Part 57 The Great Revelation (2)

269 12 8
                                    

Chapter 17 (3)

"Anak, maniwala ka, wala kaming intensiyon na saktan ka, gusto lang naming lahat na maging masaya ka. Alam kong mahal na mahal ka niya," nagsusumamong sabi ng aking ina. Nasa himig nito ang pakiusap, pakiusap siguro na tanggapin ko ang lahat at sumunod sa agos, sumang-ayon sa desisyon nilang lahat.

" Hindi niyo alam ang ginagawa niyo Ma, ganyan na ba kayong lahat ka desperado na mag-asawa ako o desperado na kayo na mamalagi ako dito? Inisip niyo bang lahat na may ibang buhay ako sa Amerika na hindi ko basta pwedeng talikuran?" matigas na sabi ko pero hindi ako sumisigaw. Nasa matinong pag-iisip pa ako at alam ko kung sino ang kaharap ko.

"Sabi niyo mahal niya ako? Palagay ko mali kayo diyan Ma, dahil kung mahal niya ako hindi niya ako sasaktan ng ganito. Hindi niya gagawin sa akin to!" naninikip na ang dibdib ko kakapigil sa sarili kong umiyak. Pakiramdam ko talong-talo ako ngayon, wala akong kakampi kahit isa.

" Anak hindi ganoon yun, maniwala ka. Siguro mali lang ang ginawa niyang paraan. Siguro mali rin ang pagsang-ayon namin lahat pero anak alam kong nagmamahalan kayo at maniwala ka na liligaya ka sa piling niya.

"Mukhang ito naman ang ikaliligaya niyong lahat, may magagawa pa ba ako? Sige Ma, papasok muna ako sa restroom," ayoko nang makipagtalo, gusto ko nang matapos ang usapan, ayokong makipag-usap kahit kanino, wala na, ano pa ba ang gagawin ko? Kung ito ang ikaliligaya nilang lahat, hahayaan ko na. Bahala na.

Akmang yakapin ako ni Mama ng mabilis akong tumalikod at dumiretso ng restroom. Kahit anong paliwanag ang gawin ko sa sarili ko, kahit anong pilit ko sa sarili ko na maniwalang ginawa nilang lahat to dahil mahal nila ako pero andito pa rin ang sakit. Hindi kayang tanggapin ng puso ko na nangyari ito at ikakasal ako bukas.

Hindi ko magagawang tumakas kagaya ng nasa pelikula, dahil hindi pelikula ang buhay ko. Hindi ko kayang gumawa ng malaking eskandalo lalo na kung pamilya ko ang madadamay. Wala akong maisip gawin maliban sa sumunod na lang. Hindi ko rin alam kung kaya ko siyang harapin bukas. Sana nga panaginip na lang to lahat. Sana pelikula ang buhay na may cut at may re-take.

Hinayaan kong umagos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito sa restroom. Nang maramdaman kong wala nang tao, lumabas ako ng cubicle at inayos ang sarili.

"Ava, are you alright? Pwede ba akong pumasok?" narinig kong sabi ni Margi.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. May dala itong make-up purse.

"Kailangan mo to," sabi niya sabay abot ng make-up kit. " Narinig ko ang usapan niyo ng mommy mo at alam ko kung ano ang ginagawa mo dito."

Ngumiti lang ako ng pilit. Wala siyang kasalanan at bisita ko lang siya. Hindi siya dapat madadamay.

"Pasensiya ka na Marg, nabigla lang ako at siguro alam mo na ang totoo, na ako pala ang ikakasal bukas," mapait kong sabi.

"Ava, I'm sorry about that," sabi niya.

"Wala na akong magagawa...pero pakiusap ayoko pag-usapan ang bagay na yan. Don't worry pagbibigyan ko silang lahat, hindi ako gagawa ng eksena," sabi ko.

Lumabas kami ni Margi na parang walang nangyari. Kaya ko silang harapin lahat. Sila ang may atraso sa akin kaya sila dapat ang mahiya at hindi ako.

Lahat ng mata nakatutok sa akin ng bumalik ako sa kinaroroonan ni Grace...my bestfriend. Napailing na lang ako.

"Ava, I'm sorry," sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Lumapit ako sa kanya at hiniram ang mikropono na ikinagulat niya. Halatang kinakabahan siya sa mangyayari.

Never Kitang Mamahalin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon