Part 49 He Was Worried

311 13 2
                                    

Chapter 15

Mike's POV

"Shit!"

Ibinato ko ang cellphone sa sofa. Para akong sira na paikot-ikot sa loob ng opisina ko. Hindi ko alam kong dahil sa inis o sa pag-alala, pero parang nanginginig ang mga kalamnan ko.

More than a week ko nang hindi nakausap si Ava. Alam kong iniiwasan niya ako dahil ang sabi ni Tita nakakausap naman daw nila. Walang ibang masisisi nito kundi ako. I've done too far, at alam kong nagtatampo siya at nasasaktan. If I can only reveal the reason why I'm doing this.

Noong huling pag-uusap namin, naramdaman ko na ang pagtatampo sa himig niya. I texted her the two days after pa at dahil sa karamihan ng inaasikaso ko hindi ko siya natatawagan, then from that time hindi ko na siya nakausap dahil hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko.

May mahinang katok sa pinto at bago ako nakasagot pumasok na si Christian.

"Oh, ano nangyari dyan sa pagmumukha mo? Daig mo pa ang naluging negosyante," bungad nito sa akin.

" Four days to go bro...." I sighed.

"That's the reason why you're acting weirdly?" umupo siya sa sofa at nakangisi. "Oh, don't ask me how."

I know, syempre sinabi ni Barbi. May maitatago ba kay Christian, lalo na ngayong karelasyon nito ang secretary slash cousin ko.

I walked back to my table then to the door then to the sofa and I grabbed my cellphone.

Kung gaano ang ikot ko sa loob ng private office ko ganoon din ang ikot ng mata ni Christian, sinusundan ako ng tingin.

"Brod, speak it out! Hindi yung parang manganganak na pusa ka na ikot ng ikot. Ako ang nahihilo sa'yo!" he said. "Hay buhay nga naman."

I finally settled on my chair. Hawak ko na ang cellphone ko and again I dialled her number, and again to my frustration she never answered.

"She's upset I know. More than one week na akong di sinasagot at hindi nagrereply sa mga messages ko"

"Then???? I mean, natural na magalit talaga siya, alangan namang matutuwa sa pinaggagawa mo" may halong sumbat pa. Kahit kaibigan ko itong si Christian, ang hilig nitong kontrahin ako.

"Tawagan mo nga...loudspeaker mo ha, kahit marinig ko lang ang boses niya" sabi ko.

Tumaas ang kilay nito. "Ayaw mong kausapin?"

"Huwag na, uuwi rin naman siya eh" sabi ko.

He dialled her number. At tama lahat ng kutob ko, ako lang ang iniiwasan niya dahil sinagot niya si Christian.

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng boses niya. Hindi ko inaasahang mainlove ako kay Ava ng ganito. Mula ng naging kami tumino na ako sa babae pero hindi 100% dahil syempre di madaling iwasan ang mga dumidikit sa akin but I swear siya lang ang nakakasiping ko mula nang naging kami...and I really miss that thing. Pakiramdam ko uminit ang katawan ko sa iniisip.

"Oh Hello Chris, kamusta? Malapit na ang kasal nyo. " -Ava

"Yah, kinda busy and excited" - Christian

"And you have the time to call me, how wonderful of you"- Ava

"Gusto ko lang kamustahin ang importanteng tao sa darating na okasyon. Avs may iba pang nakakamiss sayo maliban sa akin."- Christian.

"Meron? Talaga? Sino naman?" - Ava

Tiningnan ko ng masama si Christian. Wala bang maisip na topic? Pero gusto ko rin marinig ang hinanakit ni Ava.

" Syempre, sino pa, eh di ang isa pang importanteng tao sa kasal" - Christian.

" Is that a fact or is that a bluff? Mukhang hindi naman eh" -Ava

Gusto ko nang sumagot. Gusto kong sabihin na miss na miss ko siya.

"Chris, I need to go, may darating kasi akong bisita and I need to prepare. Regards to Barbi. Bye Chris and thanks for the call. "- Ava

Nagpaalaman sila ni Christian na di man lang ako binanggit.

May bisita siya?????

Sino?

Babae o lalaki?

"So? Ano na? She's fine, " sabi ni Christian pagkatapos nilang mag-usap ni Ava.

She's fine and nothing to worry about her. Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayon. I'm more worried, hindi sa sitwasyon niya or sa galit niya. I'm worried dahil sa nalaman kong may bisita siya.

Ah! Ako na ang paranoid!

"May bisita daw siya," sabi ko.

" Oh come on bro, worried ka dahil doon? Ha!ha!ha!"

Ang lakas makatawa niya. Paano ko ba naging bestfriend to? Ang hilig akong kontrahin.

"Whew! Ang isang Mike Javellana worried dahil may bisita si Ava? Kunsabagay bro, baka manliligaw 'yon."

Lalo akong nainis sa pang-aasar niya.

"Lumabas ka na nga Christian Luis Aldajar! Baka ikaw ang mapagbalingan ko. Nakalamang ka na nga at nakausap mo ang akin tapos may gana ka pang mang-asar?"

" Easy bro, easy!" sabi niyang nakangisi.

" Makaalis na nga. Mabuti pang magdate na lng sa 'future bride' ko" lalo pa itong tumawa ng nakakaasar at lumabas ng pinto.

Kakainis.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Grace.

"Grace, busy ka ba today until tomorrow? Can I ask a huge favor?"

***************************************************************

Author's Note:

Again THANK YOU!

Musta ang summer guys?

please VOTE, Comment, Share.

Never Kitang Mamahalin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon