PROLOGUE

1.3K 27 1
                                    

"Jaine! Nandito na yung aampon sa 'yo!" sabi ng isang madre sa labing dalawang taon na si Jaine.

"Talaga po!?" hindi siya magkamayaw sa tuwa dahil sa narinig niya.

"Oo, kaya mag-ayos ka na. Kukuhain ka na nila ngayon." sabi ulit ng madre.

"Sige po, mother!" masayang sambit ni Jaine at tumakbo papasok sa kwarto kung saan siya natutulog.

Nagpalit ng bestida si Jaine. Kulay dilaw iyon, at pinaka-espesyal na bestida 'yon para sa kaniya. Kahit pa maliit na 'yon para sa kaniya.

Nilagay niya sa isang maliit na backpack ang kakaunti niyang damit bago lumabas.

"Handa na po ako!" sabi ni Jaine sa madre bago humawak sa kamay nito para puntahan ang mga aampon sa kaniya.

"Hello, ikaw ba si Jaine?" tanong ng isang magandang babae.

"Opo, ako po si Jaine!" masayang sagot ni Jaine.

"Kami ang magiging mommy at daddy mo." nakangiting sabi sa kaniya ng magandang babae.

"Talaga po!? Ang ganda niyo po!" nakangiting puri sa kaniya ni Jaine bago yumakap sa kaniya.

Napangiti naman ang magandang babae dahil sa inasta ni Jaine.

"Let's go?" tanong nung babae sa kaniya.

"Opo," agad na sagot naman ni Jaine.

"Bye mother! Babalik po ako dito kapag pwede po!" masayang paalam ni Jaine sa madre.

Niyakap niya ang madre at iba niyang naging kaibigan bago sila tuluyang umalis.

Namangha si Jaine dahil sa laki ng bahay.

"Dito na po ba ako titira?" manghang tanong ni Jaine sa mag asawa.

"Oo, at pwede mo na rin kami tawaging mommy at daddy." sagot naman ng babae.

"Okay po, mommy at daddy!" masayang sabi ni Jaine.

"Gusto mo na bang kumain? O gusto mo munang makita ang magiging kwarto mo?" tanong ng babae sa kaniya.

"Kain po muna tayo, gutom na po kasi ako, e." sabi ni Jaine habang nakahawak sa tiyan niya.

Natawa naman ang babae at tumango.

Pagkapasok nila sa loob ng bahay, mas lalo siyang namangha sa sobrang ganda at lawak nito.

Nagulat siya nang may nagtatakbuhang mga bata. Malungkot siyang nakangiti habang pinapanood ang mga batang naglalaro.

Napansin naman ng mag asawa 'yon kaya nagkatinginan sila bago lumapit yung babae sa bata.

"Halika, ipapakilala kita sa kanila." nakangiting sabi ng babae kaya tumango siya at ngumiti rin.

"Kids, stop playing. May ipapakilala kami ni daddy sa inyo." natigil naman sa paglalaro ang mga bata bago tumingin sa mommy at daddy nila.

"Mommy! Daddy!" sabay na sigaw ng dalawang babae bago tumakbo palapit sa daddy at mommy nila.

Pinakilala nila si Jaine sa mga bata na anak rin nila. Sinabi rin ng mag asawa na kapatid na rin nila ang batang si Jaine.

Natuwa naman ang dalawang babae at niyaya siyang maglaro na nakapag-pangiti sa mag-asawa.

Lumipas ang tatlong taon at kinailangang umalis ni Jaine sa puder nila. Nalungkot silang lahat, pero wala silang magagawa, dahil kailangan talagang umalis ni Jaine.

Nangako si Jaine na babalikan niya ang mga tinuring niyang kapatid at pamilya, kapag pwede na.

Lumaking maganda at matalino si Jaine. Walang araw na hindi niya na mi-miss ang tinuring niyang pamilya.

Nagsumikap siya para mabalikan ang dati niyang pamilya at nagtagumpay naman siya.

Naging isa siyang magaling na doktora sa edad na bente singko.

Nagtagumpay siya sa lahat at ang tanging bagay na hindi na lang niya nagagawa ay ang balikan ang dati niyang pamilya.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 2)Where stories live. Discover now