CHAPTER 1

1.4K 50 1
                                    

Tap POV





"Hindi kaba nagsasawa sa kakatingin sa babaeng 'yan pre? Na ilang beses ka nang binasted at tinaboy?" Sabi ng Bestfriend ko. Habang tinitingnan ko ang babaeng gusto at mahal ko.

"Alam mo pre, ang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi mawawala kahit kailan." Nakangiti kong sabi habang nakapalumbaba.

"Tsk, pagmamahal. Hindi mo ba nare-realize na hindi ka magugustuhan ng isang tulad niyang babae na ubod ng sungit at kaartehan." Sabi nito.

"Nalulunod kasi ako sa pagmamahal ko sa kaniya. Tsaka, mabait naman siya ah at masiyahin." Nakangiti kong sabi.

"Tsk. Dilikado kana talaga pre, tsaka anong mabait at masiyahing babae na 'yan? Eh kilos palang nga mahahalata na kung gaano ka maldeta." Komento naman niya. Napa-irap nalang ako at hindi na muling sumagot.

Itinuloy ko nalang ang pagpantasiya at pagmasid sa babaeng gustong gusto ko hindi, mahal ko pala.

"Hoy, ano nga ba kasi ang nagustuhan mo sa babaeng 'yan huh." Paulit na tanong nito. Kung alam niya lang talaga ang sagot, hayst. Hirap rin kasing mag-explain sa isang tulad niyang tutol sa pagmamahal ko para sa babaeng ngayon ay kasalukuyan ko paring pinagmamaadan.

"Ano paba eh di kagandahan, mabait pa at kasyang kasya sa mga braso ko kapag niyakap ko siya ng napaka — Aww!" Daing ko ng batukan niya ako. Tsk, I'm just stating the fact lang naman.

"Alam mo nakakagigil ka pre."

"Wala naman akong ginagawa ah." Agad kong sagot. Sinasagot ko lang naman ng 0uno ng katotohanan ang tanong niya.

"Gusto na talaga kitang iumpog sa pader nang marealize mo na ang taong gusto mo ay hindi ka kailan man magugustuhan." Sumimangot nalang ako sa sinabi niya. Gusto ko nalang talagang itanong sa mundo kung matalik ko ba talaga siyang kaibigan.

Pero kahit ano pa mang gawin niya hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko sa kaniya, sa babaeng mahal ko. Dahil siya na ata ang halos bumubuo ng araw ko.



"Oras na ng klase. Tara na at mamaya mo na naman tingnan 'yang babae na 'yan." Napasimangot ako sa sinabi niya.



"She has a Name Eman. Ako talaga mismo susuntok sa 'yo kapag ganiyan ang tawag mo sa kaniya." Banta ko sa kaniya. I don't want to hear or to call my girl with different names by some random people if they are not even close.



Napatawa nalang siya at hinila na ako papunta sa classroom namin. Pero bago pa kami makalayo ay sinulyapan ko muna ang mahal ko na nakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan niya.



Hayst. Ang hirap lang talaga kapag malayo siya sa akin. Gusto ko, lagi siyang nasa tabi ko, walang iba kundi kaming dalawa lang. Kung totousin ngang maging kami ay hindi ko siya kailan man ipapahawak sa kahit na sino, basta gusto ko akin lang siya.



Ang kaso lang, ako lang ang nagmamahal at hindi ko alam sa sarili kung mamahalin niya ba ako.



Alam ko naman na ang sagot sa tanong ko pero syempre hindi ako nawawalan ng pag-asa at patuloy na umaasa na maibabalik niya ang pagmamahal na lagi kong ipinaparamdam sa kaniya. Darating iyon, at mangyayari hindi pa ngayon o sa susunod pero balang araw.



"NGINGITI-NGITI na naman ang ating Tap ah." Gulat kong nilingon si Dea, isa sa mga klakase ko at ka-close ko sa classroom. Para ngang lahat ka-close ko. Hahaha.



Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin ng bumalik ako sa ulirat mula sa pagkakagulat ko sa biglang pagsulpot niya sa tabi ko. Nakakalukong mukha naman ang ibinigay niya sa akin na ipinagtaka ko. Ano bang problema niya? May kailangan ba siya sa akin?



Loving You Ms. Blackwood (GXG | Intersex)Where stories live. Discover now