Part 13 Mix Emotions

753 14 0
                                    

...Chapter 4 (2)

Ding! Dong!

Ding! Dong!

Narinig ni Avang may nagdoor bell. Dali- Dali namang pinuntahan ito ni Lisa. Expected na niyang si Christian ang darating gaya ng napag-usapan nila.

" Ate yung gwapo na pumunta nung isang araw, papapasukin ko ba" tanong ni Lisa nang bumalik ito.

Kung ganoon si Christian pala ang tinutukoy nito na gwapo at nakakotse.

" Sige, bigyan mo muna ng coffee or juice at pakisabi wait ng konte ha, aakyatin ko lang si mama para makapagpaalam" sabi nito at mabilis na pumanhik sa 2nd floor kung saan nandoon ang ina.

###############

Mike's POV

Di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba at pag-aalinlangan.

Ako? Natatakot sa isang babae? Unbelievable! Pero iba to...

Di ko alam ang magiging reaksyon niya pag nakita ako. Naihanda ko na ang sarili ko sa galit niya.

"Ano bang ginawa ko sa'yo at napakababa ng paningin mo sa akin? Bakit ba hanggang ngayon ay sukang-suka ka sa akin?"

Umaalingaw-ngaw gabi-gabi ang mga salitang binitawan ni Ava. Di ko akalaing makonsensiya ako ng ganito, na di makakatulog..lalo na pag naaalala ko ang hinanakit sa mata niya...ang nagpupuyos na galit. Ngayon ko lang narealize na naging napakasama ko pala sa kanya dati.

"Tandaan mo Mr. Javellana, babawiin mo rin lahat ng sinasabi mo...darating ang araw"

Lalo ang huling salitang binitawan niya...

"darating ang araw"

Ito na ba ang araw na 'yon? God, ang bilis naman yata.

Di ko naman gustong sabihin ang mga salitang 'yon sa kanya...Bakit ba kasi napakagago ko...nagalit ako ng marinig kong may gusto dito si Christian. Para akong batang aagawan ng laruan.

At narinig niya. Napakasakit nun siyempre. Sobrang sama ko.Sobrang mas masama noong high school pa lang kami...Sobrang sama ng ginawa ko kumpara sa pag-alis lagi ng upuan niya at pagbagsak sa sahig na pinagtatawanan ng buong klase. Mas masama sa ilang beses kong pagtago ng isang sapatos niya at hayaang mangiyak-ngiyak umuwi ng nakayapak. Mas masama kaysa sa pagdikit ng papel sa likuran niya na may nakasulat na 'Ako si Pangit'. Di mabilang ang pagpapaiyak ko sa kanya noon pero ngayon ko lang nakita sa mga mata niya ang sobrang pagkamuhi.

At parang apoy 'yon na tumatagos hanggang kaluluwa ko.

I will swallow my pride... Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Babawi ako. Promise... I'm sorry Ava. Sana may lakas ng loob akong masabi 'to sa'yo ng personal. Sana...

###############

Pagkatapos magpaalam sa ina ay bumaba na si Ava. Ayaw naman niyang mainip si Christian.

Pagpasok niya ng sala ay napalitan ng galit ang excitement na naramdaman niya.

" Huh! Why are you here? Who gave you the permission to enter?" Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

Hindi si Christian, kundi si...

Mike!

" Good morning. That lady named Lisa let me in, I'm not a trespasser. In fact, she offered me something to drink" simpleng sagot nito.

" Why are you here? I'm expecting Christian, not you! " mariing sabi ni Ava.

"Nagkaproblema ang gagamitin nating pumpboat so kailangan niyang makipag-usap sa iba kaya ako ang pinasundo niya sayo" kalmadong sabi lang nito.

"What????Natin??? kasama ka rin? " histeryang sabi ni Ava.

"Calm down! Over ka makapagreact! Parang peste ako sayo ah" nakangiting sabi ni Mike.

"Ano pa nga ba? Ayoko na, sabihin mo sa kaibigan mong di na lang ako sasama" sabi nito.

" Hoops! Come on Ava, don't spoil your day just because of my presence. They are all want you to come" sabi ni Mike.

" At ano ha, Javellana? Pagtitripan mo na naman ako? For God's sake Mike, ayoko na! Nagbakasyon ako ng Pilipinas para magrelax hindi para ma stress! " sabi nito.

" Wow sama ko talaga...Ok promise wala akong gagawin, sumama ka lang" sabi nito.

Wala na siyang nagawa. Ayaw rin ni Avang masira ang trip na inihanda nina Christian. But she know, she can kill this man kung gagalitin na naman siya uli. Besides pagod na siyang makipag-away sa lalaking to.

"Ok, I'll go...but stay away from me. Put some barrier, stay on your side and I'll stay on mine" sabi niya.

Tumango lang si Mike. Lihim na napangiti ito.

Pinagbuksan siya ni Christian ng pintuan.

"Ayoko umupo sa front seat, sa tabi mo, baka mapaso ako" inis na sabi ni Ava ng makita kung saan siya panauupo ni Mike.

In fairnes gentleman pa rin ang demonyong 'to, naisip niya.

"Ofcourse, alangan namang gawin mo kong driver mo...please...." sabi nito at sumenyas na sumakay na siya.

Wala silang kibuan habang tumatakbo ang sasakyan.

Parehong parang nagpipigil ng hininga.

"Huhumm! " si Mike.

Di kumibo si Ava, nakatingin lang ito sa daan. Naiilang siya, paano nakabalandra ang mga hita niya sa suot niyang black short. Sana di siya namumula sa nahuhuli niyang pagsusulyap ni Mike. She's really not comfortable.

"You like the flowers? " si Mike na nag-umpisa.

"Ah, yung yellow roses? Si Lisa siguro nagustuhan, sabi ko kay Lisa itapon sa basurahan, pero kinuha eh, sayang daw" pagsisinungaling ni Ava. Ang totoo binigay niya kay Lisa pero di naman niya pinatapon sa basurahan.

Di umimik si Mike.

"Sayo pala galing yon, buti naman" sabi pa nito.

Tahimik pa rin si Mike.

Biglang hinawakan nito ang kamay ni Ava na kinagulat naman ng huli.

Mahigpit ang pagkahawak.

She's frozen...bakit niya magawang bawiin ang kamay.

"Ava....uhum" si Mike.

"Ava, I'm sorry"

Ano daw?

Nabingi yata si Ava, paano parang bomba yun sa pandinig niya.

"I mean it" sabi uli ni Mike na hindi binibitawan ang kamay niya.

"Sorry sa lahat- lahat ng kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo ko, sana di pa huli ang lahat" sabi nito.

Di nakapagsalita ang dalaga. Binawi nito ang kamay.

"Ava..." nagsusumamo ang boses ni Mike.

Di ni Ava naiintindihan ang sarili niya.

Wala silang Imikan hanggang makarating sa meeting place ng tropa.

***Author's Note***

Thanks for reading...Please vote and comment.

Never Kitang Mamahalin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon