P R O M I S E S

62 32 162
                                    

  This chapter is dedicated to be_matured_enough salamat sa pagbabasa ng kaekekan ko! Support nyo rin po ang story nyang Detect My Heart napakaganda rin po ng pagkakasulat nya ro'n na binabasa kopalang din ngayon ♥

~Not All the Promises are Meant to be Broken~

  " Napakagaling po talagang maglaro ng tadhana, Sister Magdalene." Mahinhin akong napangiti.

  " Tayo ang gumagawa ng tadhana, Jhen." Sabi ko naman sa kausap kong dalaga. " Tayo. Tayo lang ang gumagawa ng desisyon na'tin. Kaya nga nagtataka ako sa mga kabataan nyong katulad ngayon na sinisisi ang tadhana kung bakit kayo hindi nagkatuluyan. Tayo lamang ang gumagawa ng desisyon natin, Jhen. Nasa saatin kung ipaglalaban natin 'yung taong mahal natin o hindi. Dahil kung mahal natin 'yung isang tao, pati tadhana handa mong kalabanin."

" Whosh! Ang lalim no'n, Sister! Na-inlove napo ba kayo no'n?" Nakangiti akong napailing. " Ako kasi Sister paano pa'ko lalaban kung hindi naman ako sinubukang ipaglaban." Mahinang sabi nya na ikinatingin ko sa dalaga.

 
" Para sa'kin Jhen, hah? Sa tingin ko napakabihira lang ng lalake na mas mahal 'yung babae. Madalas kasing babae 'yung sobra kung mag mahal kaya ang lahat ay nauuwi sa hiwalayan. Hindi naman kasi kayang mapanatili ng babae ang gano'ng sitwasyon. Pero kung mahal ka nung lalake? Kahit gaano pa siguro kagulo ang lahat maiintindihan ka nya. Ang mga lalaki ang magaling na humawak ng problema dahil siguro nasanay narin sila na sarilihin ang kanilang sariling problema ng hindi ito sinasabi sa iba. Kaya para sa'kin Jhen, do'n ka sa lalaking mas mahal ka, hindi 'yung lalaking kaya kang hayaan na may mabigat na pakiramdan at loob." Natulala sa'kin si Jhen na ikinangiti ko.

 
" Grabe naman Sister Magdalene! Tinaman po talaga ako ro'n!" Nabibilib na sabi nya na ikinatawa ko.

" Tatandaan ko'yan, Sister! Lodi ka talaga!" Napailing nalamang ako.

  " Osya, sunduin mona ang kapatid mo." Nakangiting sabi ko na ikinatango nya. Nagmano naman sya sa'kin bago umalis. Napatingin ako sa kalangitan.

Minsan konang kinalaban ang tadhana.

--

  " Sister Magdalene! Hindi po kami makatulog." Napangiti ako sa sinabi ng labing-limang taon na si Sofia.

 
" Ako rin po Sister, gusto yata ng kwento nyo. " Sabi naman ni Zebbi na katabing kama ng kwartong tinutulugan ni Sofia. Napangiti ako sa dalawang batang 'to, nakakatuwang gusto nila lagi ng kwento bago matulog. Sabagay ay mga dalaga kaya gusto ng kakwentuhan at bonding.

  " May nabasa poba kayong kwento no'n na hindi nyo malimutan hanggang ngayon, Sister? "

" Meron, Sofia." Nakangiting sabi ko.

  " Sister bakit po pinili nyo maging Madre? Kasi po napakaganda nyo para maging-isang madre at kung alagaan nyopo kami ay parang totoo nyo kaming anak." Napailing ako.

 
" Dahil gusto kong Paglingkuran ang Panginoon at alagaan ang mga batang katulad nyo, Zebbi. Aanhin ko ang aking kagandahan kung hindi ako kilala ng Panginoon?" Napatango naman sila sa'kin habang nakangiti.

  " Maganda napo kayo, matalino pa! Sobrang bait din at maalaga. Napakaswerte po namin!" Natuwa naman ang puso ko sa sinabi ng dalawa.

  " Sister.. . Kwentuhan mopo muna kami bago kami matulog." Pumunta ako sa kama ni Sofia at pinasunod sa'kin si Zebbi. Tumalima ang bata at tumabi sa tabi ko.

  " Sige, kwekwentuhan ko kayo ng kwentong gusto nyo."

  " 'Yung hindi nyopo makalimutan, Sister." Napatango naman ako at napangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Entirely Fantasy Where stories live. Discover now