Mainit-init Pa!

5 1 0
                                    


Ang mata ay sabik sa anumang bagay
Kumakayod tuka sa hirap ng buhay
HIYAW ABOT LANGIT ANG DAING NA TUNAY
Kapag ka gutom na nawawalang malay.

LUMUHA ANG ULAP HABANG KUMAKANTÁ
Ang gutom at sakit laging dala-dalá
Paano kakain kung butas ang bulsá
Ubos na ang luha nitong mga matá.

ANG BATID NG HULA AKO RAW AY SAWÎ
Nakikinita n'ya marami raw malî
Kaya ako'y gutom animo'y butikî
'Pag may makakain ay hirap humindî.

Ngunit iniinda nitong aking pusò
Na gawin ang tama at hindi palalò
HANGGANG KAYLAN KAYA ITO MALULUTÒ
Nang kanin makain na 'di napapasò.













#Gútom
Sa Paksang: GÚTOM        
Saknong: 4
Sukat: 6, 6
Taludtod: 4
Tugmaan: AAAA BBBB KKKK DDDD (mabilis, maragsa, malumay at malumi)
Hamon: Paggamit ng tayutay at tuldik
1st Saknong:
Tayutay — PAGMAMALABIS
Mga Halimbawa Ng Pagmamalabis
Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
My hair turned white from waiting.
#Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
The whole world heard your crying.
#Sa halip na simpleng “Talagang mahal na mahal kita.” maaari mong sabihin “Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.”

2nd Saknong:
Tayutay — PAGTATAO
Iba pang halimbawa ng personipikasyon
Humagulgol ang hangin.
Lumipad ang mga oras.
Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
Sumayaw ang mga bituin sa langit.
Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
Nagkasakit ang kotse ko.
Kinindatan ako ng araw.

Lumuha
3rd Saknong:
Tayutay — PANGITAIN

4th Saknong:
Tayutay — TANONG RETORIKAL
Isulat sa malaking titik ang tayutay na inyong ginamit.
Pagmamalabis (Hyperbole) —Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
Halimbawa :
Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
Pagtatao (Personification) — Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
Halimbawa :
Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
Pangitain (Vision imagery) —Naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita.
Halimbawa :
Sa sinapupunan ng konde Adolfo, Aking natatanaw si Laurang sinta ko.
Tanong Retorikal — Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng sagot.

Halimbawa :

Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng ipinababawal na gamot?

TULANG TRADISYUNAL.
“Mainit-init Pa!”

Tulang Tradisyunal: Samu't saring Tula Mula Sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon