Chapter 1: Blue Bills

58 4 1
                                    

Chapter 1 

Blue Bills

Ang alam ko talaga, pinagplanuhan ko kung paano ang magiging gising ko sa umagang ito. Dapat maganda, masigla at masagana ang gising ko. Sino ba namang hindi sisiglahin? Hello? Nakatanggap kaya ako ng disi-otso mil mula sa eighteen blue bills ko. Iyon dapat ang pinaka-highlight sa araw ko at hindi itong lintik na hangover na ito.

"Aray!" daing ko pag-upo sa sofa namin sa sala.

"Ayan ang napapala ng lasenggera. Wala pang isang araw na eighteen, laklak agad!" sermon sa akin ni Ate Ave habang nagsusuot ng sapatos niya.

Napairap ako at dumapa sa sofa. Alam niya kaya 'yong salitang killjoy? Ganoon kasi si Ate. Ang ganda ng araw ko kahapon 'tapos bad trip na nga ako, wala pang konsiderasiyon sa taong masakit ang ulo. Buwisit!

"Mama, aalis na po ako!" paalam ni Ate Ave kay Mama.

Fresh graduate si Ate sa kursong civil engineering. Limang buwan pa lang siya sa trabaho pero nakatutulong na siya sa gastusin sa bahay. Siya pa minsan ang nagbibigay sa akin ng allowance ko. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil porque may trabaho, parang boss na kung umasta. Kahit si Mama, pinapakitaan niya ng pagka-bossy. Kay Papa lang siya hindi makapalag kaya favorite ko si Papa.

By the way, electrician si Papa kaya palaging wala sa bahay. Si Mama lang lagi ang kapalitan ko ng mukha sa bahay dahil laging wala si Ate Ave at si Papa.

May isa pa akong kapatid, si Kuya Sherwin. Mas madalas siyang wala sa bahay. Hindi ko alam ang mga pinaggagawa niya. Second year na siya at may kursong Bachelor of Arts in Journalism. Chismoso kasi si Kuya Sherwin kaya gustong maging sikat na news reporter. And speaking of my asungot brother, nandiyan na naman siya. Binato na naman ako ng unan.

"Ano ba?!" iritado kong tanong sa kaniya at binato rin siya ng unan.

Ngumiwi si Kuya Sherwin. "Kumain ka na nga ng umagahan mo roon. Nagluto si Mama ng sabaw para sa'yo. Nakakahiya naman sa bunso namin. May anak daw kasi siyang lasenggera."

Marahan kong inayos ang buhok ko at umupo sa hapag. Sinilip ni Mama ang mukha ko. Ngumiti naman ako pero napasimangot nang kumirot na naman ang ulo ko. "Ang sakit! Hindi na ako iinom!"

Tumawa si Kuya Sherwin at pinitik ang noo ko. "Sinabi ko na rin 'yan, Hailie."

Napairap na naman ako. Wala na talagang ibang ginawa ang mga kapatid ko kundi ang buwisitin ako araw-araw, lalo na si Ate. Palagi niya akong tinawag na pabigat. Hello? Estudyante pa lang kaya ako? Nag-aaral naman ako kaya paanong naging pabigat ako sa kanila?

"Tigilan mo na 'yang si Hailie, Sherwin. Kumain ka na rin ng umagahan mo," pahayag ni Mama.

Umupo naman si Kuya at sumandok ng sinangag na kanin. Nagsimula naman akong humigop ng sabaw. Sarap!

"Mama, aalis nga pala ako. May raket lang," paalam ni Kuya Sherwin.

Tamad akong ngumuya ng hotdog habang pinapakinggan ang usapan nina Mama at Kuya Sherwin. Muli akong humigop ng sabaw. Tumango-tango ako at kumuha ng tinapay at malaking kumagat doon.

"Anong raket? Hindi ka ba napapagod? May trabaho ka nga sa call center tuwing gabi," tanong ni Mama.

"Isang araw lang po. Kinuha po akong emcee sa isang birthday party ng kapatid ng kaibigan ko."

Napangiti ako. Ang ganda talaga ng boses ni Kuya Sherwin. May looks na, magaling pang kumanta. Maputi ang balat, half moon ang mga mata at kapag tumatawa, parang nakapikit na, matangos ang ilong, umaangat ang pisngi kapag ngumiti at makapal ang pang-ibabang labi ng magaling kong kuya.

Noong Nasa Legal Age AkoWhere stories live. Discover now