CHAPTER 19

146 12 5
                                    

[Levi's Pov]

Hindi pinansin ni Luna ang sinabi ni Theo at dumaan nalang na parang wala siyang nakita.

Matalim na nakatingin sa akin si Theo. He gestured me na lumabas kami kaya pinagbigyan ko.

Pumunta kami ng tabing dagat kahit madilim na.

"Why do you have to compete with me?" He asked.

"I never do that." I answered.

"What's with you and Luna?" He asked.

"Nothing." Sagot ko.

"Liar." He said.

"Theo, sa lahat nagparaya ako. Sa lahat pinagbigyan kita.  lahat binibigay ko lahat sa iyo. I am not dating Luna. I don't like her either. Binigyan ko lang ang sarili ko ng responsibilidad to protect,  guide and help her. There is something with her that you will never understand." Paliwanag ko sa kaniya.

"Hindi ko maintindihan." Aniya.

"Exactly."

Napakamot naman siya at napanguso at inaya na ako sa loob at natawa na.

That is how we settle our grudge. Just a small talk and an explanation then were good.

Pumasok na kami sa loob at naabutan si Luna at Suzaine sa kusina na nagluluto.

Hindi umiimik si Luna, si Suzaine lang itong maingay talaga.

Sabay pa sila sa pagtakip ng kanilang niluluto.

Sumandal lang si Luna sa may sink samantalang naupo naman si Suzaine sa upuan.

"Bagay sa iyo iyang gamit ni Levi , Luna." Sambit ni Suzaine na ikinalingon na naman nitong Theo sa akin.

"It is not mine, kay Leigh iyan kaso masiyadong malaki for her." Pagsisinungaling ko na naman.

"Oh I see, akala ko sa iyo, madalas ko kasi makita na ganiyan ang suot mo." Sagot naman ni Suzaine.

"Anywaaayyyy! Anong balak niyo this sem break? Sembreak na sa monday eh." Aniya.

Bigla ay nagkatinginan kami ni Luna na mukang nagkaintindihan sa isang bagay.

"Tara sa Cebu, try nating isa isahin ang ilang Isla don." Sabi ko.

"Shems Cebuuuu, G ako diyan." Tili ni Suzaine.

"Libre mo--"

"Maiwan ka nalang Theo kung papalibre--"

"Joke lang, sasama akoo!" Angal niya.

"Luna, sama ka sa amin." Aya ni Suzaine.

"Yes, she will, don't worry." Ako na ang sumagot dahil alam kong hindi na naman siya magsasalita.

Hindi ko siya maintindihan, daig pa niya ang pipi sa sobrang tahimik.

Biglang naging tahimik ang lahat at hindi namin alam kung bakit kay Luna kami napatingin.

She's not doing anything, nakatayo lang at nakasandal sa sink pero nasa malayo ang tingin na parang tumatagos sa pader ang nakikita niya.

Sabay sabay din kaming nagkatinginang tatlo kasi parang ang creepy.

She is so serious and not even blinking.

Tumayo si Suzaine at dahan dahal lang sa pagtingin sa niluluto niya kanina then pinatay ang kalan mukang okay na.

 A GIFT OF FREEDOM [SERIES #4] ●COMPLETED●Where stories live. Discover now