CHAPTER 15

734 21 0
                                    

ELVIRA'S POV

"E-elvira? B-bakit ka nandito?" Utal na tanong niya.

"I am the one who should asked you that question. What are you doing here? We don't need you here." Sabi ko na mas lalo niyang ikinataka at ikinagulat.

"K-kaibigan ko pa rin n-naman si Jax kaya siguro n-naman may karapatan akong p-pumunta dito." Utal pa rin na sagot niya.

"So anong gusto mong palabasin? Na wala akong karapatang pumunta dito?"

"H-hindi naman sa ganun. S-sige aalis na lang ako." She said.

"Wait may ibibigay pala ako sayo. Kukunin ko lang sa loob." Sagot ko at ngumiti.

Pumasok ako sa loob at nakita ko doon ang Tito at Tita ni Jax na nakaupo at nagkakape lang.

Kinuha ko sa bag yung invitation card at bumalik sa may pinto.

"Here. You are invited to our wedding. Isama mo na rin yung tatay ng anak mo. It will be fun to watch our wedding." Sabi ko na ikinalaglag ng panga niya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakapag-salita. "A-ahhh. C-congrats! Haha. Sige p-pupunta kami." Sagot nito at tumalikod na.

"Be careful sa paglalakad." I reminded her kaya tumango lang ito pero di ako nilingon at tuloy tuloy lang siya sa pag-alis.

Pumasok na yung dalawang bata at pumasok na sa dollhouse na naayos na agad ni Jax.

Inabot ko naman sa mag-asawa yung binili naming pwedeng ulamin.

"Bumili po ako niyan for our extra ulam po." Sabi ko at inabot ang binili ko sa Tita ni Jax.

"Nakain ka ba nito? Ibig kong sabihin, hindi ito ang karaniwang ulam sa bahay niyo panigurado." Sabi nito.

"Opo nakakakain na po ako niyan together with my friend po. And naalala ko sabi niya masarap daw po yan kapag may kanin so I brought it." Sabi ko at umupo sa upuang kawayan at kinain yung siopao na binili ko ulit bago kami umalis.

Tumabi naman sakin si Jax kaya inalok ko sa kaniya yung binili ko rin for him.

Kinuha naman niya iyon at kinain.

"I swear di ko alam bakit nandito yun." Sabi niya at sumandal sa sandalan ng upuan kaya sumandal rin ako pero sa balikat niya naman.

"Okay." Sagot ko lang dahil nage-enjoy pa ako sa siopao ko.

Ayokong mawala sa mood habang kinakain yun.

"Hindi ka pa ba nanlalagkit? Nangamoy usok ka na rin. Nilabas ko yung damit na dinala nila. Yung nasa kama ang suotin mo para di ka lamukin." Sabi niya.

"Later. I'm eating pa." Sabi ko kaya natawa pa siya ng mahina.

"Masarap?" He asked so I hummed. "Tataba ka niyan." Dagdag niya pa.

"I don't care. Masarap kasi. May gym naman para magpapayat ulit." Sagot ko at inubos na yung isang siopao.

Hindi pa rin ako naku-kuntento kaya tinignan ko yung siopao ni Jax na nangangalahati na. Isusubo pa ulit sana niya pero napansin niyang nakatingin ako doon.

Kaya binigay na lang niya sakin yun. I smiled at him cutely at inubos iyon.

PAGKATAPOS KONG maligo at makapag palit ng pantulog ay nakinood na muna ako sa sala nila.

Silk na pink na pantulog yung ni-ready ni Jax na isusuot ko. Longsleeve rin yun at pajama. Hindi naman mainit kasi medyo manipis iyon. Wala rin silang aircon dito at electric fan lang ang gamit nila.

Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)Where stories live. Discover now