CHAPTER 5

442 14 2
                                    

The light from the window woke me up.

Nilingon ko si Kris na siyang nakayakap sa akin mula sa likuran. Tinignan ko ang wall clock sa kwarto niya bago ibaling ang tingin kay Nahla.

Tinapik ko ang kamay ni Kris na nasa baywang ko, "Anong oras ka nakauwi?" naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya.

"12 midnight. I didn't wake you up because I knew you were tired." I nodded my head.

I held his hand and removed it from hugging me.

Bumangon ako at tinignan silang dalawa. Yumakap si Nahla kay Kris. Akala niya siguro ay ako pa ang katabi niya.

Ngumiti naman ako at pumasok sa banyo niya para mag hilamos. Tinignan ko ang cabinet niya at kumuha ng toothbrush at towel.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay lumabas na ulit ako at nakita si Nahla at Kris na magkayakap.

Napansin ko ang paghaplos ni Kris sa buhok ni Nahla. Napangiti ako dahil para silang mag-ama.

Bumaba na ako para magluto ng almusal namin. Linggo nga pala ngayon. Uuwi na mamaya ang mga kaibigan at kapatid ni Kris.

At sa pagkakaalam ko, isang buwan silang hindi uuwi dito dahil may kaniya kaniyang gagawin sa buhay.

Dinamihan ko ang niluto kong putahe para may pagpilian sila.

Nang matapos ako sa pagluluto ay umakyat ako sa kwarto ko at naligo.

Kumuha na rin ako ng damit ni Nahla para makaligo rin muna siya bago kami bumaba mamaya.

Kumatok ako sa kwarto ni Kris pero walang sumagot kaya pumasok na ako.

Naabutan kong nag-uusap si Kris at Nahla pero hindi ko maintindihan dahil para silang nagbubulungan.

"Kris, Nahla, bumangon na kayo." sabay silang tumingin sa akin.

Doon ko lang napansin na umiiyak si Nahla kaya tinignan ko ai Kris at tinaasan ng kilay.

"Why is she crying?" pinunasan niya ang luha ni Nahla bago tumayo.

"Nothing, we just talked about something." lumapit ako kay Nahla at umupo sa tabi niya.

"Nahla, okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" umiling siya at yumakap sa akin.

"Sorry po kung tinulak kita kagabi. Sorry po." hinagod ko naman ang likod niya at bahagyang ngumiti.

"Shh, ano ka ba. Wala 'yon, okay lang ako. Huwag ka nang umiyak." pinunasan ko ang luha niya at niyakap siya.

"Halika na, maligo ka na para makakain na tayo." tinulungan ko siyang tumayo.

Nang makatayo siya ay agad kong pinasadahan ng tingin ang buong katawan niya na puro pasa.

Napapikit ako at napahawak sa ulo ko bago ulit siya tignan. Nakapag desisyon na ako. Gagawin ko 'to hindi lang para sa akin, para rin sa kanila.

"Maligo ka na, nandoon ang banyo. Ito ang damit mo." tinuro ko ang banyo sa kwarto ni Kris.

Agad kong ibinaling ang tingin kay Kris. Lumapit ako sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"I want to ask for a favor." he looked at me before sitting on the couch.

"Go ahead, talk." I sat beside him.

"I want to learn some martial arts. I mean, may alam naman ako kahit papaano. But I want to learn more, especially in the use of weapons." he immediately shook his head.

"No, I won't let you." he was about to stand up but I grabbed his hand to stop him.

"Please, just this once. Please let me." he sat next to me again.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 2)Where stories live. Discover now