Masamang Kiyas

3 0 0
                                    


“Masamang Kiyas”

Ang buhay ay masaya kapag may kaibigan
Yaong masasandalan at madaling lapitan
Nagiging karamay sa anumang kalagayan
Masaya ang kwentuhan kahit pa magdamagan.

Ngunit kung minsan din ay tila nakakasakal
Lihim ay nabubunyag kahit na pinagbawal
Ang pagkakaibigan ay hindi nagtatagal
Tiwala'y mawawala at unting mabubuwal.

Daig pang isang ahas makamandag ang taglay
Kapag nakatalikod umiimbay ang kamay
Sinasabi sa iba ang lihim ng 'yong buhay
Hanggang sa malason ka at tuluyang mahimlay.

Maging maingat lagi sa bawat kilos—galaw
'Wag padalos-dalos sa salitang binibitaw
Sapagkat ang balita mabilis kung umapaw
Pagsasama'y lalabo mahirap nang luminaw.























Saknong: 4
Sukat: 7,7
Taludtod: 4
Tugmaan: AAAA BBBB KKKK DDDD
(Mahina/di-ganap — hal. ang, am, al, aw)
Mahina — kinapapalooban ng mga salitang nagtatapos sa (L,M,N,NG,R,W,Y)

Tulang Tradisyunal: Samu't saring Tula Mula Sa PusoWhere stories live. Discover now