Liham Pamamaalam

6 1 0
                                    

Pagal na ang mga matang walang habas sa pagluhà
Naghihintay lang sa wala na magliwanag ang talà
Nang tahanan ay magningning at manumbalik ang diwà
Naglaho na parang bula sa pag-ibig ay nagsawà.

Lubos ako ay nasaktan ngayo'y nagdadalamhatì
Sa salita'y nauutal hindi na kaya ng labì
Nang nabasa ang 'yong sulat katawan ko'y naunsyamì
Animo ay naiihì at para bang nakatalì.

Sabi mo ang 'yong pangako hinding-hindi mapapakò
Sapagkat itong tadhana hindi mabilog—mabirò,
Tinitiis ko ang sakit ng sinturon mong pamalò
Ngunit bakit ka lumayo at tuluyan nang naglahò.

Nagpunta ng ibang bansa upang ikaw ay kumità
Bakit nag-iba ka ina! nagkapamilya ng kusà
Pa'no na si ama't ako rito sa salat na lupà
Ang iyong mga ginawa batid kong hindi na tamà.




















#LIHAM
TRADISYUNAL NA TULA
Paksa:LIHAM
Panuntunin sa Pagsusulat

Saknong: 4
Taludtod: 4
Sukat: 8,8 bawat taludtod
Tugmaan: Tuldik, Monorima (AAAA)

Malumay - mga salitang binibigkas nang banayad o marahan, walang impit sa huling pantig. Hindi ginagamitan ng tuldik.

Hal:
mahinay, balakid, pasakit, larawan, mainam
aso, tabako, masyado, martilyo, abogado, mestiso, palikero, papaya, dalaga

Malumi - mga salitang binibigkas nang banayad o marahan, may impit sa huling pantig ng salita. Ginagamitan ng tuldik na paiwa sa ibabaw ng patinig ng huling pantig.

Hal:
wikà, lawà, diwà, talì, labì, sapì, lutò, birò, palò, pakò (nail)

Mabilis - mga salitang binibigkas nang mabilis, walang impit sa huling pantig ng salita. Ginagamitan ng tuldik na pahilis sa ibabaw ng patinig ng huling pantig.

Hal:
alís, tahíd, kiskís, panís, walís, wakás, sabláy, talóng, itlóg, sahóg, bahóg
libró, ngiló, waló, limá, dalawá, tatló, silbí, tindí,

Maragsa - mga salitang binibigkas nang mabilis, may impit sa huling pantig. Ginagamitan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng huling pantig.
Hal:
walâ, gawâ, mithî, sawî, malî, ngitî, likô, sampû, dugô

Magsusulat naman tayo ng isang TRADISYUNAL NA TULA
Paksa:LIHAM
TRADISYUNAL NA TULA
“Liham Pamamaalam

Tulang Tradisyunal: Samu't saring Tula Mula Sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon