CHAPTER 3

38 25 0
                                    

Ellaine POV

Lumabas na ako ng kwarto at suot suot ang kulay pula na mini skirt at crop top. Pagdating ko sa kusina at kinuha ang atensyon ni Trisha, at hindi naman ako nabigo dahil lumingon iyon sa akin.

"What the fvck...... You're so hot Ellaine,"namamagha na wika nito.

"Well , I know right," saad ko naman.

"Anyway , mauna ka na nga pala doon sa garage and kotse ko ang gagamitin natin,"utos nito sa akin..

Tumango na lamang ako at lumabas na. Pagdating ko sa garahe ay napa-iling na lang ako dahil sa nakita ko ang kotse ko na madumi at puro putik ang gulong.

"Later na lang kita lilinisan , busy pa ako ngayun," bulong ko pa.

Pumasok na ako sa kotse ni Trisha at pag-pasok ko doon ay bumungad na agad sa akin ang amoy ng kotse nya. Amoy rosas ito at talaga namang nakaka-mangha , malamig din sa loob dahil naka -aircon yun.
Ilang minuto din akong nag antay Kay Trisha at sa wakas nakita ko ito na lumabas na ng bahay.

"What the heck , Trisha is so damn sexy with her black fitted dress and long black boots," sambit ko pa habang tinitignan syang naglalakad.
Binuksan na nito ang pinto at saka umupo sa drivers seat. Bagama't may hang over pa ito ay nagawa padin niyang mag-maneho ng maayos at ligtas.

Pinuntahan muna namin si Jayron sa kanilang bahay upang isabay na papuntang mall total malapit lang naman ang apartment na nire-rentahan niya sa bahay namin ni Trisha.

Nang makarating na kami malapit sa apartment ay tinawag na namin si Jayron.
Lumabas naman ito at pumasok na sa kotse , at nagpatuloy na sa pag-mamaneho si Trisha.

"So ganito Jayron , diba iso-sorpresa mo si Nini tatawagan ko ang manager ng mall na yun at saka sasabihin na mag prepared ng mga balloons and roses. Then sasabihin ko din na tawagan ako kapag okay na , pero ipapasyal muna namin si Nini sa pinaka- malapit na park. Tapos ikaw naman ay mag-ipon ka muna ng lakas ng loob para umayon ang lahat sa plano," mahabang sanaysay ko pa.

"Sige , nakausap ko na sila Monica sabi niya sa akin ay kasama na daw nila si Nini ," ani Jayron.

"Mabuti naman kung ganun,"sagot ko naman.

Naka-rating na kami malapit sa mall at nakita namin sila Nini at Monica na abala sa pag-uusap. Nauna na kami ni Trisha na bumaba at saka nilapitan sila Monica.

"Nasaan na sila Jazreile?"nagtatakang tanong ni Trisha habang palinga-linga.

"Yieee , hinahanap si Jazreile miss mo nohh?" Pang- aasar ni Jeffrey kay Trisha.

"Gagi , hindi kaya ," naiinis na sambit ni Trisha.

"Ohh eh ano?," Naka-ngising tanong muli ni Jeffrey.

"Basta ,"tipin na sagot ni Trisha at inirapan si Jeffrey.
Nagtawanan na lang kami at nakita namin na papalapit na sa amin si Jayron..

"Ohh Jay , okay na ba?,"tanong ko.

"Yes , but need ko muna umalis kase may bibilhin lang ako" tugon naman ni Jayron.

"Sige , mag- iingat ka,"sagot naman ni Nini.

"Yieeeee," pang-aasar pa namin sa kanila kaya natawa na lang si Nini.

Naka alis na si Jayron at kami Naman ay nag aantay padin sa pag dating ng ilan pa sa mga barkada namin.
Minuto din ang lumipas at nakita na namin sila Jazreile , papalapit na ito sa amin.

"Hi Jaz, what's up?,"pagbati ko kay Jazreile sabay apir dito.

"Nothing , it was just I'm a little bit nervous,"tugon naman nito.

Hindi na nagpatagal sila Jazreile at hinanap na si Jayron upang samahan bumili ng kwentas.
Habang kami naman ay nag simula nang tumungo sa pinaka-malapit na park. Masaya naman kami nang makita namin si Nini na nag e-enjoy tignan ang paligid.

Lumapit kami sa fountain at naupo sa tabi nun , at doon ay nag kwentuhan.
Oras din ang lumipas bago tumawag ang manager ng mall.
Kaya minabuti ko munang lumayo kila Nini para hindi nya marinig.

