CHAPTER 5

41 10 1
                                    

Ellaine's POV:

Natapos na ang klase namin at lilipat na kami sa building number two para sa art class namin. Habang inaayos ko ang mga notebook ko ay narinig ko Ang mga studyante na nagbubulungan.
"Milan do you heard the news tungkol sa mga baguhan sa campus natin?"tanong ng isang studyante.
"Yep, and balita ko na may magkakapatid yun yung panganay ay si Damien Rancano and yung second ay Khalil Rancano and the third is Ruby Rancano,"wika naman ng isa pang studyante.
"Tsk, tara na nga sa cafeteria nagugutom na ako eh mamaya na ang chismis mga sis,"Saad naman ng isa pang studyante.

Napa-iling na lang ako at tsaka inakit si Trisha na lumabas na.
Habang naglalakad ay narinig namin0 na nag-uusap sila Natalie at ng mga aso n'ya este ng mga kaibigan niya.

"Diba may bagong studyante na ka-batch natin, so eto na nga may kapatid daw iyon na babae at lalaki,"wika pa ng isa sa mga kasama ni Natalie.

"Agree ako sayo Sheena, and ang pogi daw nung mas bata dun sa isa Khalil ata ang name,"dagdag pa ng isa sa mga kaibigan ni Natalie.
Habang si Natalie naman ay naka-tingin lamang sa kanila na parang may binabalak na masama.

Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad ni Trisha dahil ma-le-late na kami. Pagdating namin sa classroom ay kaunti pa lang ang mga studyante.
"Myghad Trish, look is that Damien the newbie‽"nagulat na tanong ko kay Trisha.
"Ohh yes Ellaine,"sagot naman ni Trisha.

Naupo na kami malapit sa pwesto ni Damien at saka nag-usap muna habang hinihintay ang aming propesor.

Maya-maya pa ay dumating na ang aming propesor.
"Good morning class,"wika nito habang labit ang laptop niya.

"Good morning sir Romero,"tugon naman namin.

"Okay class your task today is i-paint Ang favorite place ninyo,"Saad ng aming propesor.

"Kahit ano po ba sir?"tanong ng isa naming mga kaklase.

"Yes Mr. Asis,"sagot ni sir.

"Okay class pwede na kayong mag-simula ngayun,"wika pa ng aming propesor

Nag-simula na kaming gawin ang inutos sa amin ng propesor.
Nakita ko naman si Trisha na naka-titig lamang Kay Damien , kaya tinapik ko ito sa balikat.

"Trisha gawin mo na yung inutos ni sir para hindi na tayo mapagalitan,"Saad ko pa sabay dampot sa paint brush na nakalagay sa maliit na kahon sa tabi ng upuan.

Dinampot na din ni Trisha ang paint brush at sinaw-saw iyon sa paint.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ako at gayun din si Trisha.

"Ellaine mamaya paglabas pwede samahan mo ako sa library?"tanong sa akin ni Trisha.

"Yes sure Trish,"tugon ko naman.

Sinulyapan ko ang aming guro at nakita ko na busy ito sa pag-ta-type sa kanyang laptop.

"To those students na tapos na to make a loud noise , para hindi maka-disturb sa ibang student na hindi pa tapos,"saad ng aming guro.

Kaya naman ay tumingin muna ako sa bintana at nakita ko ang ibang studyante sa malawak na espasyo ng aming unibersidad.
At doon ay naglalaro sila at ang iba naman ay masayang naka-upo habang nag-uusap.
And there nakita ko ang isang lalaki na pinag-ka-kaguluhan ng mga babae.
Mula sa 4th floor ay tinignan ko maigi ang mukha nung lalaki. And i noticed na bago lang ang studyante na yun dahil hindi ko pa yun nakikita dati dito sa campus

"Maybe that is Damien's Brother,"saad ko pa sa utak ko.
Huminga na lang ako ng malalim dahil sa pagka-inip.
Kalahating oras na ang naka-lipas ay hindi padin natapos ang iba naming kaklase.
Ibinaling ko ang aking paningin kay Trisha at nakita ko nanaman na ito ay naka-titig Kay Damien.

You Make Me Crazy Where stories live. Discover now