G A Y B E S T F R I E N D

71 36 112
                                    

~Gay Bestfriend~

Ako lang ba? Ako lang ba 'yung may kaibigang lalaki pero mas malambot pa sa'kin? Ulitin natin. Hmm, sabihin konang mayroon akong matalik na kaibigan na pinagpala ng langit sa sobrang kaguwapuhan pero kung kumilos dinaig pa ako mga teh.

" Boo, mumula-mulala kana naman dyan. Tignan mo'yun oh, may guwapo emz!" Oo sya 'yan. Ang bakla kong bestfriend na si Zack. Gandang pangalan ng nilalang bakla naman. Anyway, tanggap ko kung ano ang katangian ng kaibigan ko, sya kasi tanggap din kung ano ang kapalaran ko.

Tamad akong tumingin kay Zack, panandaliang tinitigan ang features nya. 'Tong si bakla nasobrahan sa pilikmata, napakaganda ng kilay, matangos ang ilong, hubog ng mukha at ang buhok nyang pinakagusto kong sabunutan sa lahat. Nakahati kasi 'to sa gitna at itim na itim talaga, dinaig pa'kong nag niniyog sa ulo ko.

" Emmz! Hindi kita type, eckk!" Maarteng sabi nya ng makita nyang nakatitig ako sakanya. Huminga ako ng malalim at tamad nalang syang tinignan. " Lumulutang nanaman 'yung braincells mong gaga ka!" Sabi nya sabay subo sa'kin ng stick namay siomai. Nasa foodcourt kami ngayon at katatapos lang ng klase namin.

Si Zack ang lagi kong karamay sa lahat. Kung pwede ngalang kaming magsama sa iisang bahay, nagawa narin namin kaso hindi pwede dahil may Dracula parin sya. Ando'n 'yung mga araw na. ..

" Bagay ba Boo?" Tanong ko sabay labas ng naka spaghetting damit at maikling shorts. Kumunot ang noo ko ng dali dali nya'kong hinatak pabalik sa loob ng dressing room.

" Bakit labas kanalang ng labas?" Seryosong sabi nya na ikinalunok ko. Boses lalaki talaga kasi si bakla ngayon. Kunot 'yung kilay at mariing nakatingin sa'kin ang mga mata.

" B-bawal ba?" Mahinang tanong ko sabay yuko. Matagal bago sya sumagot, kaya inaasahan kong hindi bagay. Nasa Divisoria kasi kami ngayon. " Sige papalitan ko nalang."

" Hershey." Napahinto ako. Tinawag nya kasi ako sa pangalan ko. Kunot noong bumaling ako sakanya at nadatnan ko syang seryosong nakatingin sa mapuputi kong hita.
" Bagay na bagay teh! Ano ba! Ayoko lang na isuot mo sa labas dahil hahabulin ka ng mga boiz and it's a big no! No for me! Ako lang dapat ang hahabulin nila, okay?" What a concern friend mga teh.

Yes. I have no friend except kay Zack. Ayoko na kasing magkaibigan. May mga sumubok na makipag kaibigan sa'kin pero pinilit ko nalang mapag-isa. Ayokong ng na a-attached sa isang tao tapus ang mahirap kapag may umalis, mahihirapan ang isa. Pero kay Zack kolang naramdaman ang hindi matakot at magtiwala, pati kay Tres na hindi nagsasawang samahan ako kahit saan. Tres is my first crush no'ng elementary days kopa, not knowing na gusto rin pala nya ako. Anyway, nagkakilala kami ni Boo no'ng nag transfer ako sa school nila no'ng Highschool.

" Boooo!" Tawag ni Zack sa'kin.

" Hmm?"

" Tamlay ah?"

" Masakit ulo ko bakla manahimik ka." Sabi ko sabay dukdok sa arm chair. It's our freetime for the meantime. Nagpapasalamat ako dahil wala na si Zack na nangungulit.

" Boo, tara lumamon tayo tapus inom ka gamot." Sabi ng swabeng boses. That's my Zack, a super caring one. Pero may mga time na hindi ko sya maintindihan.

" Boo?" Masayang tawag ko sakanya pero kunot noo lang syang nakatingin sa malayo.

" Boo, for the first time! May nangligaw sa'kin! 'Yung transfer sa Nursing? Yaiks! Kakilig." Kinikilig at masayang sabi ko sakanya pero deadma. Ah, alam kona. " Boo! Kaguwapo!"

" Hindi naman ako nursing, ah?" Seryosong sabi nya na ikinalaki ng mata ko. Hindi ko kasi inaasahan 'yon.

'Wala ng guguwapo pa sa'yo.'

Our Entirely Fantasy Where stories live. Discover now