Chapter 31: Pagluluksa

17 3 1
                                    

CHAPTER 31

Pagluluksa

"Hailie..." Mahigpit akong niyakap ni Alliah at bahagyang hinilot ang likod ko.

Napapikit ako. Kahit gusto kong maiyak, parang hindi na rin kayanin ng katawan ko. Nang gabing mamamatay si Papa, halos hindi na ako tumigil sa pag-iyak. Sobrang mugto at hapdi ng mga mata ko.

Hindi ko matanggap. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Wala man lang pahiwatig. Basta na lang Niyang binawi ang buhay ni Papa.

"Hailie, umuwi na tayo." Tumabi sa akin si Kuya at hinaplos ang buhok ko.

Umiling ako. "Dito muna ako. Puntahan mo na si Ate Eunice sa ospital."

Hindi nakapunta si Ate Eunice dahil nanganak siya. Hindi tuloy alam ni Kuya Sherwin kung sinong unang dadaluhan. Parang delubyo ang pagkawala ni Papa pero tila nakabangon nang ipanganak ang pamangkin ko.

Pinagmasdan ko ang puntod ni Papa. Gusto ko pa ng panahon. Gusto ko pa siyang makasama. Marami pa kaming bagay na dapat gawin.

Hindi pa ako nakaka-graduate. Hindi niya pa ako nakikitang magkatrabaho. Hindi niya pa ako nakikitang mag-asawa. Hindi niya pa nakikita ang mga apo niya sa akin.

Kami na lang pamilya at si Alliah ang tao dito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umalis. Sinabi ko sa kanilang iwan na nila ako pero ramdam ko ang pag-aalala nila sa akin kaya hindi sila umalis.

"Hailie, umuwi na tayo. Kumain ka. Ilang araw ka nang hindi kumakain," pahayag ni Ate.

"Wala akong gana, Ate Ave. Iwan ninyo na lang ako, please." Nagmamakaawa na ang boses ko.

"A-anak, please, umuwi na tayo." Umiyak si Mama at niyakap ako mula sa likuran. "Huwag kang maging ganito. Nalulungkot d-din ako sa pagkawala ng papa ninyo—"

"Talaga, Ma?!" Suminghap ako nang may tumulong luha sa pisngi ko.

Akala ko, ubos na ang luha ko. Akala ko, naibigay ko na lahat kay Ken at sa pagkamatay ni Papa. Akala ko, manhid na ako sa lahat ng sakit na sunod-sunod na ibinagsak sa akin.

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. "Huwag kang plastic, Mama!"

"Hailie!" sigaw nina Ate Ave at Kuya Sherwin.

Tumingin ako sa kanila. Umawang ang bibig ko nang makita ang galit sa mukha nila. Palibhasa, hindi nila alam. Palibhasa, bumuo na sila ng sarili nilang mga pamilya kaya kahit may kalokohan na si Mama, okay lang.

"Bakit mo sinasagot si Mama ng ganyan? Bastos mo!" Pinagtaasan ako ng boses ni Ate Ave.

Hinawakan ako ni Kuya Sherwin sa mga braso ko. "Anong nangyayari sa'yo?"

"Sherwin, bitiwan mo si Hailie," naiiyak na suway ni Mama.

Madiin akong tiningnan ni Kuya bago bumalik ang paningin kay Mama. "Ma, hindi. Walang galang si Hailie sa'yo."

Kumawala ako sa kaniya at dinuro si Mama. "Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang nakita ko, Mama? Bakit tahimik ka diyan?"

"What do you mean?" Napahilot na sa sentido si Ate Ave kaya inalalayan na ni Kuya Yuan.

"Nakita ng dalawa kong mata, may lalaki si Mama. May kabit siya!"

Nalipat kay mama ang lahat ng mga matang nakatuon sa akin kanina. Nag-breakdown si Mama. Humagulgol siya sa harap nina Kuya Sherwin at Ate Ave.

"A-anak, sorry. M-magpapaliwanag ako. Isang beses lang 'yon. Lumayo naman ako. Hindi na talaga ako umulit. Mapilit lang talaga siya. I-ititigil ko na dapat pero nakita ako ni Hailie."

Noong Nasa Legal Age AkoOnde histórias criam vida. Descubra agora