Chapter 5

1.5K 31 1
                                    

The sun is already up but here I am still trapped between his arms. Tahimik lang kami parehas, siya nakatitig sa akin habang ako nakatingin sa langit.

Tapos na ang pakay ko dito pero hindi pa rin ako umaalis. I was shock with two things. One is what he did to me and the other is because I recognized him.

It's the second time we saw each other. The first one was when he saved me from the man named Bryan who was trying to pull me inside the men's comfort room when I first got here.

Yes. The man in front of me was the same man with captivating eyes.

Heterochromia. Iyon ang tawag sa mata niya. It was a state where a person had two different eye colors. Only a few people have it and in my view, it's a very unique and beautiful trait to have.

"You were the man I met in the restaurant." Tahimik na sambit ko makalipas ang mahabang minutong katahimikan.

Dumako ang tingin ko sa kaniya. He's not moving. Nananatili pa rin siyang nakatitig sa akin at kinukulong ako sa gitna niya. One arm is on my waist while the other is on the wall behind me.

"If that wasn't obvious, then yes."

Ang sungit naman nito.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nakaramdam ako ng matinding pagkailang dahil hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. While I can't stare straight into his eyes because it's too beautiful and intense. Para akong malulunod.

"U-Uh, I should go..."

"That's it?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

Umatras siya at lumaki ang espasyo sa pagitan namin. But when I tried to step on my side to get away from him, he caught my arm and pulled me back to my place.

"We're not done yet."

Kinagat ko ang labi ko. "P-Pero–"

"Stop biting your lips!"

Mabilis kong pinakawalan ang labi ko sa takot. He sounds and look pissed. Magkasalubong ang makapal na kilay niya at madilim ang tingin niya sa akin lalo na sa labi ko.

"Sorry..."

"Why aren't you complaining? Won't you slap me for doing what I just did to you?"

Nalukot ang noo ko sa pagtataka.

Ano bang sinasabi niya? Bakit ako magrereklamo? Ano naman ang irereklamo ko? Saka sasampalin? Hindi ko gagawin 'yun!

"Hindi kita sasampalin. Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Because I kissed you without your consent."

Kiss without my consent?

Ano ba yung kiss?

Napakamot ako sa tungki ng ilong ko.

"Ano yung kiss?"

Yumuko siya. Napaigtad ako ng magmura siya ng sunod sunod. His face displays frustration from I don't know what reason is. Hinagod niya ang buhok niya bago muling bumaling sa akin.

"Is this the personality they trained you to act in front of me? To act dumb?" He scoffed. "Fuck. I just wasted my time and money!"

"What are you saying?" Naguguluhan na pinanood ko siya. "Hindi kita maintindihan."

Alam kong ako ang tinutukoy niya pero hindi ko pa rin maiwasan magtaka sa mga sinasabi niya. Kasi bakit niya naman nasabi na umaarte ako? I won't do that. I was told to lie but not to act like a different person.

Saka hindi siya ang pakay ko kaya bakit ako magsisinungaling sa kaniya? He's just a stranger to me after all. He's not my mission.

"Yeah, right." He snorted. "Where did they hire you? You act so well. How much is your talent fee?"

"H-Hindi ako binabayaran–"

"You can't fool me. You need to do better than that if you want my attention so bad."

Umiling siya at disappointed akong tinignan bago siya umalis sa harapan ko.

Naiwan ako doon. Tulala. I wasn't expecting the turn of events, lalo na ang mga sinabi niya.

Bakit niya naman naisip na niloloko ko lang siya? Ganon ba talaga ang mga lalaki dito sa Manila Hindi ko na alam. Siya pa lang naman ang pangalawang lalaki na nakausap ko dito. Una si Kuyang Guard na mabait naman sa akin. So why is he like that?

I studied basic psychology but I don't get him. We just met and he thinks I'm acting and fooling him when I wasn't. Is he surrounded by people who act and fool him for him to think that way?

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap! Ang lawak lawak naman kasi nitong rooftop!"

Huminto si Ate Tessa sa harapan ko at namewang.

"Ang sabi mo pagsikat ng araw lang ang panonoorin mo pero inabot ka na ng init dito. Bakit ba ang tagal mong bumaba? Lumamig na yung agahan mo do'n!"

Bumuntong hininga ako at tumayo na ng maayos. Kahit anong lalim pa ng pag-iisip ko, hindi ko talaga siya maintindihan.

"Tara na, Ate Tessa."

"Teka, kanino yang suot mo?"

Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. Namilog ang mata ko ng mapagtanto na suot ko pa rin yung sweater ng lalaki.

"Hala, hindi ko naibalik!"

"Kanino ba yan?" Usisa niya.

"Sa lalaki... Hindi ko natanong yung pangalan, Ate! Paano ko ibabalik 'to?"

"Huwag mo na ibalik! Bagay naman sa 'yo, iyo na lang!" Humagikhik siya.

"Hindi puwede. Masamang mang-angkin ng hindi mo pag-aari."

"Aray! Hugot na 'yan, ah!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil hindi ko naman naintindihan kung ano ang ibig sabihin nung hugot. Wala naman akong hinugot, e.

Sinubukan kong hanapin ang misteryosong lalaki na may kakaibang mata para maisauli ko yung sweater pero hindi ko na siya nakitang muli.

I tried to stay in the rooftop on the same time I saw him but he wasn't showing up. I did that for a week before I stopped and gave up. Sinubukan ko din bumalik sa restaurant kung saan ko siya unang nakita pero hindi ko din siya nakita doon.

Lumipas ang buwan at nawala na sya sa isipan ko. I got so busy with my new found work in Montreal Defense Services. Nagulat ako sa bigat ng trabaho kaya halos hindi ako magkandaugaga noong unang linggo ko.

I was so stressed and tired on the first week. Hanggang sa nasanay na lang din ako sa bigat ng ginagawa ko at sa araw araw na stress sa trabaho.

Hanggang sa napagtanto ko na lang na isang taon na ako sa trabaho ko. But I'm still clueless about Lienzo Montreal II.

____________________

(Visual reference for his eyes.)

(Source: From Pinterest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Source: From Pinterest. Credits to the rightful owner.)


𝕃𝕌ℕ𝔸
𝕏𝕆𝕏𝕆


Mission: Taming Sage Lienzo II (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon