CHAPTER 31

632 17 0
                                    

ELVIRA'S POV

AFTER 3 MONTHS, sa wakas ay natapos na rin ang problema about sa family nung Caloy na asawa ni Elena. Oh, I mean ex husband na pala kasi hiwalay na sila at napa-walang bisa na ang kasal nila.

We helped her na gawin ang lahat makulong lang ang pamilyang iyon.

Kumuha kami ng maraming investigators para lang makahanap ng maraming ebidensya.

And it turns out na marami talagang ilegal na gawain sa Cebu ang pamilya nung Caloy. Hindi lang si Caloy ang nakulong kundi kasama na doon ang tatay at iba nitong kapatid.

Ngayon nawala na sa kanila ang lahat ng meron sila.

At ngayong buwan ay maayos na ang lahat. Wala ng gulo at maayos na si Elena. Wala na siyang kinatatakutan pa na pwedeng mangyari sa kaniya.

Nakauwi na rin siya sa pamilya niya at minsan ay pinapapunta ko siya rito.

Ngayon ay gender reveal ng baby namin ni Cindy and maraming pumuntang business partners at may mga media pa nga.

Nandito rin ang family ni Jax at ang mga nakasama ni Cindy sa ampunan. Nandito rin sina Elena.

"Pull it! Pull it! Pull it!" Sigaw ng mga tao.

May dalawang cake sa harap namin and may ipu-pull kami sa ibabaw nun and sa loob nung cake is nandoon ang result kung anong gender ng baby.

Nakangiting sabay naming hinila ni Cindy yung design nun at una naming nakita is purple color na paper.

Hinila namin ng hinila ang sobrang habang purple thingy na yun. Tumulong na sina Dad at Jax samin dahil ang haba talaga.

Then we saw another color na, which is pink and blue na. Na-excite na ako lalo kaya binilisan ko na ang paghila.

Dinig naman sa paligid ang sigawan ng mga tao at pati sila ay na-e-excite na.

White paper na yung lumabas.

"It's!" Nagulat pa ako ng bahagya ng marinig ang mga tao sa paligid kaya tinignan ko yung binabasa nila.

"A!"

May nakasulat pala sa paper.

Nang hilain ko pa yun ay nakita ko na yung ultrasound.

"BOY!"

"GIRL!"

Pink color ang last na nakita ko and blue naman yung kay Cindy.

"Wahhh!!" Sabay na tili namin ni Cindy at niyakap namin ang isa't isa.

Nagtawanan pa kami dalawa at ako naman ay naluluha na.

Napatingin ako kay Dad at nakangiti ito habang nakatingin samin and I saw his tears fell from his eyes.

Napatingin ako kay Jax and he was smiling ear to ear while looking at me.

Bumitaw ako sa yakap ni Cindy at lumapit kay Jax at mahigpit siyang niyakap. Muntik pa nga kami matumba dahilan para mapasigaw sa takot yung mga tao pero agad naman na balance ni Jax ang sarili niya.

Samu't saring congratulations ang naririnig namin galing sa mga bisita kaya tuwang tuwa ako lalo.

Napatingin ako kay Elena at I saw her frowning but then when she noticed that I am looking at her ay ngumiti siya.

Kaya ngumiti ako sa kaniya.

After the party ay may mga natira pa ring bisita for some after party celebration. Dad and Jax is drinking and for sure they are drunk already.

Gabi na rin so nagpalit na muna kami ni Cindy ng pantulog and medyo inaantok na rin ako.

Bumaba na muna ako para yayain na si Jax to sleep bago pa siya malasing.

Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)Where stories live. Discover now