Ng tuluyan na akong makalayo ay saka ko sinagot ang tawag.

"Hello po , ma'am Ellaine okay na po naka ready na po ang lahat,"wika ng manager.

"Mabuti naman po and thank you for your time ," pasasalamat ko naman.

"Sige po ma'am" tugon naman nito.

Binaba ko na ang tawag ng manager at saka tinawagan si Jazreile.

"Hello Jaz , okay na daw sabi ng manager," wika ko pa.

"That's good Ellaine , just wait for a few minutes kase pinapag - handa pa namin si Jayron," tugon naman nito.

"Yes sure , thanks Jaz," sagot ko naman sabay baba ng tawag.

"So kamusta ka na Yannie?" Naka-ngiting tanong ko kay Nini .

"Okay lang ako Ellaine hehhee , ang ganda dito,"

"Salamat nga pala sa inyo,"dagdag pa nito.

"Naku wala yun Nini magkakaibigan naman tayo eh" tugon naman ni Trisha.

"So ano tara na , balik na tayo sa mall?," Tanong ko sa kanila.

"Sige ,"tugon naman ni Nini.

Bumalik na kami sa mall at pumasok sa loob , pinauna muna namin si Ellaine pagpasok.

At kagaya ng inaasahan ay madaming mga rose ang naka disenyo sa paligid. At madaming lobo Ang nahulog mula sa 3rd floor ng mall. Kahit na minadali ang lahat ng iyon ay sadya namang napaka ganda at mahahalata na pinag tulungan talaga ng mga nag ta trabaho doon.

Si Jazreile na ang nagbayad sa mga taong tumulong lalong lalo na sa manager ng mall na yun.

Masayang lumapit si Jayron Kay Nini at sinabi
Ang nararamdaman nito.

"Binibining Yannie Monroe nasa harapan mo ako ngayun upang ipahayag t iparamdam sayo ang totoo Kong nararamdaman. Walang oras na hindi kita iniisip , at sa mahabang panahon na nagkasama tayo bilang magkaibigan . Natutunan ko na magmahal muli. Ipinaramdam mo sa akin na hindi lahat ng tao ay sasaktan ako. Nahanap ko sayo ang mga katangian ng isang binibini na matagal ko nang hinahanap. Ang iyong puso na kasing lambot ng mamon at ang iyong makinang na mga mata na parang isang bituin sa madilim na gabi. Ang mga ngiti mo na 'sing tamis ng kendi.
Ms. Monroe will you be my girlfriend?".

"Yes Mr. Eldron" sagot naman ni Nini na nakapagpa -tuwa pa Kay Jayron.

"Thank you so much Nini ,"pasasalamat ni Jayron Kay Nini sabay niyakap ito ng mahigpit. Sa mga panahon na iyon ay madami ang nanonoood sa kanilang dalawa. Sa mga oras na iyon halatang kinakabahan si Jayron sa magiging sagot ni Nini, tumatagak-tak kase ang pawis nito at parang hinahapo.
Ngunit kamangha - mangha na nagawa padin niya iyon.

Pagkatapos noon ay binigyan pa namin ng tip ang manager ng mall at saka magpaaalam na para umalis.

Di namin inaasahan na magiging ganun pala kasaya ang mangyayari sa loob ng 3 buwan. Sobrang natutuwa ang lahat lalong lalo na si Monica na noon ay suportado talaga sa dalawa.
Di maalis ang mga ngiti ni Jayron sa kanyang mukha. At nagpa salamat ito sa amin nila Trisha.

"Thank you talaga sa inyong lahat , hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa inyo,"pasasalamat pa nito sa amin.

"It's okay Jay , we're friends kaya dapat mag- tulungan talaga tayong lahat"sagot naman ni Monica.

Ngunit natanggal ang mga ngiti ko sa mukha ng makita ko ang isa sa mga ka- grupo ni Natalie. At kumukuha ng larawan namin.

Nang mapansin nitong nakita ko sya ay nagmadali itong umalis ng mall.

"Ano nanaman kaya ang binabalak gawin ng hinayupak na Natalie na yun , at bakit kinukuhanan kami ng larawan ng isa sa mga ka-grupo nya. " Mga tanong sa utak ko na kailangan kong mahanapan agad ng kasagutan.

End of the chapter !

A/N: sorry sa matagal na pag- a update. Sadyang busy lang kami sa mga school works and hindi namin nagawang makapag - update agad.
I'm really sorry...

- SaoirseDeChantria

You Make Me Crazy Where stories live. Discover now