K A P A T I D

90 39 134
                                    

   This story is dedicated to ennteedee kasi ikaw lang nag accept sa'kin dito sa Watty huhu, mwuahps!

  - KAPATID -


   I have this kuyang Engineer na super protective. Na akala mo nasa sina unang panahon pa kami para sitahin 'yung skirts kong 'maikli.'

 
" Ae, bakit ganyan kaikli 'yung damit mo?"

'Tignan nyo mga mare!'

  " Kuyaa! Kesa naman mag-panjama ako papunta sa party namin diba?" Tumayo sya sa sofang inuupuan nya kaya kita ko ang katawan nyang magandang hubog na nakasuot ng itim na sando.

'Hanep din si kuya.'

  " Sige nga, umupo karo'n sa sofa." Kunot noong sabi nya habang tinuturo 'yung abong sofa na inuupuan nya kanina. Inikot ko naman ang mata ko at mabigat ang paang tumungo sa sofa. Sinadya kong ibuka ang mga hita ko para ipakita sakanyang may suot akong shorts sa loob.

  " Hoy! Isarado monga 'yan!"

  " Yoko nga!"

  " Akyat sa taas, magpalit ka bruha!"

  " Asa ka!"

  Ganyan kami palagi, kung hindi ko sya iinisin, sya naman ang mang-iinis sa'kin.

  " Ya, lipat monga sa K-Drama."

  " Sabihin mo muna. ..  Master pogi palipat nga sa K-Drama. .. With please."

  Natahimik ako. Ayokong makipag-inisan sakanya dahil red days ko ngayon at kanina pang paggising ko ako wala sa mood. Tinarayan ko sya at kinuyom ang mga kamao ko.

  " Lipat mona!" Inis na sabi ko.

  " Master pogi, please." Nakangisi nyang sabi.

  " Tsee!!" Naiinis na sabi ko at pinagbabato sya ng unan sa mukha na ikinatawa nya.

  Hindi ko sya kinakausap kapag naiinis ako sakanya. Ako nalang 'tong nagugulat na bigla syang nakayap sa'kin at. ..

 
  " Baby Ae, sorry na. Anong gusto? Milktea? Shawarma? Burger overload?"

  Lihim naman akong napangiti. Pero may mga araw ding hindi kami nagkakaintindihan.

  " Ano bang problema mo kay Gio!? Matanda na ako kuya! Baka nakakalimutan mong bente-dos na'ko!"

  " Anong problema ko!? Bakit ganyan nalang kadali sa'yo kung magtiwala ka!?"

  " What do you mean?!" Nanggigigil na sabi ko.

  " Bakit gano'n kadali na papasukin mo'yung lalaking 'yon sa buhay mo?!"

 
" For Pete's sake kuya! Matagal ng nanliligaw si Gio! Alam ko ang ugali nya kesa sa'yo dahil mas matagal ko syang nakasama!"

" Lalaki rin ako Aerie!"

'Tinawag nya na 'yung buong pangalan ko, galit na'yan pero mas galit ako!'

  " Anong pake ko? Tinatanong?" Pabalang na sabi ko habang hinuhubad ang sandals ko. Nakita nya kasing hinalikan ako sa pisngi ni Gio. Hindi ko naman inaasahan 'yon kaya hindi ako nakailag pero komportable naman ako sa halik na'yon. Tanda tanda kona para halikan sa pisngi jusq talaga!

  Tumingin ako kay kuya at nagulat ako ng nanlilisik ang matang nakatingin sya sa'kin. " Pake mo pala ah!" Rinig ko ang sama ng loob nang sabihin nya'yon at umalis. Huminga ako ng malalim at umiling.

Our Entirely Fantasy Where stories live. Discover now