M Y A N G E L

56 33 155
                                    

  Warning: Suicidal scenes ahead ⚠

     ~Lay Aside Parallel to an Angel~

  " Myron."  Napatingin ako harap at hindi ko namalayang kusa na pala akong napapangiti. Napatingin din ako sa mga kaklase kong babae na bakas din ang paghangang nakatingin kay Myron.

  Masasabi kong si Myron ang lalaking hahangaan agad ng mga babae unang kita palang, napaka guwapo nya kase't tangkad. Napatingin ako sa malayo ng maramdamang nag-iba ang takbo ng puso ko habang nakatingin sakanyang napaka perpektong mukha.

  Bumalik na sya sakanyang upuan at wala ng sinabi pa. Unang araw ng pasok namin ngayon bilang Kolehiyo, at isa ako sa mga mag-aaral na pinapalad na makapasok sa paaralan na'to.

" Isabella, can you buy me C1 too? And I want soda as my drinks, less rice." Utos ng kaklase kong si Stacey, sinunod konarin naman na sya dahil baka tinatamad syang bumili o maglakad, pero hindi ko inaasahang darami pa ang mag-uutos sa'kin, na para bang isa akong utusan. Pero hindi kona pinansin 'yon at sinunod nalang para walang away at masabi ang iba.

  Hindi ko namalayang mag ooras narin pala at tapos na ang recess, hindi man lang ako nakakain. Napahawak ako sa tyan kong sumasakit sa acid dahil walang laman, hindi rin kasi ako nakapag almusal sa bahay dahil ayaw naman talaga akong pakainin do'n. Bumalik ako sa classroom at iilan palang ang mga tao ro'n, ganito talaga ang mga tao rito kapag recess, nauuna pa sakanila ang professor na pumasok. Napaupo ako at tumingin sa malayo. Tulala ako ng may maramdaman akong maglapag ng kung ano sa harapan ko. Napakunot ang noo ko ng makakita ako ng paborito kong Xtreme na tinapay, fudgie bar at sumo. Tig dadalawa ang mga tinapay na'yon, may kasamang C2 'yon na ikinagulat ko. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko at alam kong kitang kita nya ang panlalaki ng aking mga mata.

  " Eat."

  " H-huh? M-myron? Bakit ka naglalapag ng pagkain sa harap ko?" Nagtataka kong tanong, hindi ko mapigilan ang pagbilis ng puso ko.

  " Earlier. Don't do that again." Masungit na sabi nya sabay alis. Napaisip ako kung ano ang sinasabi nya hangga't maalala 'yung nangyari kanina. Nagtataka man at maguguluhan, kinain ko parin 'yung pagkaing binigay nya.

  " Salamat sa pagkain!" Masayang sabi ko kay Myron pero tinitigan lang nya'ko ng malamig at masungit na umalis.

--

" OMG! Girls! Support me cause I'm going to seduce Myron and make him my boyfriend!"

  " Wah! Support ka namin Queen!"

  " Yeah, right? Lahat ng lalaki nagkakagusto sa'kin, noh. As if hindi sya tatamaan sa charms ko." Rinig ko ang usapan ng mga babae sa girls room. Napatingin ako kay Stacey na maganda ang mukha, ano bang ilalaban ko sakanila? Mula no'ng ginawa ni Myron ang bagay na'yon, pilit kong kinakastigo ang sarili ko.

--

   Dumaan ang mga araw na normal naman. Natataranta ako at hindi mapakali dahil may long quiz and test kami mamaya sa Math at hindi ako nakapag review sa bahay dahil napakaraming inuutos sa'kin do'n. Napatingin naman ako kay Myron na seryosong nagbabasa sa dulo, Myron is a cold guy. Napakaseryoso nya at tahimik, pero ang cool ng bawat kilos na ilalabas nya. Sya rin ang pinakamatalino sa'min, maraming nagkakagusto sakanya pero umaatras dahil hindi sya namamansin. Pero ako? Mula ng pangyayaring bigyan nya na ako ng pagkain hindi na'ko natakot sakanya.

Tumayo ako hawak ang notebook ko at pumunta kay Myron. " Myron. .." Tawag ko sakanya namay tunog na nahihiya.

  " Hm?" Nanlaki ang mga mata ko ng magsalita sya.

Our Entirely Fantasy Where stories live. Discover now