CHAPTER 5

682 33 2
                                    

23 years later



Tap POV




I was busy checking some papers when someone knock on my doors office.




I give a little come in to acknowledge the person whose knocking on the door that he/she can come in.





"Sir, here is the last one to interview. " Secretary Quarez said while puting the persons paper on my table.




I nod at her.




"Tell the person to come in." I said.





As soon as she left I pick the Person paper who I'm about to interview.





Name: Carla Maze B. Blackwood
Age: 28
Gender: Female
Birthday: August 13, XXXX
Birth place: XXXXX XXXXXXXXX XXXX
Status: Single




You know what? It's been 10 years from now...





AS SOON AS I realize who the person was, my office door open and their she is.





The most beautiful thing that once part of my life and will ever be. The girl who stole my heart and the girl who also broke my heart into peices.





"Good morning Ma'am, I'm -"
Hindi na niya natuloy ang pagsasalita ng marealize na kilala niya ang nasa harapan niya ngayon.





Parang pinutol ang hininga ko ngayon. Para ring sumabak ako sa Marathon dahil ang bilis ng tibok ng puso ko ng masilayan ang mukha niya.





Hindi man lang kumupas ang kagandahan niya. Mas lalo pa nga siyang gumanda. Lalo siyang pumuti at naging mature na rin ang mukha niya.





Hindi na siya cute, ang hot na niya— Tap gumising ka!





"A-ahm, your Carla Maze B. Blackwood. Right?" Napalunok ako. Magpakaboss ka!





"Yes, I am Ma'am."





After I Interview her ay agad din siyang umalis. Pipigilan ko sana siya kaso ang bilis niyang kumilos.





Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Dahil mahal ko parin siya, obvious naman.





Napakagat labi na lamang ako at napayuko habang pinipigilan ang pagngiti. This is karma to me.





Napalingon ako sa pinto ng opisina ko ng bigla itong bumukas at pumasok ang kaibigan kong si Eman habang hinahabol ang hininga.






Hinintay ko lang siyang kumalma habang inaayos ang mga papeles sa lamesa ko. I should not be showy, para hindi niya mahalatang kinikilig ako. Hahaha.





"Na-nakita ko si Carla. Ang babaeng 'yon... dito mismo sa kompanya mo." Hinihingal paring saad nito.





"I know." Sagot ko. You need to keep your self together Tap.





Nakita kong lumapit siya sa akin habang hindi ko parin siya nililingon.






"Anong I know I know mo diyan. 'Yong babaeng 'yon, 'yong babaeng sinaktan ka. Anong ginagawa no'n dito?"




"Just applying as an employee here." Sabi ko.




Kumalma naman siya. "Ayos na 'yon sa'yo? Alam kong mahal mo parin ang babaeng iyon." Natigil ko ang ginagawa ko.





Ngunit hindi ako nagsalita at pinagpatuloy ang hinagawang pagpeperma at pagrereview ng mga reports ng Kompanya ko.




"Silence means yes Tap."




'Cause I make a promise to my self. And now that I am more than confident, alam ko na ang gagawin ko. Let me give my self a second chance. Kung hindi nagsuccess. Eh 'di, I will unchained my heart for being chained by her.



KINAKABAHAN AKO SA tuwing dadaan ako sa department kung saan nakapuwesto si Carla.





Kahit pa naman mahal ko siya. Hindi pa ako masyadong sigurado sa confidence ko. Masyado lang akong mayabang. Ang torpe ko na ngayon.





Nakakapanibago kasi, ang isa dating mataray at napakamalditang babae. Employee ko na ngayon. Hayst.





Isang linggo narin ang nakakaraan noong nag apply siya sa kompanya ko. Natanggap siya dahil narin sa performance at karanasan niya. Based on her records na nabasa ko.





Mahigit isang linggo ko naring iniiwasan siya kahit naman na malaki ang building. Hindi ko ba alam sa sarili ko. Ito na nga ang chance eh. Iniiwasan ko pa.




Pero hindi ko naman kumpermado kong single pa ba siya o may pamilya na. May kung anong kirot sa dibdib akong naramdaman ng maisip iyon. Pero alam ko talagang single siya ngayon. I hope.




Ngayon ay kakatapos lang ng naganap na meeting tungkol sa share holders ng kompanya.




This company was from my Dad. Pinamana niya sa akin ito ng mag 25 ako kaya ako na ang nagmamanage ng mga pinaghirapan niya. So far ay maayos at maganda parin ang takbo ng kompaniya kaya walang nagiging problema at sana tuloy tuloy lang.




Pagkatapos kong kunin ang briefcase ko ay agad na akong lumabas ng kompanya, this time, hoping again na sana ay hindi ko siya makita. Torpe ko 'no?




Pagpasok sa Elevator ay agad kong pinindot ang Last floor.
Checking the time in my wrist watch, I didn't notice that the elevator stop at The department where Carla was working.




Sana hindi siya ang taong 'to. Kung hindi, ako qng makokorner na embes siya.





I lost my hope nang pagbukas ng pinto ng elevator ay bumungad ang napakagandang mukha niya. Walang kupas na kagandahan.





Nakasuot siya ng flawless dress with a flat sandal na lalong bumagay sa kaniya at sa kaputian niya.





Nabalik lang ako sa ulirat ng batiin niya ako.




"Good afternoon Ma'am. " Nang marinig ang malumanay niyang boses ay kumalma ako. I only give her an awkward smile, 'yong hindi halata.




Parang hindi na siya ang dati kong nakilala na babaeng maldita at masungit pagdating palang sa boses. Bumago na nga talaga siya, tama ang pagkakaobserba ko sa kaniya.




Ba't gano'n? Mas lalo ata akong nahuhulog sa kaniya kulang nalang ay sabihin kong pakasalan niya ako kahit wala pang get-to-know-ech-other.




Wala akong masabi and beside as a strict boss I always great my Employees in that manner.




Hindi kasi ako komportable kung makikita nila ang isang side ko. I am only showy sa mga taong kakilala at close ko.




Tahimik lang ang loob ng elevator. Pinapakiramdaman ko siya. Mula sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siyang kinakalikot ang Cellphone niya.




Napangiti ako. Ang cute niyang tingnan. Hayst.

Loving You Ms. Blackwood (GXG | Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon