CHAPTER 4

13 6 0
                                    

PROTECT

Patuloy lang si Vincent sa pagpunas ng mukha ko. Ako naman ay nakahawak parin sa kamay niya.

"Change your clothes. May extra ka ba?" tanong niya habang nakahawak sa aking dalawang pisngi.

I nodded. "Nasa locker ko."

Tinulungan niya akong tumayo at naglakad kami papunta sa locker ko. Ang mga nadadaanan naming mga tao ay tinatawanan ako. Ang iba ay nandidiri. Ang iba ay naaawa. But Vincent stay by side kahit ganito ang itsura at amoy ko. He did not laugh at my look.

Nang makuha ko na ang extra uniform ko ay siya na ang nagdala. Sinamahan niya ako hanggang sa harap ng banyo ng mga babae. I took a shower para mawala ang amoy ng suka at toyo sa katawan ko.

Vince patiently waited for me.

"Patricia, are you done?" natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang marinig ko mula sa labas ang pagtawag sa akin ni Vincent.

Ang sarap pakinggan ng pangalan ko mula sa kanya. Ngayon niya palang ako tinawag sa pangalan ko simula nang magpakilala ako sa kanya.

"Yes!" sigaw ko.

"Can I go inside?"

Wala namang ibang tao rito sa loob kaya pumayag na ako. "Sige!"

Mula sa salamin sa harapan ko ay nakita kong pumasok siya. He frozed in his place when he saw me. Nahihiyang nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya.

"Wow! You're pretty." my eyes widen as I look at him. I can see in his eyes that he was amaze. "Kapag bagong ligo!"

He burst out laughing. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka ko binato sa kanya ang suklay na hawak ko. Mas lalo akong nainis no'ng nasalo niya ang suklay na binato ko. Binato niya 'to pabalik sa akin at doon na ako natawa. Para kaming bata na nagbabatuhan.

Doon lang ako tumigil nang matamaan ko na siya sa mukha.

"Tara na nga! Baka malate pa tayo sa second class natin." ako na ang unang naglakad pero napatigil din nang maalala ko na hindi ko suot ang salamin ko dahil malabo ang nakikita ko.

I turned around and was about to get my glasses, but I stopped from my track when I saw Vince wiping my glasses using his handkerchief. Seryoso ang mukha niya habang pinupunasan niya yun.

Malawak ang ngiting inabot niya sa akin ang salamin ko. "Done!"

Natulala ako. Kahit malabo ang paningin ko ay kita ko pa rin ang malawak at maliwanag niyang ngiti. "T-thanks, Vince."

Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko sinuot ang salamin ko. Mas nakita ko ang ngiti niya at mas natulala ata ako ngayon. Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang mapangiti rin.

Nakakahawa ang ngiti niya.

Bago pa namin makalimutan na papasok kami ay ako na ang humila sa kanya palabas sa banyo. Doon ko lang siya binitawanan noong nasa dulo na kami ng hagdan.

Sabay kaming naglalakad pero naghiwalay din ng marating na niya ang room niya. Nakayukong pumasok ako sa room ko. Saktong pag-upo ko sa upuan ko ay siya ring pagpasok ng teacher namin para sa ngayong subject.

After ng isa pang subject ay nagbreak time na. Isinama ko si VIncent sa akin para sumabay siya sa amin nila Chelsea at Joshua sa pagkain.

"Oh wala si Joshua?" kunot noong tanong ko kay Chelsea ng madatnan siyang kumakain mag-isa sa table na kinauupuan niya.

"Wala. He has something to do."

Tumango ako. "Sayang naman. Papakilala ko sana si Vincent sa kanya."

Falling Inlove With My CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon