CHAPTER 1

56 25 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Si Ellaine Smith ay ang nag-iisang kababata ni Trisha Monteverde. Bata palang ay palagi na silang magkasama sa kabutihan man o sa kalokohan. Halos parang mag-kapatid na din sila dahil sa napaka- dami nilang pagkaka pareho. Hanggang sa mag high-school na sila ay magkasama padin sila. At hanggang sa mag- college na silang dalawa. Madalas nilang ginagawa ay tumatakas sa mga subject na ayaw nila aralin. Palibhasa kase lumaki sila sa mayamang pamilya kaya lahat ng gusto nila ay nakukuha at dinadaan na lang nila sa pera. Maputi din ang kanilang mga balat , kulay kayumanggi ang mata ni Ellaine at kulay asul naman ang kay Trisha. Pareho din sila na mahaba ang buhok. Mas matangkad si Trisha kesa sa kay Ellaine.

Isang maaraw na umaga nang si Ellaine ay magising. Pagka gising nya ay tumayo na agad sya upang maligo at ayusin ang sarili , at nang makapasok na din sa unibersidad.
Pagkatapos noon ay tinext nya na agad si Trisha upang sabihin na sya ay matatapos na at hintayin na lang sya sa may gate ng unibersidad na pinapasukan nila.

Pagkatapos ay pumunta na ito sa kusina para makapag - almusal na. Nakita nito ang kanyang mommy na kinakausap ang ibang katulong at isa naman sa mga yun ay nag ha-handa ng hapag kainan. Nang maka-rating na sya sa may lamesa ay nakita nya agad ang paborito nyang ulam at yun ay ang adobong manok.

"Nak , kamusta ang tulog mo? ," Tanong pa Ng mommy nya.

"Okay lang naman po mommy , napasarap nga po ang tulog ko kagabi eh ," tugon naman ni Ellaine.

Pagkatapos ni Ellaine kumain ay tumayo na sya at nag-toothbrush, at kinuha na ang kanyang bag upang maka-alis na.

"Wait nak , ohh eto baon mo " sambit pa ng mommy niya sabay abot ng pera.

"Thanks mom ," pasasalamat naman ni Ellaine sa mommy nya at niyakap ito.

Umalis sya at nag-maneho na papunta sa university.
Mabilis naman syang naka-rating doon at nakita nya agad ang kaibigan nya.
Pina-sakay na nya ito para samahan sya sa parking lot ng university.

"Sabi sa akin ni Jenny mamayang 11 daw math class na muna bago ang arts" pahayag ni Trisha habang naka-simangot.

"So dating gawi? Tatakas tayo after ng Filipino class natin? ," Tanong ni Ellaine Kay Trisha habang naka-tingin sa daan papuntang parking lot.

"Oo naman , alam ko na din kung saan tayo tatambay mamaya ," naka - ngiting sambit ni Trish.

" Saan? ," Tanong ni Ellaine.

"Sa bahay nila Jazreile" masayang sagot naman nito.

"What ? Why doon pa pwede naman kila Alexis diba?" Naguguluhan na tanong ni Ellaine.

"Ahh basta , wag kang kj masaya dun pramis!" Tugon naman ni Trisha.

Naka-rating na sila sa parking lot at bumaba na ng kotse at nag- tungo na sa Filipino class nila. Paboritong subject ni Ellaine ang Filipino kaya naman ay masigla itong nakikinig sa discussion ng kanilang propesor.

Samantalang si Trisha naman ay naka - tulala lang sa labas ng bintana ng silid. Nasa 3rd floor ang classroom nila kaya tanaw na tanaw nya ang mga batang nag-lalaro ng soccer.
Mas gusto ni Trisha ang P.E at Arts kesa sa Filipino kaya sa mga oras na iyon sya ay lutang at naka-tulala lamang sa labas. Kahit na gwapo ang kanilang propesor ay hindi padin sya naging interesado na makinig sa lektura nila sa Filipino.
Bumalik sa ulirat si Trisha ng sya ay tawagin ng propesor.

"Ms. Monteverde come here in front sagutan mo ang tanong na naka -sulat dito sa pisara," seryosong pahayag ng aming propesor.

"Ahh ehh sir...."bago pa man makatapos su Trisha sa kanyang sasabihin ay sumabat na agad ang kanyang guro.

"Pupunta ka dito sa unahan o maiiwan ka mag-isa mamaya upang makinig sa mga lektura natin ngayun?" Seryosong saad nito.

Walang nagawa si Trisha kundi ang sundin ang utos ng kanilang propesor. At buti na lang ay madali lang ang tanong na naka-sulat sa pisara , kaya naman ay nasagot nya agad iyon.

"Nice answer Ms. Monteverde" masayang pagbati ng propesor kay Trisha habang naka -ngiti ito.

