasi akong simbahan tapos uuwi para makapagluto ng dinner namin ng mga kapatid ko.

"Bye, Cali! Take care!" Esme waved as she entered their car. Tapos na kami magsimba. Nag-offer siyang ihatid ako pero umayaw ako. Nakakahiya kasi. May utang pa ako sa kaniya dahil siya ang nagbayad ng kalahati sa t-shirt ko.

"Uy, Cali!" May umakbay sa akin. It was Marco eating a dirty ice cream.

"Hello, Maki! Hindi kita nakita ngayong araw! Busy ka ba... Teka, ang bigat naman ng kamay mo!"

He laughed. "Saan si Kito? Himala, hindi kayo magkadikit ngayon, ah?"

"Ah, practice pa sa basketball."

"Uuwi ka na? Tara, hatid kita. Gabi na. Delikado."

Pagkahatid niya sa akin, sinigurado ko munang ligtas na umalis ang tricycle niya bago ako pumasok sa bahay. Nilapag ko ang bag sa sofa at dumiretso sa kusina para maglabas ng lulutuin kong ulam. I placed it in the sink, letting the ice melt so it would be easier for me to cook it later.

Pagbalik ko sa sala, pinagpupulot ko ang iilang intermediate paper na nakakalat sa sahig na parang bola. There were color pencils scattered on the table. I opened the small book and saw the list of assignments for today. Kay Calton iyon.

"Ton!" sigaw ko sa kapatid ko.

"Ate?! Nandiyan ka na?!" Calton was upstairs.

"Depende sa gusto mong paniwalaan!" I giggled. "Come down! Finish your assignment! Bilisan mo!" utos ko sa kaniya, tinatapon ang mga papel sa basurahan.

"Teka, naglalaro pa ako! One game po!"

"Calton, isa!"

Narinig ko naman ang reklamo niya habang pababa siya ng hagdan, kumakamot pa sa leeg niya. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya agad-agad siyang naupo sa tapat ng lamesa at nagsimulang gawin ang assignment niya, nakanguso.

"Ano ulam natin, Ate?" Pumasok si Clay sa bahay. Kasama niya si Kuya Benjamin na maaliwas na nakangiti sa akin bilang pagbati.

"Tinola," sagot ko. "Hello po, Kuya!" Ngumiti ako pabalik kay Kuya Benj bago kinuha ang bag ko para makaakyat na.

Ocean's Captured Memories (Isla Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora