Kuwarta

2 0 0
                                    


KUWARTA

Yaman ng sansinukuban nabalot ng agam-agam
Anaki pinagyurakan at inabuso ang hiram
Malupit nilapastangan tila walang pakialam
Naging halang ang bituka napuno ng pagkasuklam.

Kapara ng isang isda ang taong sunod-sunuran
Nalulong ang isipan sa makamundong kagustuhan
Iniisip ng ilan na pera ang s'yang kasagutan
Kaya ngayon ay maraming nabingwit ng kasakiman.

Ang paglangoy ng mabilis ay ang daan ng tagumpay
Palawakin ang isipan gamitin ang mga kamay
May mabuti at masamâ dulot ng pera sa buhay
Baka sa isang kagat lang ay mawalan ka ng saysay.

Sa paglangoy sa tagumpay ay huwag maging kalmado
Ang layon at mga plano marapat na sigurado
Sa paggamit ng pera ay huwag maging abusado
Habang ika'y nabubuhay umiikot ang 'yong mundo.
























Saknong: 4
Sukat: 8,8
Taludtod: 4
Tugmaan: (PANTIGAN)
AAAA BBBB KKKK DDDD
  PANTIGAN— Sa antas na ito, bukod sa bigkas, isinasaalang-alang din ang pagkakapare-pareho ng dulong PATINIG-KATINIG (PK) at KATINIG-PATINIG (KP) ng mga pinagtutugmang salita.
Halimbawa:
mu/tà, ba/tà, hi/tà, batu/tà
palikp/ik, hal/ik, pit/ik, bal/ik
bil/óg, dul/og, luh/og, unt/og.

Tulang Tradisyunal: Samu't saring Tula Mula Sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon