CHAPTER 4

368 8 0
                                    

I woke up and find no one beside me.

Where's Nahla?

Lumabas agad ako sa kwarto at bumaba para hanapin si Nahla.

Nasa hagdanan pa lang ako nang marinig ko na ang mga nakakarinding boses ng mga kapatid at kaibigan ni Kris.

Nakita ko na sila sa sala bago pa ako makababa. Pinagkakaguluhan nila si Nahla na palipat lipat ng tingin sa mga nakapaligid sa kaniya.

Natawa naman ako nang mapansing parang naiiyak si Nahla dahil hindi niya alam ang gagawin niya.

Lalapit na sana ako sa kanila nang lumabas si Kris mula sa kusina at lumapit sa kaniya.

"Stop bothering her." tumakbo si Nahla palapit sa kaniya at nagtago sa likod nito.

"Nahla," tuluyan na akong lumapit sa kanila.

Sabay sabay silang napatingin sa akin pati si Nahla na kalaunan ay lumapit sa akin at yumakap sa baywang ko.

"Ate J-jaine? May a-anak ka?" muntik na akong matawa sa tanong ni Aleza.

"Yes," pagbibiro ko pero sa tingin ko ay sineryoso nila.

"Ha? Paano?"

"Bakit hindi namin alam?"

"Sino ang daddy niya? Bakit hindi mo kasama?"

"Tsaka bakit hindi mo siya kasama nung pumunta ka dito?"

"Akala ko pa naman single ka, ate Jaine."

"Akala ko pwede kayo ni kuya."

Palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Okay stop," tinakpan ko ang tainga ko kaya natahimik sila habang naka titig sa akin.

"She's not my daughter. She's not even related to me." kumunot naman ang noo nila.

"Then who is she? At bakit siya nandito kung hindi mo naman siya kaano ano?" tila ako nawalan ng dila.

"Nahla, go upstai— I mean, pumunta ka muna sa taas. May pag-uusapan lang kami nila ate Jaine mo." napangiti ako nang marinig ko ang pagtatagalog ni Kris na madalang ko lang marinig.

Hindi siya masyadong nag sasalita, at kung mag sasalita man ay purong ingles ang lumalabas sa bibig niya. Kaya talagang mamangha ka kapag ibang lenggwahe na ang lumalabas sa bibig niya.

Tinignan ko si Nahla na nasa tabi ko pa din at hindi umaalis. Tumingala siya kaya tinanguan at nginitian ko siya. Ngumiti din siya at sinunod na ang sinabi ni Kris sa kaniya.

Nang mawala na sa paningin namin si Nahla, parehas kaming umupo ni Kris sa couch.

"She's an orphan. While I was in Cavite for my medical mission, may nangyaring barilan at nabaril ang papa at kuya niya. Ang plano ko talaga ay iwan lang siya sa bahay ampunan doon sa Cavite, kaso ayaw niya mag paiwan at mukhang takot na takot siya. Naawa naman ako kaya isinama namin siya dito ni Kris."

"At pumayag si kuya?" ngumiti naman ako at tinignan si Kris.

"Quien cojones se te puede resistir." kumunot ang noo ko.

"Ay? Ganon kuya?"

"Makapag luto na nga lang."

"Maliligo na pala ako."

"Tinamaan talaga, e."

"Lilinisan ko pala sasakyan ko."

"Tulungan na kita."

"Ako naman taga tikim ng lulutuin ng chef natin."

"Fuckers. Inaantok ako ulit."

Sunod sunod na komento nila na mas lalong nakapag pakunot sa aking noo.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 2)Where stories live. Discover now