Dali-daling nag lakad pabalik si Trisha sa kanyang pwesto at doon ay ibinaling nya ang kanyang tingin sa labas ng bintana.

Natapos na ang klase at lumabas na muna sila Ellaine at Trisha.
Dumiretso na sila sa parking lot upang sumakay na sa kotse at maka alis na.
Pagdating sa gate ay hinarang sila ng security guard.

"Ano ba manong tumabi nga kayo , pahara - hara ka eh" naiinis na sambit ni Trisha.

Inabot ni Ellaine at Trisha ang pera at binuksan naman agad ng guard ang gate. Kaya naman masaya silang naka -alis ng campus.

Pumunta sila sa bahay nila Jazreile at doon ay nadatnan pa nila ang ibang kaklase nila na nag- sasaya. Nag -iinuman din ang iba at karamihan sa kanila ay halatang lasing na.
Nakita nila ang isa sa mga barkada nila na si Monica naka-upo sa kandungan ni Jeffrey habang sya ay hinihipuan ng lalaki. Mukhang tuwang-tuwa pa si Monica sa ginagawa ng lalaki sa kanyang katawan .

Normal na ang maka-kita sila Trisha ng ganoong pangyayari kapag magkakasama silang lahat.
Naki-sali na si Ellaine sa pakikipag inuman pero kaunti lang ang kanyang ininom dahil babalik din sila sa campus mamaya pagkatapos ng tatlong oras.

"Ellaine you're so beautiful," papuri ni Henry kay Ellaine.

"Thanks Henry,"pasasalamat ng dalaga .

Matagal nang may lihim na pag-tingin si Henry kay Ellaine. Ngunit hindi lang nya sinasabi dahil sa nahihiya sya dito at natatakot din na baka i-reject sya nito.

Sa loob ng tatlong oras ay nag -saya silang dalawa kasama ang iba pa nilang barkada. At Si Trisha naman ay tuwang - tuwa na nakikipag - halikan kay Jazreile.

Habang si Ellaine naman ay kumakanta habang tumatagay.
Makalat na ang buong silid dahil na din sa mga basura at bote na nag - kalat. May basag na bote pa nga na mukhang ini-hampas sa tiles.
Sa mga oras na iyon ay nasa ibang lugar ang mga magulang ni Jazreile kaya naman ay malaya siyang nakaka-gawa ng mga kalokohan.

Oras na para bumalik na sila sa campus kaya naman ay nag - ayus na silang dalawa at nama-alam na sa iba pa nilang kaibigan.

Nag - hilamos muna si Ellaine ng malamig na tubig upang hindi mahilo sa pag-mamaneho.
Ligtas naman silang naka-rating sa university kaya lang ay may isang studyante na naka-kita sa pag takas nila.
At yun ay si Natalie. Kaya naman ay dinala sila sa principal office para doon ay sabihin sa kanila ang magiging parusa nila sa ginawa nilang pag takas.

*At the principal office

"Porket mapera lang kayong dalawa akala nyo ba na magagawa nyo na ang lahat ng gusto nyo?!," Galit na pahayag ng prinsipal.

"Sorry po ms. Principal," pag-hingi ng tawad ni Ellaine.

"Dahil sa ginawa nyong kalokohan tatlong buwan kayong suspended," Saad pa ng principal habang naka-salubong ang kilay nito.

Pinauwi na sila Ellaine at Trisha habang papa-labas sila ng principal office ay kunyare naka-simangot sila at nalulungkot sa nangyari sa kanila.

Pero pag -dating nila sa parking lot ay naka -ngisi silang dalawa at parehong may iniisip na masamang balak. Sakto din na dumaan ang mga bully sa school kaya kanila itong tinawag.

"Psst, Mark, " pag-tawag ni Trisha.

Lumapit naman ang dalawa.
"Bakit Trish?,"tanong ni Mark.

"Gusto ko isama nyo si Natalie sa laboratory kayo na ang bahala sa kanya" naka- ngising pahayag ni Trisha.

"Sige ba" natutuwang tugon naman ni Mark.

"Ohh ayan 5k , wag nyo sabihin sa ating principal na kami ang nag utos sa inyo" Saad pa ni Trisha sabay abot ng kulay itim na sobre kay Mark.

Tuwang-tuwa na umuwi sila Trisha at Ellaine dahil sa tatlong buwan din silang makakapag - saya . Dahil sa sobrang busy ng kanilang mga magulang at hindi na ng mga ito nalaman ang tungkol kina Trisha at Ellaine. Na mas ikinatuwa pa ng dalawa.

End of the chapter 1

Thank you for reading!
— SaoirseDeChantria

You Make Me Crazy Where stories live. Discover now