Chapter 2

2K 47 3
                                    

Huge buildings, people, and different establishment greeted me after a few hours of drive. Unti unting napalitan ng kabahayan at matataas na building ang kaninang puro puno at berdeng kabundukan.

Nakasakay ako ngayon sa isa sa mga sasakyan namin. Ito daw ang magdadala sa akin sa bago kong titirhan. Natatakot ako dahil unang beses ko itong pag-apak sa labas ng lupain namin at wala pa akong kasama na gagabay sa akin. I was raised around maids and servants. Hindi ko alam kung paano mabubuhay kung wala sila!

"Malapit na po tayo, Ma'am." Paalala ng driver.

Tumango lang ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko hindi ako makakatayo ng maayos mamaya dahil sa kaba at takot. Pinagpapawisan ako ng malamig, lalo na ng huminto kami sa isang mataas na building.

Siguradong masisilaw ako dahil tumatama ang araw sa glass wall ng building kaya sinuot ko na ang nakahandang aviator. The valet open the door for me. I stepped out slowly, holding my bag in my arm.

My driver pulled out my luggage from the compartment. Dalawang malaking bagahe iyon at mabibigat kaya laking pasalamat ko ng tulungan ako ng guard doon na hilahin iyon papasok ng building.

"Galing kayong ibang bansa, ma'am? Mukha kayong foreigner! Ay! Nakakaintindi po ba kayo ng tagalog? Can you understand Tagalog, ma'am?" Matigas na bigkas ng isa sa guard na tumutulong sa akin.

Tinanggal ko muna ang salamin ko bago ako sumagot. Nakapasok na din kasi kami sa building kaya hindi na masakit sa mata ang liwanag.

"Opo, nakakaintindi po ako. At opo, galing po ako sa ibang bansa."

"Bakit napa-uwi po kayo?"

"Tapos na po kasi ang kontrata ko sa ibang bansa bilang sekretarya ng isang kumpanya kaya naisipan ko po na umuwi na at dito na lang mag-apply ng trabaho." I answered with the statement I rehearsed for a week.

Lahat ng maaaring itanong sa akin ay may nakahandang sagot mula sa organisasyon. Everything is scripted and all the information I have is supported by the organization. Para kung sakaling may magbackground check sa akin, hindi ako mahuhuli.

Ngayon, ako si Elisha Harmonia Jones, an orphan from Dalaguete, Cebu. Nakapagtapos ng kursong office administration sa kilalang unibersidad at nagtrabaho sa Canada bilang sekretarya ng Thomas International Manpower Services or TIM Services. It's one of the company founded by one of the members of the organization so if ever someone do some background check on me, the company will support me. Sila ang gumawa sa mga papeles ko na magpapatunay na naging sekretarya nila ako ng dalawang taon, at ganon din ang pag-aaral ko. The organization have connections there, too.

Kaya wala akong magiging problema pagdating sa papeles kahit kasinungalingan lang ang lahat. Iniisip ko na lang na may mga totoo naman sa impormasyon ko katulad na lang ng pangalan ko, at totoong nagtapos ako ng kolehiyo.

I studied but I'm home schooled since kindergarten. Guro ang pumupunta sa bahay namin para turuan ako at kahit ganon, nakapagtapos ako na mataas ang grado ko. Though there are a lot of restrictions when it comes to the lessons they taught me, katulad na lang teknolohiya at ibang topic na sa tingin ng magulang ko hindi na kailangan.

Actually, last week lang akong natuto mag cellphone at computer dahil kailangan sa mission ko.

"Saan naman po kayo nag-apply, ma'am?" Tanong ulit ng guard na nagbalik sa akin sa realidad.

"S-Sa Montreal Defense Services po sana..."

"Sa MDeS? Bakit doon po? Mag-aapply ka bilang security officer?"

"Hindi po." Marahas akong umiling. "B-Bilang office staff po sana. Sekretarya rin po kung papalarin."

"Ganon ba." Tumango tango siya. "Mabuti naman kung ganon. Sayang kasi ang ganda mo hija kung mabubugbog ka lang." Pagbibiro niya at tumawa.

Mission: Taming Sage Lienzo II (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon