PROLOGUE

69 15 10
                                    

BOOK SIGNING

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili sa vanity table dito sa kwartong ibinigay para sa akin para makapag-ayos ako ng sarili.

Today is my book signing! Kaya kinakabahan ako na excited. Mula rito sa kwarto ay naririnig ko ang mga tilian ng tao sa labas. Umabot na talaga ako sa gantong level.

Dati pangarap ko lang 'to, ngayon ay ito na, gagawin ko na!

"Miss Patricia, we will start in five minutes. Magready kana po," sabi ng staff habang nakasilip sa pinto. Tinignan ko siya mula sa salaming nasa harapan ko at tumango.

"Okay po." she smiled at me bago niya sinara ang pinto.

Natawa ako no'ng makita ang bestfriend kong kinikilig, naaamaze at.....Proud?

"Ganda-ganda mo talaga, beh! Ihahampas ko yang mukha mo sa mga nagsabing panget ko n'on. Grabe glow-up mo, beh! Nababakla tuloy ako." hawak niya ang dalawa niyang pisngi habang nakatingin sa akin.

She's Trixie, my bestfriend. She did my make-up today.

Napangiti ako bigla nang maalala paano kami naging magkaibigan. It was an unexpected friendship. Sabi nga nila "expect the unexpected"

"Tigilan ako mo ako, Trix, ah. Nawala lang pimples ko, eh."

Sumimangot siya. "Tigilan mo rin ako. Bakit kasi ayaw mo pang sabihin na nagglow ka? Dahil ba kay Vince-" agad niyang tinakpan ang bibig niya nang mapansing binanggit niya ang pangalan ng taong matagal ko ng hindi nakikita.

Ngumiti ako ng maliit.

"Kasi hindi naman ako nag-glow. Ganoon pa rin naman ako, ah?"

Humawak siya sa noo niyang pinitik ko. Nakasimangot siya habang hawak-hawak iyon.

I cannot say that I glow-up. May iba pang meaning ang glow-up. Hindi lang 'to nakafocus sa mukha.

Glow-up also means being matured. Kaya hindi ko masabi-sabi na nagglow-up ako because I'm not matured enough to name my feelings. To choose who will I love forever. To choose who I am going to spend time with.

Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung sino ba ang mahal ko. Ang taong mahal ko o ang taong mahal ako?

Napapatanong ako minsan kung tama ba ang pinili ko.....Kung tama ba ang desisyon ko?

"Tara na nga oras na," sabi ko kay Trixie sabay kuha ng bag ko pero inagaw niya sa akin ito at siya na raw ang magdadala.

Sabay kaming lumabas ng kwarto.

"Nakakaproud ka, alam mo ba yun?"

Malalaki ang mga matang napatingin ako sa kaibigan ko. "W-what?"

"Ang sabi ko proud ako sayo. Dati lagi mong sinasabi na kapag naging physical book ang story mo ay bibigyan mo ako ng libre at may pirma mo pa. Kaya yung bookshelf ko, beh puno na ng libro mo." napahagikgik ako sa sinabi niya.

"You deserve all your achievements, Patricia. Just always remember that I will be here, supporting you, okay?"

Napatakip ako ng mukha nang maramdaman kong may nabubuong luha sa mata ko. Yun ang matagal ko nang gustong marinig. It's been a year since my book got recognize. Sa taong yun wala pang nagsabi na proud sila sa akin at deserve ko lahat ng iyon.

"Hoy? Umiiyak ka ba?" rinig kong tanong ni Trixie kaya mas lalo kong tinakpan ang mukha ko.

My parents is against with this, me writting a story. I cannot understand them why they don't like me writting stories?

Falling Inlove With My CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon