CHAPTER 23

143 8 3
                                    

[Luna's Pov]

"Doc, mauna na po ako." Sabi ko kay Doc Sullivan.

"Hindi ba't susunduin ka ni Levi?" Aniya.

"Nasa labas na daw po." Sabi ko kahit wala naman talaga.

Tumango na lamang siya at umalis na nga ako.

Agad akong pumara ng tricycle para ibalik ako sa school.

Napatingin ako sa katabi ko dahil nakatingin lang siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Pero hindi pa rin natinag at talagang nakatitig talaga.

"Parang tanga 'to, sampalin kita eh." Sabi ko dala ng pagkairita ko sa kaniya.

"Ikaw--"

"Ano!" Sigaw ko dahilan para magulat pa siya.

Napatingin siya sa cellphone kaya pati ako ay napatingin din.

"Pagkakmalan mo ding ako 'yan? Bobo ka ba? Kamuka ko lang, itapon ko iyang cellphone mo." Sabi ko at naniwala naman siya, kahit malinaw na malinaw na muka ko iyong nandoon.

"Ang galing ah, magkamukang magkamuka talaga kayo, sa lahat ng anggulo, nagkakagulo na ang lahat dahil sa babaeng iyan, napakadami ng issue na kumakalat, pero kahit na ganoon at kung totoo man iyon ay napakaswerte ng babaeng iyon kung sila talaga ni Avi, shet sana all!" She said and snap her fingers.

"Paano naman naging swerte kung halos wala ng kalayaan 'yung tao, ni hindi na makagayak dahil naikalat na siya at ginagawan pa ng issue." Sabi ko sa kaniya.

"Swerte niya dahil isang Avi Sullivan ang asawa? Or jowa? What ever basta 'yon." Aniya.

Napairap na lamang ako at pumara sa tapat ng school.

"Dito ka--hoyy! Sinungaling ka, ikaw iyon!" Sabi at bababa pa sana kaso tinulak ko papasok ng tricycle at sinabi sa driver na umalis na, kaya wala ng nagawa 'yung babae.

Napabuntong hininga naman ako at naglakad pero nagtago din ulit saktong may nakita akong dumaan na masasaka na nakasuot ng sumbrerong balanggot, 'yung sumbrerong ginagamit ng mga magsasaka kapag.

"Pahiram po, please." Sabi ko at nagtataka naman si kuya na nakapang damit magsasaka pa at tumango na lang din at umalis nang makita ang mga media sa may gate.

Malabo pa rin atang hindi ako makilala kahit may nakalagay na sa ilong kong kung ano man ito.

Kinapa ko ang bulsa ko at may nakapa akong panyo kaya naman itinali ko sa may biig ko para matakpan ang kalahati ng muka ko, dahan dahan din akong naglakad sa crowd na nagpupumilit na pumasok ng paaralan namin, may nakasalubong pa ako at nagmistulang magnanakaw ako sa pagdukot sa ray ban na nakabit sa damit ng isang journalist at isiniksik muli ang katawan ko hanggang sa makapasok ako ng walang nakakapansin sa akin.

"Para kang tanga, halika ka nga, ako na magtago sa iyo, akala ko ba magkasama kayo ni Levi bakit ka umalis ng hospital eh mukang hindi ka pa naman ayos." Sulpot ni AU.

Palagi na lang sumuulpot ito, ano bang meron.

"Paano mo ako nakilala?" Inis kong tanong at tinanggal ang nasa ilong ko kahit medyo masakit pa.

"I am AU Aragon, magaling ata 'to." Aniya.

'Tss, yabang.'

"AU ako na bahala." Napalingon na naman ako sa nagsalita at si Theo naman ngayon na seryoso at humawak pa sa braso ko dahilan para magdulot ng kaba.

 A GIFT OF FREEDOM [SERIES #4] ●COMPLETED●Where stories live. Discover now