Chapter 14: Walang Lumamang

12 2 1
                                    

CHAPTER 14

Walang Lumamang

Mabilis ang bawat subo ko. Late na nakapagluto ng hapunan dahil dumalo kami sa lunch ng mga magulang ni Kuya Yuan. Sa Batangas pa naman iyon kaya hapon na rin nang makauwi kami.

Hindi naman ako puwedeng mawala kasi nakiusap sa akin si Ate Ave. Gusto kasi ng future manugang niya na makilala ang family members ni Ate kaya go lang ako. Ang kaso, may lakad pa ako mamaya. Ilang sandali na lang, susunduin na ako ni Ken. Pipila kami para kumuha ng voter's ID dahil malapit na ang eleksiyon. Kailangan naming makapila ng mas maaga. Kung madaling araw kami pupunta, baka abutan pa kami ng cutt off sa dami ng mga taong gustong magparehistro.

Magpaparehistro ulit sina Mama pero sa susunod na araw na raw sila. Pagod sila sa biyahe. Ako lang talaga ang mapilit. Sayang naman ang pagkakataon. Inaya na ako ng mga kaibigan ko. Baka bigla pa akong tamarin.

"Mag-ingat ka, Hailie," bilin ni Papa sa akin.

Napangiti ako. "Sige, Papa. Hindi naman ako pababayaan nina Alliah at Ken."

Sa mga nagdaang buwan, bumalik na ang pakikitungo ko kay papa. Nakakatawa lang kasi ni hindi niya man lang nalamang may hinanakit ako sa kaniya. Na-realize ko rin naman na walang magagawa ang nararamdaman kong tampo para kay papa. Hindi niya naman kami pinapabayaan kahit may bisyo siya.

Bumalik na ulit ang dating sigla sa bahay. Maayos na rin ang relasyon nina Mama at Kuya Sherwin. Tumigil na si Kuya sa pagsama sa mga rally. Mas nag-focus na siya sa pag-aaral. Iyon nga lang, hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila ni Ate Eunice. Wala akong balita sa kanilang dalawa.

"Sure ka bang ngayon ka magpaparehistro? Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Mama sa akin. "Magdamag kayo roon. Wala ka pang tulog."

"Okay lang, Mama. Sige po. Aalis na ako."

Mabilis akong lumabas ng bahay. Bago pa ako makalabas ng gate, tinawag na ako ni Kuya Sherwin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang abutan niya ako ng jacket.

"Para saan 'to, Kuya?"

Pinitik ni Kuya ang noo ko. "Malamig sa gabi. Hindi mo man lang naisipang magdala. Naka-shirt at jeans ka lang."

Napangiti ako. Simula nang aksidente, mas naging malapit kami ni Kuya Sherwin. Palagi niya pa rin akong inaasar pero naging mas maaalalahanin siyang kapatid. Minsan pa nga, sinusundo niya ako sa building namin kapag may oras siya.

"Ang sweet mo naman. Palibhasa, walang bebe," pang-aasar ko sa kaniya.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at bumuntong-hininga. "Sige na, lumayas ka na."

Kinagat ko ang labi ko. Mukhang sensitive pa rin siya pagdating kay Ate Eunice. "Kuya, wala na ba talagang pag-asang magkabalikan kayo?"

Nagkibit-balikat si Kuya. "Hindi ko alam, Hailie. Hindi... ko talaga alam."

"Gusto mo pa bang bumalik sa dati mong gawain?"

Umiling si Kuya Sherwin. "Sinasabi nilang mga rebelde kami pero... hindi ganoon, Hailie. Sinasabi nilang kaisa kami sa pagpapabagsak ng gobyerno. Boses kami ng mga tao. Kami ang boses para malaman ng pamahalaan ang mas malalim pang problema ng bayan. Marami lang talagang mga taong bulag at bingi sa mga suliraning dapat kaharapin."

Huminga ako nang malalim. Kahit aksidente ang idinulot sa akin ng mga paninindigan ni Kuya, proud pa rin ako sa kaniya. Ang tapang niyang humarap at mangialam sa mga isyu sa paligid niya.

Humugot ng hininga si Kuya Sherwin. "Pero Hailie, alam ko... kung kailan titigil at iyon ang gagawin ko ngayon. Gusto ko muna ng kapayapaan para sa sarili ko at sa mga taong mahal ko."

Noong Nasa Legal Age AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon