CHAPTER 44

725 14 0
                                    

JAX'S POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa mga Doctor at Nurses dito sa ospital dahil sa sinabi ni Faye.

Iba yung galit niya ngayon. Para siyang sumabog na bulkan pero hindi pa tapos mag-hasik ng lagim sa ospital na ito.

Iba yung galit niya ngayon na damay na ang anak namin. Masasabi kong mas nakakatakot siya ngayon kaysa noon nung nagalit siya dahil sa nagawa ko.

"W-where you going?" Utal na tanong ng Dad niya.

"Sa CCTV room para mahanap ang mga kailangan kong pagmumukha."

"Sweetheart, I think that's to much–"

"To much?! Kulang pa yun Dad. Sa dami ng nurses at doctors dito sa ospital ay intern ang nagisip na umasikaso sa anak ko. Anak ko na yung pinaguusapan dito! At gagawin ko ang lahat ng kaya ko para sa anak ko." Sabi nito at umalis na.

"I'll come with her–"

"Hindi. Si Jax ang gusto kong sumama sa kaniya." Pagpigil ni Mr. La Cuesta kay Aries.

"Sundan mo siya Jax, alam kong mapapakalma mo iyon." Sabi nito sakin kaya tumango ako at tumakbo para sumunod sa kaniya.

Nasa labas  pa lang ng CCTV room ay maririnig ko na ang galit na sigaw ni Faye.

"Bilisan mo! Gawin mo ng maayos ang trabaho mo kung ayaw mong pati ikaw madamay!" Sigaw nito kaya kahit natatakot man ay ginawa naman ng guard ang trabaho niya, sa tabi nito ay ang head nurse yata.

"Head nurse ka dito di ba?" Tanong ni Faye sa kaniya kaya kalmado itong tumango.

Tinitigan siya ni Faye pero di ito nagpatinag. Kapagkuwan ay hinanap siya ni Faye sa screen.

"Good you are not here. Now I want you to find the papers na naglalaman ng information ng mga nurse na nandito at kunin ang mga lisensya nila. Bibilangin ko ang mga ito at kapag kulang ang binigay mo pati ikaw idadamay ko. Naiintindihan mo?!"

"Yes, Ma'am." Sagot nito at kinunan ng picture yung screen at umalis.

"Hanapin mo kung nasaan yung mga doctor na on duty pero walang ginagawa. Bilis!" Naiinip na sigaw nito.

Lumapit na ako sa kaniya pero nilingon lang ako nito saglit at inirapan kapagkuwan ay tinutok niya lahat ng atensyon niya sa screen.

Lahat ng makikita niyang Doctor na nakaupo, nakatayo or walang ginagawa ay ipapatawag niya. Kahit yung mga natutulog sa on call area nila ay ipapatawag niya.

Ang rason niya ay kung bakit natutulog ito sa oras ng trabaho.

Halos isang oras yata kaming nasa loob makita lang lahat ng iyon at makuha lang yung mga information papers.

Nang palabas na kami ng CCTV room ay pinigilan ko siya at hinawakan ang kamay niya kapagkuwan ay hinila palapit sakin para yakapin.

"I know what you are feeling right now. But I want you to calm down. Kahit ako ay ganyan rin ang gagawin pero kailangan mo kumalma. Isipin mo na lang ngayon ay ang importante, gaya ng maayos na ang kalagayan ni Fate." Sabi ko habang yakap siya at pina-pat ang ulo niya.

Mukhang effective naman pero nagulat ako nang yumakap rin ito pabalik at umiyak habang tinatago niya ang mukha niya sa leeg ko.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko pero isa lang ang alam ko, na-miss ko yung ganito. Yung ako ang comfort zone niya at ako ang yakap niya.

We stayed there for a minute hanggang sa kumalma na ulit siya.

"Let's go. I still have something to do." She said at nauna nang lumabas.

Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)Where stories live. Discover now