Part 24 This Day Is Ours

631 10 2
                                    

Chapter 7 (2)

Mike's POV

I can't believe this. Nagising ako sa tabi ng babaeng kahapon lang ay pinapangarap ko. Sino ang nakapaniwalang kayakap ko ngayon sa iisang silid si Ava, ang babaeng minsang nilait-lait ko?

Dahan-dahan akong bumangon. Tulog na tulog pa rin ang mahal ko. Napangiti ako ng maalala ko ang namagitan sa amin. Sigurado na ako sa gusto ko, siya ang pakakasalan ko at wala nang iba. Habang kaniig ko siya kanina, kakaibang langit ang naranasan ko, hindi lang pagnanasa kundi matinding pag-ibig. Wala ni sinumang babae ang nagparamdam nito sa akin.

Hinalikan ko siya sa noo at pumasok sa banyo. I need to make this day a very special one, for a very special girl.

Lalo akong humanga sa kanya, at our age, she's still a virgin. Paano niya naingatan yon, the fact that she lives in the most liberated city? How lucky I am to be her first? Hinding hindi ako papayag na may ibang makakahalik at makakaangkin pa sa kanya.

.

Matapos kong magshower, isinara ko ang silid para hindi maabala si Ava na mahimbing pa ring natutulog. I called the resort administration for assistance para sa sorpresa ko sa kanya.

Ipaparamdam ko sa kanya kung paano magmahal ang isang Mike Javellana.

.

Ava's POV

Nakaramdam ako ng bigat ng katawan. Kinapa ko ang relo sa side table ng kama, 9 am na pala. Nag-iisa na lang ako sa kama, kanina pa siguro gising si Mike.

Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang silid. Akma akong babangon ng mapansin kong wala pala ako ni anumang saplot, tanging puting kumot at bulaklaking comforter lang ang nakatakip sa akin.

May nangyari sa amin kanina ni Mike. Hindi ito panaginip, ramdam ko pa ang sakit dahil sa unang karanasan. Naisuko ko sa kanya ang bandera. Napailing na lamang ako, nangyari na at di na mababawi.

Bumangon ako at kukurap-kurap na pumunta sa banyo. I need to freshen up, I want to explore Boracay, total nandito na ako. Kalimutan ko muna ang tensyon sa aming dalawa para gumana ng maayos ang utak ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng silid pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. I'm wearing white- knitted off shoulder blouse and short over my 2-piece orange bikini na hindi ako ang pumili. Walang choice dahil ito ang inilagay ni Liza sa bag ko.

Napangiti ako, seductive at temptress ang dating. Ewan ko lang kung ano maging reaksyon ni Mike dito.

"Good Morning my love"

Muntik na ako mapasigaw ng biglang may yumakap sa akin at humalik sa leeg ko. Ang salarin nakatago pala sa gilid ng pinto!

"God! Ano ka ba? Papatayin mo naman ako sa gulat" sabi ko.

"How's my sleeping beauty?" sabi ni Mike na di pa rin bumibitaw.

Kusa akong bumitaw at humarap sa kanya.

Napalunok ako. He's so hot and sexy with his white camisa chino and beach short. Dahil hapit ang t-shirt, bakat ang mga muscles and abs. Di nakakapagtakang daming babae at baka kabilang na ako.

Hindi na ako pumalag ng lagyan nya ako ng piring sa mata. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan.

"Surprise!" sabi niya matapos tanggalin ang piring ko sa mata.

"Wow!"

Napakaganda ng setting, very romantic. Nasa terrace kami na nakaharap sa white sand beach ng Boracay. Makakatanggal hiningang tanawin.

Inalalayan niya akong umupo sa table for two na nakaset-up na.

"You like it?" nakangiting tanong ni Mike.

"Yah! Talagang pinaghandaan mo ah. Thanks ha" sabi ko.

"For my true love and mother to be of my child" sabi niya sabay abot ng bouquet of red roses.

"Red roses ha, buti di na yellow," nakangiting sabi ko.

"Ano yung sinabi mo? Mother of ...what? of your child? Di ko alam na romantikong ilusyunado ka pala," nakatawang sabi ko.

"Ilusyunado ka dyan....behave, baka nga nakikinig na siya dyan" sabay nguso sa tyan ko.

Ha??? Posible nga palang mabuntis ako...Parang nanigas bigla ang katawan ko sa naisip.

"Love, ok ka lang?" nahalata yata ang biglang pag-iba ng reaksyon ko.

Di ako nakasagot. Biglang kinabahan ako.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinawakan ang kamay ko in kneeling position.

"Nothing to worry, I'm here and I will be the happiest father kung magbunga man lahat ng to".

"Hindi ah...."sa wakas nagfunction rin ang vocals ko. "I'm not worried, kaya ko lahat, Im old enough to be afraid."

Ang totoo worried rin ako, dahil hindi ako sigurado kung totoo siya sa akin o pinapaikot lang ako at baka bigla lang ako nitong i dump na parang walang nangyari. I'm aware about his status at ang pagiging womanizer nito.

.

.

Pagkatapos naming magbreakfast, Nasimula na kaming mamasyal ni Mike.Hinahayaan ko na lang kung hawakan nya ako sa kamay, akbayan o nakawan ng halik. Damhin ko muna ang sarap ng mga araw na magkasama pa kami. Napakasweet naman pala nito. malayong malayo sa dating Mike na di kumpleto ang araw kung di makitang umiiyak ako.

"Mike" siniko ko sya ng makakita ako ng sorbetero. "Bili tayo ng ice cream, libre mo muna ako, naiwan ko ang wallet ko sa villa"

"Parang sira to...syempre naman, malapit na kitang maging asawa, nahihiya ka pa," nanunuksong sabi nito.

"Manong gusto ko po ng ubi at langka flavor, 6 scoops ha" tuwang tuwang sabi ko. Ngayon ng ulit ako nakatikim ng sorbetes.

"Manong siguradong masarap yan ha, naglilihi yan eh" nakatawang sabi niya.

Inaasar na naman ako.

"Aba syempre. Tiyak maganda o gwapo ang magiging anak nyo" sabi ng mamang sorbetero.

Tinapunan ko ng simangot look si Mike nang makalayo ang mama. Hmp nakalibre lang ng ice cream nang-asar na!

Tinawanan lang ako.

"Love naman, binibiro lang kita, " sabi nito.

Aba't ninakawan ako ng halik sa labi, smack lang pero sa tabi ng daan!

"Sweet" rinig kong sabi ng mag-partner na dumaan.

Isang nakakamatay na look uli para sayo Mike.

Never Kitang Mamahalin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon